Vice Ganda, pinalagan si Laguardia.

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Madaming pauso ang MTRCB na kalokohan. Masyado kasi nilang ginagawang bobo ang mga tao. Ang nilalagay kasi nilang mga chairman jan 'e sa social perception ng kabastusan binabase ang hatol nila. Mas sini-censor nila ang "deep intimacy" kesa violence. Mali.

Nung nakaraan, mejo matitinding salita ang binagsak ni Vice Ganda tungkol sa issue nya sa MTRCB Nakakahalata na daw kasi si Vice Ganda na mukang pinag-iinitan ni Charman Consoliza  Laguardia at ng MTRCB ang Showtime. Eto ang iba sa mga sinabi nya...

"Ako, nagsalita lang ako ng simple, ang nag-isip ng masama ay yung taong nakarinig. So, hindi ako dapat i-monitor niya kundi yung utak niya kasi siya yung nagbigay ng kahulugan sa sinabi kong simple. Di ba?"

"Yun nga lang, yung sinasabi niyang tinututukan, yun pa lang isang malaking pagpapatunay na pinag-iinitan niya na ako at pinag-iinitan niya na yung programa namin."

"Kasi kapag sinabi mong 'tumutok,' sa amin ka lang tumitingin. E, paano yung ibang obligasyon mo sa ibang palabas? E, di napabayaan mo na kasi pinag-initan niya na?"

"Kung natatakot man ako, sa Diyos lang ako matatakot at sa nanay ko. Kay Laguardia, hindi,"

"Parang wala akong pakialam kung sinong umupo. Kung gusto niyang mag-overstay, mag-overstay siya. Hindi siya nag-e-exist sa akin."



Hindi namin alam kung pinag-iinitan ba talaga ng MTRCB ang Showtime, pero masyado talaga silang mahigpit. May mga oras na halos freedom of speech na ang pinagkakait nila tulad nung nangyari sa Willie Revillame-Joey de Leon issue. Ang censorship ay isa sa mga bagay na pumipigil sa pagpapalawak ng kaalaman, isipin mo na lang kung ano ang epekto nyan pag ginagawa yan to the extreme. 

Kahit papano, babae parin si MTRCB Charman Consoliza Laguardia. Siguro dapat wag na lang patulan ni Vice Ganda si Laguardia... baka mapagkamalan pa syang bading.

0 comments for this post

Post a Comment