Halimaw sa dami ang hinatak na atensyon nung nagkaroon ng surprise TV appearance ang butones ni Anne Curtis.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


MILYON ang ginagastos ng mga kandidato para sa 2010 election, para lang mapansin sila. Baket hindi nalang magpakita ng dede yang mga kandidato na yan kung gusto talaga nilang mapagusapan???

Curious lang...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Kapag sinabi ng sinungaling na nagsisinungaling sya...
...nagsasabi na ba sya ng totoo?

Huli ka balbon!

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Habang nagpipicturan sa harap, ito ang lambing ni Gerard Butler kay Jennifer Aniston sa likod.


Picture na sumusundot hinugot dito

"Pambansang"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Dahil merong pambansang kamao na si Manny Pacquiaong, at pambansang banda ang Parokya Ni Edgar, kailangang gawing opisyal ang listahan...

Eto ka!


Live Online Radio

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


 You are currently listening to Easy Rock 96.3
 

Station Select

"Ah sige lang shopping ka na... take your time."

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Ingat ka lang dahil baka hindi ka na sunduin ng misis mo.

"Ricka Martin"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Inamin na nya sa mismong official website nya na babae ang puso nya.

"I am proud to say that I am a fortunate homosexual man," -Ricky Martin (www.rickymartinmusic.com)

Dito sa Pilipinas, kailan kaya aamin si _ _ _ _... _ _ _ _ _ _ ?


picture hinugot dito

Alagang MgaEpal.com

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Ganyan namin kayo kamahal. Nageeffort pa kami para lang gaguhin kayo.

Panahon ni Haring Araw.

By mgaepals on 07:55

comments (0)

Filed Under:

Madami ang natutuwa kapag summer. Ang mga estudyante ang pinaka masaya sa summer dahil bakasyon na. Pagkakataon na naman mag-outing at may malalagay na naman kayong mga pangyabang na picture sa Facebook (Pakiusap: paki iwasan mag peace sign pag nagpapapicture ngayong summer) Para sa mga magulang naman, ang summer ay sakit sa ulo. Tumataas ang electric bill dahil mas matagal mag-internet ang mga anak nyo habang nakabukas pa ang TV (naka-aircon pa ang kapal ng muka) pero pabayaan nyo na ang mga anak nyo na enjoying ang summer. Wag ka nang kontrabida sa dalawang buwan ng kalayaan nila sa mga exams at assignment. At payagan mo na din ang mga anak mo kung gusto nilang magbeach dahil sayang naman ang mga nilaklak nilang L-carnitine para lang madisplay ang mga katawan nila sa Pwerto Galera .

May mga hindi din masaya ngayong summer. Anjan ang mga hindi umabot sa kapayatan at ngayon ay kailangan nilang magswimming ng naka t-shirt. Anjan din ang mga may summer classes na sinisisi ang mga teachers nila kung bakit sila binagsak, pero hindi naman talaga nakinig sa lesson at hindi pa minsan nagpapasa ng test paper dahil wala namang laman ang papel nila kundi pangalan at section. Pero wag kayong mag-alala mahaba ang summer. May matitirang mga 2 weeks jan na wala nang summer classes. At yung mga hindi umabos sa kapayatan para sa summer, look at the bright side... pwede mo nang itigil ang diet mo, dahil may isang taon ka na naman para paghandaan ang susunod na summer vacation.

Maligayang pagpapaitim, at manigong pagbabalat ng ilong sa lahat.

Smile School class picture.... LEVEL : Beginners

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Say cheeseabuakeawooeo.

Ang mundo ay gumaganda sa pang anim na bote.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

"Beauty is in the eye of the beer holder."


Gloria Macapagal Arroyo gustong tumakbo bilang Congresswoman ng Pampanga.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Siguraduhin nyo lang na babantayan nyo ang eleksyon. Dahil kahit Congresswoman lang ang posisyon na takbuhan nya, baka manalong Presidente yan.

Knock on wood.

Dahil sa sobrang dikit ng karera sa 2010 elections hinabol na nya ang boto ng mga Hapon.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:





Tak tak tak

"Akala ko pa naman matalino ang mga dolphin." -baka

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Lahat ng pato sa Finland nakabrip.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Nabanned ang mga Donald Duck comics sa Finland dati dahil wala daw salawal si Donald.


Ito ay isang classic example ng unnecessary censorship. Tuwing may mga over-reaction sa parte ng censorship, ito ay dala ng kakulangan sa tiwala ng kakayanan ng utak para humusga.

Pwede na ilagay sa ilalim ng "indirect insult" ang mga bagay na ganyan dahil halos tinawag mong bobo ang mga tao sa pagcensor sa bird ng bird na wala namang bird.

picture hinugot dito

Survival Gude

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Nangyari na ba sayo ito?
Para sa karaniwang tao, ang mga kailangan mo lang malaman kung mastranded ka sa isang isla ay pano gumawa ng apoy, pano gumawa ng tirahan, at pano makakuha ng makakain. Pero pano naman ang pangangailangan ng mga manginginom? Eto ay para sa mga alcoholic na stranded sa isang isla ngayon.

1. Maghanap ng puno ng buko.
2. Akyatin ang puno at hanapin ang bulaklak ng puno ng buko.

Eto ang itsura non. Tandaan mo.

3. Hiwaan ang dulo ng bulaklak ng puno ng buko.
4. Maglagay ng pangsalo sa dagta/katas ng bulaklak ng puno ng buko.
5. Palipasin ang ilang oras para makaipon ng dagta/katas ng bulaklak ng puno ng buko.
6. Kunin at salain ang dagta/katas ng bulaklak ng puno ng buko.

Congratulations, may tuba ka na.

Babala: Ito ay para lang sa mga desperadong manginginom na stranded sa isang isla ngayon...
Wag susubukang gawin sa bahay dahil madumi ka.

15 Million na Pilipino ang nakiisa sa Earth Hour at nagpatay ng mga ilaw sa kanilang mga bahay pag putok ng 8:30pm kagabi.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Pinauso ng World Wildlife Fund (WWF) ang Earth Hour switch-off activity na yan, at tatlong taon na itong ginagawa. Nagpapatay ng ilaw ang mga tao para suportahan ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa climate change. Kahit ang mga takot sa dilim ay nagtiis ng 15 minutes para lang makiisa. At ang mga kalalakihan naman ay ginamit itong oportunidad sa mga asawa nila.

Ihanda ang mga hospital sa biglang pagdami ng manganganak 9 months from now.

Napasubo sa bakbakan.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Paniguradong igu-google mo kung ano ang Net Neutrality.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


"I will make love to every virgin who defends the internet" -Tania Derveaux

Naglalaro sa utak mo na magpanggap na virgin... hindi ka nag-iisa.
Pinaghugutan dito

Ibon mang may layang lumipad, Batuhin mo ng baseball at umiiyak.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



"Nakachamba ka lang!" -ibon

9 na babae ang nabibiktima ng rape araw-araw sa Pilipinas. Ang nakakatakot dyan, mas madami pa ang hindi nirereport.

By mgaepals on 09:06

comments (0)

Filed Under:

Brenda: Mommy, I'll go na. Maguukay-ukay lang ako.

Mommy: Saang ukay-ukay ka pupunta?

Brenda: Jan lang sa may bagong building sa labas ng village. Hindi na ako magdadala ng kotche, mahirap ang parking dun for sure.

Mommy: Hoy Brenda, wag kang aanga-anga pag nasa labas ka ha. Ang daming rapist na nababalitang pakalat-kalat ngayon, maganda ka pa naman.

Brenda: Of course naman mom nag-iingat ako. At tanghali ngayon so maliwanag, no need to be scared.

Mommy: Hoy wag kang masyadong kompyansa! Mga style ng mga rapist ngayon 'e pasusunurin ka, kunyari may ipapakita sayo o may ituturo sayo, pero dadalhin ka lang pala sa liblib na lugar at dun ka hahalayin!

Brenda: Ay scary naman! Ok mom I promise I'll be very maingat.

Mommy: Kaya kahit may kailangan ka, wag kang sasama kung hindi mo kilala yung kausap mo. Sabihin mong aantayin mo nalang sya. Sabihin mong kunin nya yung kailangan mo, at hintayin mo lang sya kung saan maliwanag at may mga tao.

Pag dating sa may bagong building sa labas ng village...

Brenda: Guard, saan dito yung ukay-ukay?

Guard: Ah sa may third floor po ma'am

Brenda: Saan yung daan paakyat?

Guard: Samahan ko nalang po kayo, sunod na lang kayo sakin.

Brenda: Aha! No no no, ayokong marape! Dalhin mo dito yung 3rd floor, hihintayin kita.

Ang nilalaro ng mga duwag.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Marami ang nagpapakatanga sa pagiging racist. Hindi man umamin ang karamihan ng tao, may mga pagkakataon na nagiging tarantado ang iba sa atin. Madaming "IGNORANTA" ang naglalaro ng mga racist na video games, pero ito na siguro ang pinaka BOBO sa lahat ng video games na nakita namin.

Hinugot galing sa Wikipedia:
Muslim Massacre: The Game of Modern Religious Genocide is a controversial 2008 amateur computer game by "Something Awful" forum member Eric Vaughn under the screen name "Sigvatr." It is a top-down shoot 'em up video game. The aim of the game is to kill all Muslims that appear on the screen. The developer's website is down.

"Dumi ka sa kuko Eric Vaughn!"

Winidraw ni Erik Vaughn ang video game na yan at nagsabi na...

"I would like to make a public apology for any offense that I might have caused through releasing this game, and to Muslims in particular. My intentions when releasing this project were to mock the foreign policy of the United States and the commonly held belief in the United States that Muslims are a hostile people to be held with suspicion. I would like to make it clear that I have never shared such a belief and my intention was to mock those who actually do believe these things."

Ehem... Ulol.

Ipaglaban ang pantay na karapatan!

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Baket sa lalake EHI lang?! Mas mabaho ba kame umire?!!!

Para sa mga nars at narsing students.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Mang Ronnie: Nars, paki kuhaan naman ako ng mainit na tubig, pagbababaran ko lang ng paa. Namimitig kasi yung paa ko.

Nurse: Ay sorry sir, head nurse na po ako dito.

Mang Ronnie: Naku pasensya ka na hindi ko alam na head nars ka pala, sorry ha ... sige paki tawag nalang yung foot nars.


Paalala sa mga bagong nurse:

Wag kayong magpapauto sa mga buwayang hospital na kumukuha ng volunteer nurse. Alam nilang kailangan nyo ng 2 years experience para makapagtrabaho sa ibang bansa kaya ini-exploit nila ang free labor nyo. Kung walang magpapauto sa mga dupang na hospital, mapipilitan din yang mga yan na mag-hire ng mga bagong nurse.

Anak ni Bruce Wayne at Clark Kent

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Sa labas ng pantalon nagbibrip.

Maraming studyante ang tutol sa pagdagdag ng Spanish subject sa school.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Naiintindihan namin ang kabwisitan ng mga studyante dahil dagdag na pahirap na naman yan sa utak. Kung hirap na hirap na nga ang iba sa English subject, magdadagdag pa ng mas mahirap pag-aralan ngayon? Malamang 'e mas mababadtrip pa ang mga chinese schools dahil nag-aaral na sila ng English, may Chinese pa, tapos baka madagdagan pa ng Spanish?

Pero mukang may madadalang buti naman itong plano ng Department of Education na maglagay ng Spanish subjects, dahil magbubukas ito ng pinto para sa iba na makapagtrabaho sa mga Spanish speaking countries. Baka pwede ding makahatak ng Spanish call centers ang Pilipinas pag dating ng araw. Mapapanuod na natin ang mga Spanish channels sa cable. Maiintindihan na natin ang mga pinagsasasabi sa corner ng mga nakakalaban natin sa boxing na Spanish speaking. At mas feel mo nang kainin ang spanish bread.

Pagkatapos nating ipaglaban ang higit sa tatlong daang taon ng pang-aalipin ng Kastila, tayo na ngayon ang kusang magpapaalipin. Pu*ang *na talaga.

Tatay knows best.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Inay :Peter, anak, sana magbago ka na. Ano nalang ang mangyayare sayo nyan? Lagi kang nagsisinungaling. Ilang beses ka na naming nahuli ng tatay mo na nangungupit ng pera. Ang dami mong pinapangakong babaguhin mo pero hindi mo naman ginagawa. Tatamad-tamad ka pa. Walang patutunguhan ang buhay mo kung ganyan ka nang ganyan.

Itay: Myrna wag mo ngang pakialaman yang anak natin. Sa nakikita ko sakanya, mukang malaki ang potensyal nya na maging politician. Suportahan nalang natin yung bata.... Peter, anak, halika muna dito, susuntukin lang kita sandali.

"Hindi ako mataba, masyado lang maskulado ang fat cells ko."

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


A purpose driven ad.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

As we were about to update the MgaEpal.com page on facebook, we noticed yet another 2010 presidential candidate's face on the sidebar of the fan page. We, and every "Facebooking" Filipino, has been made familiar with the recent barrage of "self promoting" schemes by presidentiables on Facebook, and so we thought that this particular "advertisement" on the sidebar was once again another one of those. As we read the headline on the ad, our eyebrows were drawn closer to each other, and all four MgaEpal.com authors had question marks written all over their faces.


It was no "Facebook political ad campaign". Someone had actually made (and paid) for an advertisement on facebook to publicize Noynoy Aquino's not-so-positive writeup by nytimes.com.


Obviously, this "Facebook ad" was executed with a very specific purpose. But what was it? And by who?

Could it have been done by Manny Villar's camp, as an attempt to get into the lead as far as surveys/polls are concern?

Could it have been done by the Joseph Estrada camp, as to lower Noynoy's credibility to 3rd place or worse, and to place "Erap" on the top 2 spots?

Could it have been done by Jamby Madrigal, who is known for "exposing" and publicizing the shortcomings of other candidates?

Could it have been done by any other presidential candidate who hopes that those Noynoy supporter's that get's rattled by the New York Times' take on Noynoy, see them as their alternate choice?

Or could it have been done by a citizen who decided to drop a budget to advertise his/her own personal dislike for Noynoy, using the nytimes.com article to back it up?

As we've said, this was executed with a specific purpose, yet we know not what... we know not by who.

-MgaEpal.com

Ang galing talaga namin mag-english pag nakainom.

Hanapin ang pinaka proud na member ng "Bonnet Gang".

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Hayup naman, pangfacebook.

Stickup: (noun) A slang for robbery at gun point.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Convenience store sa America...

Holdaper: This is a stickup! Everybody, down on the floor!

Customers: Aaaahhhhh!!!

Store owner: Take everything you want, just don't hurt me, please!



Convenience store sa Pilipinas...


Holdaper: This is a stickup! Everybody, down on the floor!

Customers: Ano daw?

Store owner: Oist! Ang ingay mo ah.

Classic Bulaga.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Laban o Bawi

Joey De Leon: Ano sa tagalog ang... grasshopper?

Contestant: Huling hapunan!


Higanteng apir para sa contestant na yan!

Para sa sariling kaligtasan.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Napapabalitang aalis daw ng Pilipinas at magma-migrate si Presidential candidate Jamby Madrigal kapag nanalong presidente si Manny Villar.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Wala kaming ine-endorse na kandidato para-presidente sa 2010 elections, pero wag naman sanang umalis si Jamby kung manalo man si Villar.

Sino na ang mang-aaway sa senado kung aalis ka Jambs?

Kampon ng Kayoutuban.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Ang imahe ng payat na ermitanyo sa baba ay ang Pilipino na sumikat sa Youtube dahil sa talent nyang pagbabasag ng katahimikan sa pamamagitan ng pagkanta. Kilala sya sa Youtube bilang si Nick Dreamer, sa account na hitmanbreakeroftheye , at kasalukuyan syang may 82,000 subscribers. Pumapalo sa daang-libo hanggang milyon ang mga views sa videos nya. Ang paghanga namin sakanya ay dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang lakas ng loob at kapal ng muka. Mabuhay ka Nick Dreamer.

Panuorin ang pinaka bumasag ng katahimikan namin [DITO]

Kaalamang bote.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

When we drink, we get drunk
When we get drunk, we fall asleep
When we fall asleep, we commit no sin
When we commit no sin, we go to heaven

...So let's all drink, and go to heaven.



Ikaw naman ang magpamana nito sa mga susunod na henersyon ng manginginom.

Wala nang naawa... wala nang nahabag...

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:



Headline: Dalawang lalakeng nagpapanggap na pulis at nangongotong sa mga street vendors, nabuko at dinakip.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Bawal nga namang mangotong kung hindi ka totoong pulis.

Touch Move

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Kita naman sa muka nila kung sino ang hindi nag-eenjoy.

Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Epal: Bad trip naman tong sasakyan na 'to! Pumarada pa sa harap natin!

Mas Epal: Masikip talaga parking ngayon, weekend 'e. Sinabi ko naman kasi sayo kanina, wag mo nang dalhin tong kotche mo, magjeep nalang tayo.

Epal: Baba ka nga muna. Iaatras ko lang para makabwelta tayo. Bantayan mo kung tatama na ako sa poste.

Mas Epal: Ok.

Epal: Ano malayo pa?!

Mas Epal: Oo sige, malayo!

(Bang!)

Epal: Anak ng... sabi ko sayo bantayan mo kung tatama na 'e!

Mas Epal: Binantayan ko naman ah.

Epal: Putik, kung binantayan mo habang umaatras, edi sana hindi bumangga yung likod ng kotche ko sa poste!

Mas Epal: Aba malay ko bang yung likod ang pinababantayan mo. Sabi mo lang aatras ka 'e.

Epal: Oist may tanong ako sayo...

Mas Epal: Ano yun?

Epal: Pano ka nabubuhay ng walang utak? Magic ba yan?

Moymoy, Roadfill, and Dick G.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



May mga inuntog kaming posts at najambol ang schedules namin para maisingit ito. Kung para makita si Dick G. na kumakadyot ng sayaw, sulit na sulit.

MgaEpal.com is not endorsing any candidate/s

May duda bang sa japan na naman 'to?

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Para sa noodles na preskong-presko.

MgaEpal.com True Stories : Acquired Knowledge

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

"Boss Chip"... nung grade 5... sa sasakyan kasama ang ate... pauwi galing ischool.

Ate ni "Boss Chip":
Ano sa tagalog ang papaya?

"Boss Chip": Papaya? hmm.. Ano?

Ate ni "Boss Chip": Edi, "Tatay Oo", kasi "Papa-ya"... O ano naman sa tagalog ang Ba-nana?

"Boss Chip": (nag-isip) Ba-nana.. bana-na..... .. Ano?

"Ate ni Boss Chip": Saging. Bobo.


Hindi na nakabawi si "Boss Chip" sa ate nya hanggang ngayon.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:




CONTROLS: 
up arrow
left arrow
right arrow
down arrow

Parental Guidance

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Pakisabi sa mga anak nyong bata na wag nagpapacute kapag may bisita. Dahil hindi lahat ng tao, mahilig sa bata... at hindi naman lahat ng bata, cute.

Rare Sightings.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Bihirang makita.
Silkie Chicken


Bihirang makita.Corpse Flower


Bihirang makita.
Pink River Dolphin.


Bihirang makita.
Frilled Shark


Bihirang makita.
Ulo ni Kuya Kim.


pictures hinugot dito, dito, dito, dito, at dito

Huling Sigaw

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:







Isinumpa ng tadhana ang MgaEpal.com na manatiling buhay hanggat may mga kurakot na politiko sa Pilipinas.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Wala na, immortal na kami.

Aminin mo nalang na bobo ka sa spelling.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under: