Hindi Networking.
By mgaepals on 08:05
Filed Under:
Emerson: Pare, may business proposal ako sayo, may oras ka ba? Saglit lang to'.
Gilvert: Alam ko na yang ganyan e'. Networking na naman yan.
Emerson: Hindi, hindi. Pakinggan mo muna, hindi networking to'. Mutualism business to'.
Gilvert: Iniba mo lang yung tawag, networking din yun e'
Emerson: Hindi nga. Kasi ang networking walang binibentang products, dito meron. Tuwing may mabenta ka may kita din ako, tapos pag may napamember ka at may nabenta yun may kita ka din sa benta nya.
Gilvert: Oh, sabi na nga ba networking yan. Nilagyan lang ng mga producto para mas maganda tingnan. Para masabing business.
Emerson: Hindi nga. Magbebenta ka nga talaga. Magaganda yung products tapos mura pa kaya madaling makakabenta.
May rebates ka pang pwedeng makuha. Tapos eto pa, kapag pumares yung member mo sa left sa member mo sa right panibagong kita ulit yun.
Gilvert: Putik! edi networking nga. Ganun naman mga networking schemes eh. Tapos sasabihin sayo na hawak mo ang oras mo pag sumali ka pero maya't maya ka tatawagan at itetext para magdala ka ng bagong members.
Emerson: Hindi iba talaga to'. Ang products kasi dito lamp shades. Kakaiba diba?
Gilvert: Kakaiba nga. Pero networking parin.
Emerson: Hindi nga.
Gilvert: Sigurado kang hindi networking yan?
Emerson: Oo. Hindi talaga!
Gilvert: Hindi networking yan ha?
Emerson: Oo nga!
Gilvert: Sayang gusto ko networking e'.
0 comments for this post