Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Bernadette Anne Sensoho de la Fuente. Isa akong researcher para sa isang fashion magazine. Iba ang tunay na personality ko, at iba ang socialite/fashion na mundo ko. Tuwing nasa trabaho ako ay nag-iingglisan kaming lahat and we always beso-beso pero ang totoo ay simple lang ako. At hindi ako magaling mag english, natututo lang ako ng english kakanood ng wrestling.
Isang gabi, habang nagkakape ako sa isang mall, nakita ko si Carla. Katrabaho ko si Carla at isa sya sa mga sosyal talaga sa office. Typical na sosyal si Carla; maganda, matangkad, at laging mukang mahal. At nung nakita ko sya, I was surprised! Hindi ko alam ang gagawin ko. Papansinin ko ba sya kahit na alam kong makikipag ingglisan sya sakin o iiwasan ko ba sya? Magtatago sana ako sa likod ng kasama ko, kaya lang wala naman akong kasama. Nakita ako ni Carla at tinawag nya ako. Nagpanggap ako na hindi ko sya naririnig, at kahit na nung kinakalabit nya ako, kunyari hindi ko nararamdaman. Pero nung pinaso nya ako ng sigarilyo napaaray ako kaya wala na akong magawa. "Hey! Carla what a coincidence! you're here also!" ang bati ko sakanya. Sinabi nya na kanina pa nga daw nya ako tinatawag kaya lang hindi ko daw naririnig. Mejo matagal din kaming nagusap ni Carla sa coffee shop at pinagdarasal ko na sana umalis na sya dahil nauubos na ang "OMG" at "Really?" ko sakanya. Mabait naman si Carla kaso hirap talaga ako mag-english. Tumayo si Carla at natuwa ako dahil akala ko ay aalis na sya, nang biglang...
"Hey, can I ask for a favor? Would it be okay if you helped me pick out a dress. It's for the event on Tuesday. Please, please, please."
Pinagisipan ko muna ang sinabi ni Carla, at matapos ng ilang minuto ay naintindihan ko din ang sinabi nya. Gusto ko sanang tumanggi kaya lang mas mahaba pa ang sasabihin ko, kaya sabi ko nalang "sure". Akala ko ay lilipas ang oras na mabubugnot ako, pero hindi ko namalayan na nageenjoy din akong kasama si Carla. At natuwa naman ako nung sabihin ni Carla na ililibre daw nya ako ng dress dahil sinamahan ko sya. Kahit na hirap ako magenglish at halos kalahati ng lahat ng sinasabi ni Carla ay hindi ko naiintindihan nagenjoy talaga ako dahil mahilig ako magshopping.
Ok na sana ang lahat, pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Pumasok kami ni Carla sa isang posh na tindahan. Magaganda ang dresses at pareho kaming nagsukat ng damit. Nakakita si Carla ng gusto nyang dress, at sabi nya ay pumili daw ako ng gusto ko dahil ililibre nga daw nya ako. Yung huling dress na sinukat ko ang pinaka nagustuhan ko Kuya Chico. Lumabas ako ng dressing room at pinakita kay Carla ang suot ko. Sabi nya..
"Oh that's so pretty! I like the stitching on the strap of the left hem!"
Hindi ko masyado naintindihan pero dahil may "pretty" yung sinabi nya natuwa na ako. Pero nang sabihin nyang "Turn clockwise so we can appreciate the stitching design." Nayanig ang mundo ko! Alam ko na ang "turn" ay umikot, pero ano yung clockwise? Pakaliwa ba yun o pakanan? Baket ba kase hindi nalang leftwise at rightwise?! Kuya Chico ano ba ang clockwise? Sana ay mabigyan mo ako agad ng sagot dahil hindi ko ulit pinapansin si Carla at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang tiisin ang paso ng sigarilyo nya.
Lubos na gumagalang,
Bernadette Anne Sensoho de la Fuente
0 comments for this post