Heart to Heart

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Mama: Hoy Conrad, baket ka may tirador???

Conrad: Binili ko po, pang tirador sa ibon. 

Mama: Baket ka maninirador ng ibon?! Hindi mo ba alam na masama ang manakit?

Conrad: 'E baket nyo po sinasaktan si Papa?

Mama: Ha? Kelan ko sinaktan ang Papa mo?

Conrad: Papasok po kasi sana ako sa kwarto nyo kanina kaya lang nakita ko nakapatong kayo kay Papa tapos tumatalbog-talbog kayo, lumabas na lang ako. Tapos maya-maya narinig kong sumigaw si Papa.

Mama: Ay naku hindi ba naka-lock yung pinto?! Ah eh... ganito kasi yun anak... diba malaki yung tiyan ng Papa mo?

Conrad: Opo.

Mama: 'E kaya dinadagan-daganan ko minsan yung tiyan nya, para sumingaw at lumiit. Yun yung nakita mo. At hindi ko sya sinasaktan nun. Sige na, itapon mo na yang tirador. 

Conrad: Pero hindi naman yata nakakaliit ng tiyan yun 'e. Kasi ginagawa din ni Aling Martha yun kay Papa pag wala ka, tapos ngayon si Aling Martha malaki na din yung tiyan.

Mama: Anak, pahiram nga muna nyang tirador mo. Minsan kase ok lang manirador ng ibon. Nasan na ba yun Papa mo?

0 comments for this post

Post a Comment