Huling Husgahan (Willie Revillame)

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Sige panuorin mo muna. Himayin natin 'to...



Sobrang dami nang issue ang nag-ugat kay Willie at sa show nya mula pa nung nasa ABS-CBN sya at ngayong nasa TV5 na sya sinusundan parin sya ng mga negatibong issues. Pero sariling gawa nya yan. Hindi chamba na nangyayare sa kanya yan, dahil malakas talaga ang personality ni Willie. Isa kami sa pinaka malakas mambasag tuwing may kagaguhan na nangyayare involving Willie Revillame, pero isa din kame sa mga pumuri nung nagdesisyon syang lumipat sa TV5. Naastigan kami pati sa TV5 dahil nagawa nila yon, at hindi natakot sumugal. Nagkaron ng bagong major player sa "network war" dito sa Pilipinas. Dating ABS-CBN at GMA lang, ngayon umiiksena na din ang TV5. Tuwing may kagaguhang nangyayare sa palabas ni Willie, binabagsakan namin yan. Akala namin nung lumpipat sya ng TV station, mas magiging under control ang sitwasyon. Kaso natural na ni Willie maging magnet ng controversy. Pero yang pagiging natural, yang pagiging SOBRANG NATURAL nya, yan ang humahatak ng ratings. Alam mo ba kung baket Eat Bulaga at Wowowee o Willing Willie ang mas pumapatok sa mga nanunuod? Dahil unpredictable sila. Sa Eat Bulaga, nandyan lagi ang spontaneity. Kahit regular yung mga segments/portions nila, may mga hirit sila na random. Mga hirit o banat na nakakatuwa, o nakakaaliw, o nakakagulat. Ganyan din si Willie. Kaya nanunuod ang mga tao dahil may sense of "what will he do next" sa likod ng utak ng mga tao. Alam ng mga tao na sooner or later, may gagawin o sasabihin  'tong hindi normal. May certain level ng shock value si Willie kahit hindi nya sinasadya. 

May mga personal na agenda yan si Willie. Naniniwala kami kahit papano na gusto nyang magpasaya at makatulong, pero malabong YUN LANG ang agenda nya. Kung sasabihin lang nya na gusto nya DIN magpasaya at makatulong, mas kapanipaniwala yon. Kung tutuusin mahusay sa diskarte yang taong yan. Oo, hindi sya matalino pakinggan pag nagsasalita sya, pero kung sa diskarte, magaling talaga. Kaya nyang kunin ang loob ng tao gamit ang iba't ibang issue. Pero ang pinaka nakakakuha ng loob ng mga tao 'e kung gano nga sya kanatural magsalita. Kaya din siguro matapang 'tong taong 'to 'e dahil mga totoong bagay ang sinasandalan nya ngayon. Kagaguhan parin talaga yung mga nangyareng issue sa kanya noon pero nilabas nya ngayon yung mga importanteng detalye. 

Bago namin isulat 'to, nag-set kami na hindi magiging bias 'to. Kahit medyo alangan kaming sabihin, kailangan naming ipaalam sa mga tao ang isang little known fact kay Willie. Sobrang daming nagsasabi na kaya daw matapang si Willie 'e dahil mayaman na sya. Lumaki daw ang ulo nya. Pero sa totoo lang, palaban talaga yang lalakeng yan. Hindi namin tinatago na hindi namin gusto ang mga issue na bumabalot kay Willie, at hindi namin sya pinagtatanggol, pero kailangan lang malaman ng lahat ang totoo na hindi epekto ng pagyaman ang sobrang organic na ugali ni Willie. Nasasabi namin yan dahil sa isang pagkakataon na napanood namin sya sa isang interview noong hindi pa sya sobrang sikat. Noong wala pa syang noontime show. Noong extra lang sya sa mga pilikula. 



Matagal na 'to nangyare. Mga batang naglalaro ng tex, turumpo, at sipa pa kame nung napanuod namin 'to. Sa pagkakatanda namin, ini-interview si Willie ni Kuya Germs (German Moreno) sa isang parang "Master Showman" na palabas sa TV. Matagal na yan, may tulugan pa nun sa show ni Kuya Germs. Hindi namin maalala pero may nahirit si Kuya Germs na medyo pang-asar kay Willie. Hindi nagustuhan ni Willie yung "biro" kaya sinagot nya si Kuya Germs na medyo napahiya si "Mr. Germs". Sa lagay na yan 'e extra-extra lang si Willie sa mga palikula at sidekick lang madalas, samantalang si Kuya Germs 'e isa na sa mga pundasyon sa showbiz. Gulat si Kuya Germs nung nangyare yon. Hindi nya inakalang sasagutin sya ni Willie. Kaya alam naming hindi lumaki ang ulo ni Willie Revillame. Hindi parin namin sinasabing puro ang pagkatao nya, pero kung sa katotohanan lang, tang*na kailangan naming i-recognize ang pagiging totoo nyang tao. 

Huling Husgahan: 
Kung kame ang tatanungin kung gusto naming mawala ang show ni Willie? Hinde. Hindi namin gustong mawala yan dahil nagbibigay sya ng challenge sa ibang networks. Kakaiba sya, at bagay sya sa innovative na pagkilos ngayon ng TV5. Kung baga 'e sya ang head "gladiator" ng TV5. At kung kami sa TV5, alagaan nyo yan, at iiwas nyo na sa controversy. Pero wag naman sobrang pag-iwas para hindi boring.

batang Willie hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment