Epal. Mas Epal. : Workaholic

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Epal: 'O tsong, ba't napadaan ka?

Mas Epal: Walang magawa sa bahay 'e. Ba't ka nag-iimpake? Aalis ka ba?

Epal: Punta akong Subic bukas 'e. Maaga pa alis ko kaya inaayos ko na ngayon mga dadalhin.

Mas Epal: Sama ako! Friday na ngayon 'e, wala nang pasok bukas.

Epal: Sige, ikaw bahala. Pero kanya-kanyang gastos tayo ha.

Mas Epal: Oo ba. Teka, gano katagal ka ba dun?

Epal: Itong weekend lang, gusto ko lang magrelax ng konti. Napapansin ko kasing workaholic na ako 'e.

Mas Epal: Nako, tigil mo na yan. Ganyan din kami dati ng mga katrabaho ko. Tapos nalaman ng boss namin, sinisante tuloy kame.

Epal: Sinisante kayo dahil workaholic kayo???

Mas Epal: Syempre! Bawal mag-inuman pag oras ng trabaho 'e.

Epal: Ah ok.... Wag ka na lang sumama sa Subic.

0 comments for this post

Post a Comment