Hayok

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Isang malamig na gabi, natutulog ang mag-asawang si Ridrigo at Selma, nang biglang...

"Crash!"

May lalakeng bumasag sa salamin ng bintana at pumasok sa kwarto nila. Gulat ang mag-asawa at hindi makakilos sa takot. Hinablot ng lalake si Ridrigo, pinaupo sa sahig at tinali ang paa't kamay. Pagkatapos ay tinali naman sa kama si Selma habang nakadikit ang muka nya sa leeg ng babae. Matapos itali si Selma, biglang bumangon ang lalake, at pumunta sa kubeta.

Rodrigo: Selma...

Selma: Rodrigo...

Rodrigo: Wag kang maingay. Nakita ko yung suot nung lalake, takas sa bilibid yun. Napansin kong matagal nyang ninamnam ang leeg mo. Mukang matagal nang hindi nakakatikim ng babae yon kaya sobrang hayok sayo. Sundin na lang natin lahat ng ipagawa nya, dalikado pag nagalit yon baka patayin pa tayo. Tibayan mo ang loob mo Selma. I love you.

Selma: Oo Rodrigo. Kaso hindi nya ninanamnam yung leeg ko kanina. May binubulong lang sya. Type ka daw nya, tinatanong nya kung may lotion ba tayo. Sabi ko nasa CR. Tibayan mo ang loob mo Rodrigo. I love you too.

0 comments for this post

Post a Comment