Sabi ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz, tutol daw ang simbahang Katoliko na makasal si Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa... ahhh simbahang Katoliko.
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Eto ang statement ni Archbishop Oscar Cruz...
"Ang balakid po diyan, hindi yung kinasal siya sa Muslim rites. Ang balakid po diyan, ang simbahan, tulad ng maraming simabahang Kristiyano, isa nga diyan ang Katoliko, para sa kanya ang kasal ay para sa isang babae, isang lalake. Tapos ang kwento, panghabang buhay. Eh dun po sa mga Muslim karaniwan sa kanila…naniniwala na ang isang lalake pwedeng dalawa ang asawa tatlo hanggang apat. Sa simbahan hindi pwede ikasal yun pagka't yung kasal na ganun ay walang bisa. Anumang relihiyon para makasal kayo sa simbahan kailangan maniwala kayo sa kanyang aral. Isang lalake, isang babae pang habang buhay. Pag po kayo naniwala na ang isang lalake ay katumbas ng dalawang babae o tatlong babae ay hindi na po pwede yan,"
Manong Archbishop Oscar Cruz, hindi naman sa kinokontra namin ang paniniwala mo, may point naman 'e, pero kung titingnan ang ilan sa mga bida sa Bible tulad ni Abraham, Jacob, David, Solomon, diba puro higit sa isa ang mga asawa nila? Importante ang kasal dahil ito ang nagiging ultimate basis ng commitment. Wala naman kaming balak magpakasal sa madaming babae, pero kung magpapakatotoo tayo, hindi ba mas mabuti pa ang ginagawa ng mga Muslim dahil pinapakasalan nila yung mga minamahal nilang chicks? Kung bibigyan ng mas malalim na pag-intindi, hindi ba mas tama na pakasalan ng lalake ang isa pang babae kung payag naman yung iba nyang asawa. Sa ganong sitwasyon, hindi sya nagsinungaling. Kesa naman sa mga isa nga lang ang asawa, pero madalas magsinungaling sa misis nila. Malikot lang ang utak namin. Hindi din naman namin ini-endorse ang polygamy. Ang binibigay lang naming point of view 'e yung walang halong kamoralistahan. Sabi nga namin, pag-dating sa religion, kanya-kanyang trip yan.
Ang tunay na essence ng kasal ay ang pag-aalay nyo kay Lord ng union nyo as a couple. Walang taong pwedeng magbigay sa inyo nyan. At wala ding taong pwedeng mag-deny sa inyo nyan. Kung solid ang relationship nyo kay God, siguro kasal na kayo sa paningin Nya. Naks ang lalim.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post