Alamat ng Michael V.

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

 Dalawang dekada na ang nakalipas mula nung lumabas itong single ni Andre E...
Released 1990

 Pagkatapos ng halos isang taon, palarong sinagot ni Michael V. ang pinausong single ni Andrew E.
(Oo, nagsimula si Michael V sa showbiz bilang rapper.)

Released 1991

(Rapper nga dati si Michael V. Seryoso, sya talaga yan.)

Tulad ni Andrew E, gumawa din ng mga comedy films si Michael V, at nagtuloy-tuloy na ang pagiging komidyante nya.

(Si Michael V. nga talaga yun. Basta si Michael V. yun
maniwala ka na lang, rapper talaga sya nung una.)

 At ngayon, isa na si Michael V sa pinaka mayaman na showbiz personality dahil sa sunod-sunod na TV show, at dami ng product endorsement.

(Igu-google pa talaga o'. Sige, pag ginoogle mo yan ibig sabihin hindi ka naniniwala, may trust issues ka. Hindi ka magiging masaya sa buhay, maghihiwalay kayo ng shota mo. Ano igu-google mo pa?)

0 comments for this post

Post a Comment