Reporter: Ang ganda mo naman Hazel, may foreign blood ka ba?
Hazel: Yes, father ko American kasi, at may Spanish blood din kami from my grandfather's side.. I'm half-Spanish, half-American, and half-Filipino.
Mister: Hun, subukan natin mag-quickie ngayon bago matulog.
Misis: Hun naman, 5 minutes ka nga lang tumatagal pag nagse-sex tayo. Tapos gusto mo pa ng quickie? Pano naman yon?
Mister: Ahh... sarap pala ng quickie. Good night.
Naimbento ang linya na yan, hindi dahil magaling magpalakas ng immune system ang mansanas. Naging expression lang yan noon na madalas sabihin, dahil sa paniniwala na ang katas ng fresh na apple ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain para makaiwas sa indigestion. Pero ang mas magandang tulong ng pagkain ng apple ay ang kalinisan ng ngipin. Nakakatulong sa pag-alis ng mga nakasiksik na dumi sa ngipin ang pagkain/pagkagat ng apple. Mas may friction din ang pagkagat sa apple kumpara sa ibang prutas kaya pati mismong ngipin ay nalilinis. Kaya kung tutuusin, ang tamang linya ay "An apple a day, keeps the dentist away."
- Kaya nilang mabasa kahit walang tubig.
- Kaya nilang magdugo kahit walang sugat.
- Kaya nilang magpatigas kahit walang simento.
Mas Epal: Ulul! Nagtitrip ka na naman, muntik nakong maniwala gago ka. Ano yun? Lethal injenction? Mag-iimbento ka na lang ng salita ang panget pa! Hahaha
Epal: Tang*na mo, seryoso ka ba?
Kung nakikita sana ang picture ng muka at address ng bahay ng mga lalakeng nagcha-chat . Mas mahihiya mambastos ang mga manyak, mas hindi manlandi ang mga may asawa na, at hindi mag-aaway ang mga nagtatapang-tapangan.
Epal: Huy!
Mas Epal: Parang siraulo 'to, muntik nako mahulog! Umalis ka nga jan. Wala akong tiwala sayo, baka galaw-galawin mo tong hagdanan.
Epal: Ano bang ginagawa mo jan?
Mas Epal: Nagpipintura. Nakita mo na nga, nagtatanong ka pa.
Epal: Ba't ba ang sungit mo ngayon?
Mas Epal: Ah pasensya na tsong. Sunod-sunod na araw nakong puyat 'e.
Epal: 'E ba't hindi ka matulog???
Mas Epal: Bumili kasi ako ng DVD. "True Blood" season 1 hanggang 3. 'E inaabot ako ng umaga kapag nanunuod ako. Tapos pag umaga naman maliwanag na, hindi ako makatulog.
Epal: Edi lagyan mo ng harang yung mga bintana.
Mas Epal: Hindi na, bibili pako ng kurtina. Mas mura 'tong pintura.
Epal: Oy teka! Nalalgyan mo ng pintura yung bumbilya!
Mas Epal: Abnoy, yung bumbilya talaga yung pinipinturahan ko. Pipinturahan ko ng itim lahat ng bumbilya dito sa kwarto.
Epal: Baket???
Mas Epal: Para pag maliwanag na sa umaga, bubuksan ko yung mga itim na ilaw, tapos didilim... Makakatulog nako.
Epal: Sigurado ka bang hindi ka nakakatulog dahil nanunuod ka ng DVD? Hindi ka ba nagshashabu?
Kung walang nagbabago at sinasaktan ka parin nya, pisikal man o emosyinal, baket ka manghihinayang hiwalayan sya dahil lang matagal na kayong nagsasama? Kung hindi ka na masaya at nagawa mo na lahat para subukang ayusin ang relasyon nyo, wala ka nang dapat panghinayangan pa kundi ang oportunidad na makakilala ng taong magpupursiging alagaan ka.
Isang malamig na gabi, ginapang nya ako. Nilasap nya ang balat ko. Tinakam sya sa mainit-init kong likido. Pinasok nya... nasaktan ako. Nung nakuha na nya ang gusto nya sakin, bigla na lang syang umalis. Gagong lamok talaga yan.
Ano ang kabaliktaran ng kulangot?
Ano?
Sobrangot.
Hindi ba naisip ng mga lalakeng galit sa mga bading na lahat ng tao ay may karapatang maging masaya? Hindi ba naisip ng mga lalakeng galit sa mga bading na mga tao lang at hindi si Lord ang nagpauso ng kabobohang kaisipan na kasalanan ang pagiging bading. At hindi ba naisip ng mga lalakeng galit sa mga bading na kung mas madaming magiging bading, mas kokonti ang magiging kaagaw natin sa mga babae?
Lalakas pa ang wrist muscles mo...
Kwento ng love triangle sa gitna ng isang werewolf, isang vampire, at isang babaeng mortal na naguguluhan kung mas gusto nyang makipagsex sa hayop o sa patay.
"Sorry kung hindi kita napaligaya ngayong honeymoon natin. Ngayon alam mo na kung baket MICRO-SOFT." -Bill Gates
Dave: Tol, kung ikukumpara natin ang pagnenegosyo sa NBA, ako ang Rajon Rondo ng business world.
Martin: Baket?
Dave: Magaling ako mag-assist. Tinutulungan ko yung mga business partners ko.
Martin: Well kung ikukumpara natin ang pagnenegosyo sa NBA, ako ang Kobe Bryant ng business world.
Dave: Dahil magaling ka mag-business?
Martin: Hinde, dahil bwakaw ako. Ayoko ng may kahati sa kita.
Bawat taon nagbi-birthday tayo. Para sa mga bata, exciting ang pagdag-dag nila ng edad, feeling kasi mas nila nagiging mature sila. Pero kung 8 years old ka at nagbirthday ka magiging 9 years old ka lang naman at bata ka parin kahit anong gawin mo. Madami ang nagtatanong, kelan mo nga ba masasabi na hindi ka na bata?
Iba-iba ang opinion ng mga tao. May mga nagsasabi na pag nakakanuod ka na ng mga pilikulang R18, hindi ka na daw bata. May mga nagsasabi naman na pag hindi ka na nagbabaon ng pagkain sa school, hindi ka na bata. Meron naman nagsasabi na pag tinutubuan ka na daw ng... wisdome tooth, hindi ka na bata. Pag nag-debut, pag kaya mo nang mag-review mag-isa para sa short quiz, o kaya pag ikaw na ang bumibili ng sarili mong porn at hindi mo na ninanakaw ang porn ng tatay mo na alam mong hindi naman nya hahanapin dahil mahihiya syang magtanong sa mga tao sa bahay nyo. Lahat yan ay senyales daw na hindi ka na bata. Tulad ng sinabi namin, kanya-kanyang opinion yan, at para sa amin, masasabi ng mga babae na hindi na sila bata pag sila na ang bumibili ng sarili nilang underwear. Para sa mga lalake naman, hindi na sila bata pag hindi na nila sa lusutan ng legs nilalabas ang tutoy nila tuwing umiihi sila.
"Kung hindi nya sinabing may boyfriend na sya, hindi mo kasalanan kung napasawsaw ka sa kanya. Pero kung alam mong may kasawsawan na sya, dapat sumawsaw ka na lang sa iba. Simple lang yan. Wag kang sumawsaw sa girlfriend ng iba, kung ayaw mong dumating ang panahon na may magsawsaw ng kamao sa muka mo." -MgaEpal.com
Nokia 5110.
Gina: Haaay... Alam mo Boy, tanggap ko na, na hindi mo ako gusto. Pero sana, makahanap ako ng lalakeng tulad mo.
Boy Honest: Lalakeng tulad ko? Wag kang mag-alala, madaming lalake ang hindi ka din gusto. Madali ka namang hindi magustuhan 'e, just be yourself.
Akala ng iba, mahina ang sense of hearing ng mga ahas dahil wala silang tenga, pero kung tutuusin malakas ang pangrinig nila. Walang tenga ang mga ahas, pero meron silang inner ear parts.Kung tutuusin, mas malakas ang panrinig nila dahil buong katawan nilaginagamit nila para ipadala ang sound vibrations sa tenga nila. Mula sa muscles ng buong katawan sila, dumadaloy ang tunog papunta sa buto sa may panga nila na nakakabit sa inner ear parts nila.
Totoong may kahinaan ang sense of sight ng halos lahat ng klase ng ahas. May mga mas nakakakita sa dilim pero sa malapitan lang. Kaya para magkaron ng idea ang ahas kung ano ang nasa paligid nya, ginagamit nila ang pits nila, ito ang heat sensors ng mga ahas. Makikita ang mga pits sa may bandang harap ng muka ng mga ahas. Kahit konting body heat lang ay mapi-pick up ng ahas kung saan nanggagaling ang singaw ng init na yon.
Tandaan mo, malakas ang sense of hearing ng mga ahas dahil buong katawan nila ang gamit nila sa pagsagap ng vibrations, at sa tulong ng mga pits nila, madali nilang nase-sense ang body heat. Kaya wag i-underestimate ang mga ahas.
MURALISTA - Mga taong galit sa nagmumura kahit as a form of expression. Pero pag sila ang nagsalita, kahit walang mura, mas madumi at mas masakit pa.
Knock knock
Who's there?
Kangkong, kangkong, garlic, tomato pwede ding potato
Kangkong, kangkong, garlic, tomato, pwede ding potato who?
New Yooork... kangkong, kangkong, garlic, tomato pwede ding potato...
"New yoooork... tanginang tanginang korni na joke 'to, utang na loob tigil nyo, tang-i-na nyo-yooork..." -MgaEpal.com
Epal: Ohohoy! May manglilibre!
Mas Epal: Walang manglilibre...
Epal: 'O ba't mukang badtrip ka? Hindi ka ba natanggap sa trabaho?
Mas Epal: Hindi.
Epal: Naku, akala ko pa naman good news. Baka naman natanggap ka tapos ayaw mo lang aminin para hindi ako magpalibre.
Mas Epal: Wala, hindi talaga.
Epal: Baket? Sabi ni Romel ipapasa ka nya sa interview. Sya daw bahala sayo, HR daw sya dun diba?
Mas Epal: Oo nga, hindi na nga ako ininterview ni Romel. Pinaderetso na nga ako sa 2nd floor.
Epal: Anong meron sa 2nd floor?
Mas Epal: Exam room. Kung napasa ko lang yung test tanggap na sana ako 'e.
Epal: Ah baket mahirap ba yung questions?
Mas Epal: Madali lang.
Epal: Yun naman pala, 'e ba't ka bagsak?
Mas Epal: Madali nga yung questions... kaso ang hirap nung answers.
Epal: Paki ulit nga... Kinakausap kita ng matino, tapos...
Mas Epal: Lilibre na kita...
Epal: Ah sige game.
Hindi pwedeng gagawin mo lang ang mga dapat gawin kung kelan mo lang gusto. Masyado ka namang makasarili kung lahat ng tao sa paligid mo pinag-aantay mo kung kelan komportable para sayo kumilos. Dalawang klaseng tao ang gumagawa nito. Mga taong tamad, at mga taong mapag-mataas. Parehong may pagka-makasarili ang dalawa, at parehong makapal ang muka. Kung may kakilala kang taong self-proclaimed spoiled, paki sampal na lang sa noo.
maniwala ka na lang, rapper talaga sya nung una.)
Mama: Ha? Kelan ko sinaktan ang Papa mo?
Conrad: Papasok po kasi sana ako sa kwarto nyo kanina kaya lang nakita ko nakapatong kayo kay Papa tapos tumatalbog-talbog kayo, lumabas na lang ako. Tapos maya-maya narinig kong sumigaw si Papa.
Mama: Ay naku hindi ba naka-lock yung pinto?! Ah eh... ganito kasi yun anak... diba malaki yung tiyan ng Papa mo?
Conrad: Opo.
Mama: 'E kaya dinadagan-daganan ko minsan yung tiyan nya, para sumingaw at lumiit. Yun yung nakita mo. At hindi ko sya sinasaktan nun. Sige na, itapon mo na yang tirador.
Conrad: Pero hindi naman yata nakakaliit ng tiyan yun 'e. Kasi ginagawa din ni Aling Martha yun kay Papa pag wala ka, tapos ngayon si Aling Martha malaki na din yung tiyan.
Mama: Anak, pahiram nga muna nyang tirador mo. Minsan kase ok lang manirador ng ibon. Nasan na ba yun Papa mo?
Alam mo ba na sa lahat ng city sa Pilipinas, pinaka malaki ang populasyon sa Quezon City na may halos 2,679,450 na tao. Tapos ang pinaka-maliit naman na population ay ang Palayan City, pero hindi dahil ito ang pinaka maliit. San Juan ang pinaka maliit na city sa Pilipinas na 5.94 km2 ang laki, at ang pinaka malaki ay Davao City na pumapalo ang sukat sa 2,433.61 km2. So kung pinaka maliit ang San Juan, siguro pinaka masikip din dun diba? Mali. Manila ang pinaka masikip dahil may 43,079 na tao sa bawat square kilometer doon. Ang pinaka maluwag naman ay Puerto Princesa na may 81 na tao lang bawat square kilometer.
Base sa information na yan, lumalabas na pwede pang i-develop ang mga lupa sa Puerto Princesa para matirahan ng ibang taga Manila na nasisikipan sa lugar nila. Tambay din kami sa Manila kaya alam namin na magkakadikit talaga ang bahay jan. Tipong pag tumayo ka sa may pinto ng bahay mo, at tumayo ang nakatira sa tapat nyo sa may pinto nila, pwede kayong mag-apir. So kung may mga taga manila na naghahanap ng maluwag na city, ba't hindi nyo subukan ang Puerto Princesa. Malapit lang naman yan, isang sakay lang yan. Mag-abang ka lang sa may Quiapo ng jeep na biyaheng Puerto Princesa. Pero kung tutuusin, yung mga oras na tumatambay kami sa Manila ang pinaka masarap na tambay. Dahil nga magkakalapit ang bahay, mas nagkakakilala ang mga tao at mas may feel of a community ang mga tao. Kaya sige, ok lang, pasikipin pa natin ang Manila.
Lumalabas din base sa information sa taas na walang kinalaman laki o liit ng city sa pag-unlad nito. Dahil ang Davao na pinaka malaki at ang San Juan na pinaka maliit na ay pareho namang maunlad. Pero ang pinaka importanteng bagay na dapat mapansin sa taas ay ang population. Normal sa Palayan City ang populasyon nila dahil hindi naman kalakihan at hindi kaliitan ang city nila. Kung baga sa kama ng 3 little bears, sila yung kama ni baby bear... just right. Pero ang population ng Quezon City ay malaki para sa size nito. Siguro madalas umattend ng misa ang mga taga Quezon City kaya lagi silang humahayo at nagpapakadami. Siguro mayayaman ang mga nasa Quezon City dahil hindi nila iniisip ang gastos pag mas madaming anak. O kaya kuripot kaya ayaw bumili ng condom. Siguro mas healthy lang, kaya mas hindi nababawasan ang population. Hindi namin alam ang totoong dahilan. Pero kung mas mabilis magreproduce ang mga nasa Quezon City, ibig sabihin mas madaming babae na liberated dito, dahil hindi naman tumataas ang bilang ng mga kinakasal every year (bumababa pa nga) pero patuloy ang pagtaas ng pinapanganak. Mas madami palang hayok sa Quezon City. Mas wild, mas mapusok, at mas madaming nagja-gyrate na hips. Kung ganon, mas dadami pa nga ang tao sa Quezon City, dahil mas madami ang liberated na babae at lagi namang "liberated" ang mga lalake. Tapos idag-dag mo pa yung mga manyak na lilipat ng tirahan sa Quezon City pagkatapos mabasa 'to.
Eddie Gil: Birth control? Para sakin hindi na kailangan ang birth control kapag ako na presidente.
Vicky Morales: Baket?
Eddie Gil: Kase ano na eh, lahat ng tao, kailangan ko maraming tao, mabigyan ko
job, trabaho. Oo, kaya ako nag-campaign na hwag na kayo sasama sa birth control. Family planning iwanan nyo. Magplano na kayo gabi-gabi para manganak kayo buwan-buwan. Tingnan nyo ang China.
Vicky Morales: Sir, di ba malaki ang China?
Eddie Gil: Malaki rin ang Pilipinas!
Itutuloy...
Tapos pwede ka nang bumuo ng sarili mong baranggay dahil buwan-buwan pwede kang magka-anak. San ka pa?
Masyado kang babae kung natuwa ka nung nalaman mo na may laruan na ganyan.
Masyado kang lalake kung napamura ka nung nalaman mo na may laruan na ganyan.
Masyado kang Justin Bieber kung nacurious ka sa itsura nyan pag nakahubad.
picture ng kabieberan hugot dito
Nung unang panahon, ginawa ni Lord ang mundo. Napansin nyang walang ligalig ang mundo kaya gumawa sya ng ibat-ibang hayop at halaman. Ginawa nya si Adam para alagaan ang mga nilikha nya. After a couple of minutes, naalala nya na iresponsable nga pala ang mga lalake... then God created Eve. The End.
Dad: Wow! Puro line of nine ang grades mo anak 'a!
Peter: Tapos yung attendance ko complete po lahat.
Dad: Aba oo nga 'no. Ang galing-galing talaga ng anak ko.
Peter: Wala ba akong prize dad?
Dad: Ahh... sige anak, ano bang gusto mo? Sabihin mo lang, akong bahala. Sky is the limit.
Peter: Gusto ko po nung malaking Transformers na Optimus Prime. Wala pang may ganon sa school namin. 4,000 pesos lang yun.
Dad: Ahh... pumili ka na lang ng iba.
Peter: Mini scooter na lang. 6,000 pesos yun pero madami nang kasamang gadgets.
Dad: Hmmm... Iba na lang anak...
Peter: Maliit na billiard table... may nakita akong ganon 4,500 pesos lang.
Dad: Wag na yun. Wala bang mas mura?
Peter: 'E sabi nyo kasi sky is the limit.
Dad: Sky is the limit nga... Kaso nasa outer space ka na 'e. 200 pesos lang ang sky ko anak.
Peter: Pinaghirapan ko yung grades ko tapos kukuriputin nyo yung prize ko?
Dad: Sana naging bobo ka na lang.
Dahil tatay si Ryan Agoncillo at nanay si Judy Ann Santos, para sa bagong baby nilang lalake, gusto namin i-suggest ang pangalan na...
Mukang pinag-iinitan daw namin si Justin Bieber dahil madalas daw namin sabihing bading sya. Hindi naman namin sinabing mali maging bading. Para sa mga regular na basahero sa MgaEpal.com, kilala nyo kami kung pano kami magbagsak ng hirit. Alam nyo din na madami kaming pabasa dito na sumusuporta sa karapatan ng mga bading. Madaming beses na din naming nabanggit na saludo kami sa mga myembro ng 3rd sex na marunong umintindi at hindi pikon. At isa pa, kahit kailan, wala kaming sinabing bading si Justin Bieber. Tomboy yun 'e.
Dati lubid lang, iikot na ang turumpo
Ngayon may launcher pa, para lang sa Beyblade mo
Kung dati may basketball court sa halos bawat kanto
Ngayon NBA Live sa Xbox, at daliri lang ang aktibo
Noon pag sumabit ang lubid, ang jumping rope hihinto
Ngayon may jumping rope din, kaso sa Wii na nilalaro
Noon pag may basag na paso, walang tigil ang piko
Ngayon walang tigil sa Dance Revolution, ang token isang tabo
Pag wala kang laruan noon, gagawa ka na lang
Ngayon kung gusto mo maglaro kailangan gastusan
Dati ang buong pamilya sa board game nagpapaligsahan
Ngayon nagtatanim kayo ng plants, at zombie ang kalaban
-MgaEpal.com
Sino ang nanay ni Robin Hood?
Edi si Mother Hood.
Sino ang tatay ni Robin Hood?
Edi si Father Hood.
Sino ang anak ni Robin Hood?
Edi si Child Hood.
Ano si Robin Hood bago sya naging tao?
Tam...
siguraduhin nyo lang na puro swimsuit competition ang eksena.