Idedemanda daw ng babaeng nagboboses kay Dora (The Explorer) ang Nickelodeon dahil inisahan sya ng kumpanya at sa tingin nya ay hindi sya binabayaran ng Nickelodeon ng patas.

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Caitlin Sanchez (Voice of Dora)

Binabayaran lang daw ng Nickelodeonsi Caitlin per episode at walang extra na bayad para sa mahabang oras na pagre-record ng boses at $40 per day lang daw ang binabayad sa kanya pag nagpo-promote sila sa iba't-ibang lugar. $5,115 per episode ang binabayad kay Caitlin (Gagong bata 'to 'a.) at malaki na yan dahil lampas 20,000 dollars ang kita nya every month. Pero dahil billions ang kinikita ng palabas na Dora The Explorer, ang gusto ni Caitlin ay bayaran sya ng kumpanya ng kung ano ang dapat na mapasakanya. Tinakot lang daw sya na aalisin sya bilang boses ni Dora pag hindi sya pumayag sa nakasulat sa kontrata kaya pinirmahan nya yon. 

14 years old lang si Caitlin Sanchez at malaki na ang 20,000 dollars a month kahit sa U.S. Hindi namin binibintang, pero may posibilidad na mga magulang din nya ang nagtulak sa kanya na magreklamo. Pero pwede ding pakana ito lahat ni Swiper, at baka ninanakaw lang nya ang pera ni Caitlin. Tara, tulungan natin si Caitlin... Swiper, no swiping! Swiper, no swiping! 

Kung hindi mo kilala si Swiper, matanda ka na.

Dahil dito, may naaalala kaming kasabihan mula kay Dora na gusto naming ibahagi sa inyong lahat...

"Rapido... Mas rapido... Mucho mas rapido."

0 comments for this post

Post a Comment