"Disturbing Realities"
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Nung kumalat ang image na 'to sa internet hindi namin agad nilabas. Napaisip muna kame kung baket maglalagay ng ganitong sign ang Greenbelt. Nung una inisip namin nabaka nasa secluded area ang sign kaya malakas ang loob ng Greenbelt maglagay ng ganyan. Pero nung may nakita kameng mga picture na nagpapakita na public at open area ang location kung saan binalandra ang sign, umandar muna ng konti ang utak namen.
Masyadong walang logic kung gagawin ito ng Greenbelt. Una, alam nilang madaming magagalit. Pangalawa, sila ang magmumukang tanga, at hindi makakatulong ito sa image nila. Lumipas ang ilang araw at nawala na sa isip namin ang issue na yan. Pero nung may nagtimbre sa amin na nagsalita na ang mga tauhan ng Greenbelt, at sinabi nilang hindi sila ang naglagay nyan, kinailangan ulit naming maghanap ng katibayan. May mga nagturo na iba ang font (lettering) na gamit sa logo. May mga nagpoint out din na incorporated ang original na nakalagay at hindi corporation sa sign. Hindi parin naniniwala ang iba na hindi Greenbelt ang nagkabit nyan. Ayaw nilang maniwala na may mga nagtrip lang na taong walang magawa. Kung logic ang pagbabasihan, sa tingin namin hindi Greenbelt ang may pakana nyan.
Pero kung totoo man o hindi ang issue na pinagbabawal sa nila ang pagpunta doon ng mga mahirap, hindi parin nawala sa isip namen kung ano ang naglaro sa utak nung gumawa nyan. Kung trip man yan, baket yan ang naisip nilang isulat? At baket madaming naniwala na totoo yan? Simple lang, dahil lahat tayo ay discriminating. Lahat tayo, nanghuhusga ng mga tao na hindi bagay sa isang lugar. Wag ka mag-deny gago. Totoo yan. Kahit ayaw nating gawin, naka-imprint sa subconscious natin na may mga lugar na hindi bagay puntahan ng mga walang panggastos. Kaya nga tayo mismo, kahit wala tayong pera, pomoporma parin tayo kung mga lugar tulad ng Greenbelt ang pupuntahan natin. Masyadong mahaba na 'to. Walang moral lesson dito. Obselbasyon lang ang pinutok namin. Panget na katotohanan na nangyayare araw-araw.
Sige eto, sa susunod na pumunta ka sa mga sosyalan na lugar, pansinin mo yung ibang tao. Kung hindi ka discriminating sa context na nabanggit, dapat hindi mo matutukoy ang mga may pera at yung mga mahirap. At kung sa tingin mo naman 'e hindi talaga discriminating ang mga tao base sa porma, sa susunod na may balak kang bumisita sa "class A" na lugar, magsuot ka lang ng lumang pantulog mo. Kaya madaming nagreact sa nakasulat sa sign na “This is a private controlled environment. Poor people and other disturbing realities strictly prohibited. Thank you“ ay dahil pasosyalan ang area na nakitaan nito. Kung sa ilalim ng Quiapo bridge mo nakita yan, matatawa ka lang naman diba?
Isipin mo nga, ilang beses na bang nangyare na pag nakapambahay ka at tsinelas na binili sa palengke, mas matagal kakalikutin ng security guard yung bag mo at mas matagal kang kakapkapan. Pero pag nakapapoging porma ka, o muka kang mabango, hahaplusin ka lang nung guard sa bewang, may "good afternoon sir" ka pa. Wala na tayong magagawa dyan. Ganyan na ang tema na kinalakihan ng mga tao. At yang mga yan ang totoong "disturbing realities" ng buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post