Sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bumaba daw ng 20% ang air pollution reading sa Metro Manila.
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Mula daw kalagitnaan ng 2010 hanggang ngayon, lumabas sa resulta ng monitoring nila na mas lumilinis ang hangin sa Metro Manila. Gobyerno daw ang dapat pasalamatan dahil mas pinatutupad na daw ngayon ang emission testing at mas hinigpitan ang paghuli sa mga smoke belchers. Sa tingin namen, kaya mas malinis ang hangin ngayon 'e dahil madami nang alternative fuel/energy source para sa mga sasakyan. Kung noon 'e gas at diesel lang, nitong mga nakaraang taon, nauso ang LPG, bio fuel, at electric cars. Pero ang pinaka dahilan kung baket. Hindi kami naniniwala na dahil lang mas agresibo sa emission testing ang gubyerno kaya luminis ang hangin. Malaking tulong dyan 'e dahil malakas humingi ng lagay ang mga nanghuhuli sa smoke belchers. Kesa nga naman magbigay ka ng lagay sa isang buong barkada ng traffic officers na manghuhuli sayo, ipaayos mo na lang yung kotche mo. Isa ding tingin namin na malaking dahilan sa pag-improve ng kaledad ng hangin sa Metro Manila, ay dahil kumonte ang gumagamit ng sariling kotche nila. Sa mahal ng gas ngayon, kung malayo ang trabaho mo at nagdadala ka ng kotche tuwing papasok ka, wag ka na lang magtrabaho. Sa gas lang mapupunta yung malaking portion ng sweldo mo 'e. Baka nga kailanganin mo pang mangutang, para maka-pagpagas ka, para makapasok ka sa trabaho, para magkaron ka ng sweldo, para lang may pangpa-gas ka. Teka lumalayo na pala tayo sa topic. Basta ang point dito, salamat sa gobyerno dahil luminis ng konti ang hangin natin, dahil pinabayaan nilang tumaas ang presyo ng gas. Gago 'e 'no?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post