maghihiwalay sayo sa ibang tao...
...gamitin mo ang mga "ibinato" para gumawa ng tungtungan na
mag-aangat sayo."
mo lang basta-basta, tapos palalamigin at isusubo ulit, tapos iluluwa ulit kapag naisip mong kadiri ang ginawa mo."
May mga nagsasabi na may pinapanganak every 1 second. Ayon naman sa Wiki Answers every 5 seconds may pinapanganak. Pero sabi sa likod ng karton ng isang chocolate drink every 3 seconds daw may pinapanganak. Kung kukunin ang average na numero ng mga yan (1+5+3 divided by 3 = 3) , lumalabas na every 3 seconds talaga may pinapanganak sa mundo. Kung totoo yan, sa oras na matapos mo basahin ito, meron nang 11 babies na pinanganak sa mundo.
Epal: Oh, kamusta na? Ngayon lang kita ulit nakasabay tumambay ah.
Mas Epal: Mejo busy lang. Naisip ko kasi magiging mas sophisticated na ako. Yun yung New Year's resolution ko e.
Epal: Maging mas sophisticated? Talaga lang ha. Kaya pala nakapolo ka pa ngayon.
Mas Epal: Oo, galing ako mag-apply ng trabaho, kailangan ng pera e.
Epal: Ah oo, makakatulong yun kung gusto mong maging mas sophisticated.
Mas Epal: Naisip ko nga din yun. Syempre mas may gana ka naman maging sophisticated kung sumisweldo ka diba?
Epal: Ahhh siguro nga... Kasi mabibili mo yung mga binibili ng mga sophisticated na tao.
Mas Epal: Hindi rin. Kuripot ako e. Iipunin ko lang yung sweldo ko. At hindi lang ako sa pagtatrabaho magiging sophisticated.
Epal: Ha? Anong sinasabi mo? Hindi ko magets...
Mas Epal: I mean, pati sa gawaing bahay magiging mas sophisticated ako. Hindi ko na aantayin na utusan pa ako bago kumilos.
Epal: Teka nga... alam mo ba ang ibig sabihin ng sophisticated?
Mas Epal: Oo. Yung ano... Masipag.
Epal: ...
Mas Epal: Baket?
Epal: San mo ba napupulot yung mga kaalaman na ganyan? Nagdadrugs ka ba???
...wag kang mag-asawa.
Kung sino man ang maloko ng mister nya, kahit wala naman syang asawa, bibigyan namin ng tumataginting na 27 pesos... in cash! Gawin mo nang 28 pesos sige... in cash!
O baka may ginawa na yun!
Pwede ding siraulo lang sya...
Maiintindihan naman ni Maria Ozawa kung ipagpapalit mo muna sya dito.
Asan ang link ng video nya?
Wag dito. Baka pulutin ng mga bata, maputukan pa sila. Email mo kami sa MgaEpalSecrets@gmail.com BAGO MAG MARCH 15, ...ibubulong namin sayo.
Check mo nalang ang email mo pag dating ng March 15.
Hindi na namin papatulan ang mga email na papasok ng March 15, 2010 onwards. Wag kang pa-istar.
Knock-knock...
Who's there...
Gibo...
Gibo who?...
Gi-bo, Gibo sa puso ko
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho
Wag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko'y hindi na magbabago
Gi-bo, Gibo sa puso ko....
Galit ka na?
Kapag nagsisi ka, ibig sabihin nagkamali ka... kapag nagkamali ka, ibig sabihin sumubok ka... kapag sumubok ka, ibig sabihin binigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon magtagumpay.
.
Knock-knock...
Who's there...
Erap...
Erap who?...
Ma-Erap talaga maging pogi
Ma-Erap talaga maging heartthrob
Ma-Erap talaga maging pogi
Ma-Erap talaga maging cutie-pie
Ah-ha-hay...
Maiintindihan namin kung gusto mong magdabog.
Bukas: Gibo Teodoro
Hugot galing sa -GMANews.TV - Monday, February 22
Estrada also insists the street uprising that put Mrs. Arroyo, who was her vice-president, in power was a mistake. "We are commemorating EDSA Uno [on February 22-25], but why are we ashamed of EDSA Dos? Dahil mali kasi (Because it was wrong)," the deposed leader said.
MgaEpal.com reacts
Sir Joseph "Erap para sa mahirap" Estrada, eto yan...
The reason why we commemorate EDSA Uno, and don't think much about EDSA Dos, is not because the latter was a "mistake". The people are NOT ONLY considering who got ousted. The Filipinos are also looking at WHO REPLACED the "respectably ousted ones".
When the people got rid of former Pres. Marcos, he was replaced by a respected woman; The beloved Corazon "Tita Cory" Aquino. On the other hand, Sir, you were replaced by... well, you get the point.
Billy: Oh pare, kamusta na? Sinagot ka na ni Girlie?
Dacs: Hindi pa nga e. Ewan ko ba, hindi ko makuha yung kiliti nung babaeng yon.
Billy: Nako parepareho lang naman yan. Mula dati pa, kahit hanggang ngayon pambobola parin ang nakakapasagot sa babae.
Dacs: Yun nga e. Halata ata pag ako ang nambobola.
Billy: Sus! Kahit naman alam nilang binobola sila kakagat parin yun. Idaan mo sa hirit yung pambobola para sweet ka na, muka ka pang matalino.
Dacs: Panong idaan sa hirit?
Billy: Ganito... sample lang ha.
Para kang hika... you take my breath away.
ahhh ayos no? eto pa...
Para kang cigarette vendor... you give me HOPE, and MORE.
Dacs: Ok 'a...
Billy: Eto pa, eto pa...
Para kang pustiso... I can't smile without you.
Panis!
Dacs: Magawa nga yan.
Billy: Oo mga ganun lang. Pero mag-isip ka ng iba, mga example lang yon. Madami nang humihirit nyan, gasgas na.
Dacs: Ah sige sige.. ako bahala. May naisip nako, tamang-tama magkikita kami ni Girlie mamaya.
(Kinagabihan)
Dacs: Girlie may sasabihin sana ako sayo...
Girlie: Ano yun?
Dacs: Para kang flower... meron kang ovary.
Knock-knock...
Who's there...
Eddie...
Eddie who?...
Eddie's is the day, Eddie's is the day that the Lord has made, that the Lord has made
We will rejoice, We will rejoice, And be glad in it, And be glad in it
For Eddie's is the day that the Lord has made, We will rejoice and be glad in it
Eddie's is the day, Eddie's is the day that the Looord haaas maaade.
Bukas: Joseph Estrada, Tuesday: Gibo Teodoro
Oo may ibig sabihin... pero wala talagang basehan.
Knock-knock...
Who's there...
Manny...
Manny who?...
Oh Manny, well you came and you gave without taking
But I sent you away
Oh Manny, well you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today... oh Manny
Bukas: Eddie Villanueva, Monday: Joseph Estrada, Tuesday: Gibo Teodoro
Panget: Sa sobrang bobo mo, nung nagbuhos ang Diyos ng talino sa mundo, butas ang timba na pinangsalo mo!
Bobo: Kesa naman sayo! Nung nagbuhos ang Diyos ng kagandahan sa mundo.....................
Panget: Ano? Nung nagbuhos ng kagandahan, ano??? Wala kang maisip no? Wala ka bobo ka talaga!
Bobo: Ewan ko sayo! Basta ang point ko panget ka! Nung nagbuhos ang Diyos ng kagandahan sa mundo, panget ka!!!
Nagdoorbell ang dalawa. (pero buzzer ang tunog kaya doorbuzz sya kung tutuusin)
Lumabas si "Boss Chip"...
"Boss Chip": Oh! Balita?
"Bunso": Dumeretso ako sa kanila pagkagaling kong trabaho 'e, naisip namin dumaan dito.
"Manong Guard": Labas ka ng tubig uhaw na kami kanina pa.
"Boss Chip": Bili nalang tayo ng 1.5
"Bunso": Tara.
"Manong Guard": Wag na.
"Boss Chip": Baket? Hindi ka umiinom softdrinks?
"Manong Guard": Umiinom. kaso ang layo 'e
"Boss Chip": Dyan lang sa may simbahan. Tara..
Pag dating sa tindahan walang tao sa loob...
"Boss Chip": Pabili....... tao po..
"Bunso": Wala atang tao 'e.
"Manong Guard": Wala nga. Kaya nga tinatawag para magkatao.
May lumabas na batang babae. (mukang bagong gising sa kanyang afternoon nap)
Bata: Ano po yun?
"Boss Chip": 1.5 Coke.
Bata: Hindi po malamig
"Boss Chip": ahhh Sige yung maliit nalang... tatlo.
Bata: Hindi din po malamig.
"Boss Chip": Teka ha.. Ano sa inyo? (tinanong ang dalawang kasama)
"Bunso": Sprite meron kayo?
Bata: Hindi malamig.
"Manong Guard": Ayun may Yakult oh!
"Boss Chip": Ang liit nyan e'!
"Bunso": Edi tig isang balot (lima ang laman ng isang balot ng Yakult)
"Boss Chip": Sige Yakult nalang tatlong balot.
Bata: Hindi din po malamig.
"Boss Chip": Hindi din malamig???
"Manong Guard": Kahit ano nalang! Uhaw nako...
"Boss Chip": Ano ba yung malamig dyan?
Bata: Wala. (sabay smile)
Dun lang namin nalaman na masakit pala sa dibdib pag pinigil mong mag-mura.
Who's there...
John...
John who?...
John, John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John. John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John, John
When the night has come, And the land is dark, And the moon is the only light we see
No I won't be afraid, No I-I-I-I won't be afraid, Just as long as you stand, stand by me
John, JohnJohn, John, John, JohnJohn, John, John.....
Host: Anong masasabi mo sa death penalty?
Contestant: Ano po yun... tooth for tooth, eye for eye.
Host: Paki eksplika nga.
Contestant: Ganito po yun, kung pinatay mo ang nanay ko, dapat patayin ko din ang nanay mo.
Oh I see...
Who's there...
Dick...
Dick who?...
Dick is the momment, damn all the odds
Dick's day or never, I'll sit forever with the gods
When I look back, I will always recall
Moment for moment, Dick was the moment, The greatest mooommeeeent of theem aaaall...
Nabwisit ka no?
Bukas:John Carlos de los Reyes, Saturday: Manny Villar, Sunday: Eddie Villanueva, Monday: Joseph Estrada, Tuesday: Gibo Teodoro
Isang normal na madaling araw para sa MgaEpal.com na usisain kung san nanggagaling ang mga bisita... Tiningnan namin ang Recent Visitor Map. Alas-singko ng madaling araw pa lang nagbabasa na kayo ah. Natuwa naman kami. May naggaling ng Canda, US, syempre karamihan Pinas. Merong nagbabasa sa Japan, sa China.. marami-rami na din ang gising at nagbabasa sa Saudi Arabia, meron din sa France... tapos...tapos... "Ano 'to?" alam namin na normal sa ibang site na magkaroon ng bisita galing New Zealand pero hindi para samin (tingin kasi namin sa New Zealand 'e puntahan ng mga suplado at suplada.. well hindi naman pala).. Ang dami naming nahugot na tanong at banat.. " Pano kaya umabot sakanya ang tungkol sa MgaEpal.com?", "Naks sosyal, New Zealand"... "May marunong palang magtagalog dun.", "Bat walang Old Zealand?" .. Madami pa, nalibang kami at natuwa.
Bago namin tapusin ito, hi sainyong mga malayo sa Pilipinas ngayon! Sana may ngiti kayo tuwing nandito kayo.. Sana may napapaabot kaming masarap na "timplang barako" sainyo mula sa MgaEpal.com. Lalo na jan sa New Zealand dahil tingin namin 'e nagiisang Pinoy lang sya jan.
Tonga, Trinidad & Tomato, at sa Papa New Guinea.
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Bernadette Anne Sensoho de la Fuente. Isa akong researcher para sa isang fashion magazine. Iba ang tunay na personality ko, at iba ang socialite/fashion na mundo ko. Tuwing nasa trabaho ako ay nag-iingglisan kaming lahat and we always beso-beso pero ang totoo ay simple lang ako. At hindi ako magaling mag english, natututo lang ako ng english kakanood ng wrestling.
Isang gabi, habang nagkakape ako sa isang mall, nakita ko si Carla. Katrabaho ko si Carla at isa sya sa mga sosyal talaga sa office. Typical na sosyal si Carla; maganda, matangkad, at laging mukang mahal. At nung nakita ko sya, I was surprised! Hindi ko alam ang gagawin ko. Papansinin ko ba sya kahit na alam kong makikipag ingglisan sya sakin o iiwasan ko ba sya? Magtatago sana ako sa likod ng kasama ko, kaya lang wala naman akong kasama. Nakita ako ni Carla at tinawag nya ako. Nagpanggap ako na hindi ko sya naririnig, at kahit na nung kinakalabit nya ako, kunyari hindi ko nararamdaman. Pero nung pinaso nya ako ng sigarilyo napaaray ako kaya wala na akong magawa. "Hey! Carla what a coincidence! you're here also!" ang bati ko sakanya. Sinabi nya na kanina pa nga daw nya ako tinatawag kaya lang hindi ko daw naririnig. Mejo matagal din kaming nagusap ni Carla sa coffee shop at pinagdarasal ko na sana umalis na sya dahil nauubos na ang "OMG" at "Really?" ko sakanya. Mabait naman si Carla kaso hirap talaga ako mag-english. Tumayo si Carla at natuwa ako dahil akala ko ay aalis na sya, nang biglang...
"Hey, can I ask for a favor? Would it be okay if you helped me pick out a dress. It's for the event on Tuesday. Please, please, please."
Pinagisipan ko muna ang sinabi ni Carla, at matapos ng ilang minuto ay naintindihan ko din ang sinabi nya. Gusto ko sanang tumanggi kaya lang mas mahaba pa ang sasabihin ko, kaya sabi ko nalang "sure". Akala ko ay lilipas ang oras na mabubugnot ako, pero hindi ko namalayan na nageenjoy din akong kasama si Carla. At natuwa naman ako nung sabihin ni Carla na ililibre daw nya ako ng dress dahil sinamahan ko sya. Kahit na hirap ako magenglish at halos kalahati ng lahat ng sinasabi ni Carla ay hindi ko naiintindihan nagenjoy talaga ako dahil mahilig ako magshopping.
Ok na sana ang lahat, pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Pumasok kami ni Carla sa isang posh na tindahan. Magaganda ang dresses at pareho kaming nagsukat ng damit. Nakakita si Carla ng gusto nyang dress, at sabi nya ay pumili daw ako ng gusto ko dahil ililibre nga daw nya ako. Yung huling dress na sinukat ko ang pinaka nagustuhan ko Kuya Chico. Lumabas ako ng dressing room at pinakita kay Carla ang suot ko. Sabi nya..
"Oh that's so pretty! I like the stitching on the strap of the left hem!"
Hindi ko masyado naintindihan pero dahil may "pretty" yung sinabi nya natuwa na ako. Pero nang sabihin nyang "Turn clockwise so we can appreciate the stitching design." Nayanig ang mundo ko! Alam ko na ang "turn" ay umikot, pero ano yung clockwise? Pakaliwa ba yun o pakanan? Baket ba kase hindi nalang leftwise at rightwise?! Kuya Chico ano ba ang clockwise? Sana ay mabigyan mo ako agad ng sagot dahil hindi ko ulit pinapansin si Carla at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang tiisin ang paso ng sigarilyo nya.
Lubos na gumagalang,
Bernadette Anne Sensoho de la Fuente
"I'll have a break, I'll have a Kit Kat"
Si Giselle Sanchez.
"Tara sabay tayong maging maligalig."
Pero ang numero unong sexy comedian ng Pilipinas...
Walang kupas. Hanggang ngayon walang panty na hindi kayang palaglagin
May mas sesexy pa ba jan?
pictures hinugot dito
Who's there...
Noy...
Noy who?...
Ako’y isang Si Noy sa puso’t diwa
Si Noy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y ni Noy na mayroong sariling wika...
Sa mga napikon sa kakornihan nito.. Pwedeng magmura.
Bukas: Dick Gordon, Friday: John Carlos de los Reyes, Saturday: Manny Villar, Sunday: Eddie Villanueva, Monday: Joseph Estrada, Tuesday: Gibo Teodoro
...Iba ang nagtitiis dahil mahal mo yung tao."
Special na babae lang ang magsasabi nyan.
Kung baga sa siopao, sila yung may pulang tuldok.
"Iwan mo nalang ako, kung dumating ang panahon na nasasaktan na kita."
Special na lalake lang ang magsasabi nyan.
Kung baga sa DVD, sila yung may director's cut.
"Huy, kung may problema ka sa tuition mo, sabihin mo lang, ako bahala.. basta tulog tayong magkatabi ng nakabrief lang tayo pareho."
Special na tao lang ang magsasabi nyan.
Kung baga sa babae, sila yung may itlog.
Who's there...
Jamby...
Jamby who?...
Paki Jamby na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki Jambyng 'wag siyang mag-alala, di ako umaasa
Alam kong ito'y Malabo, di ko na mababago
Ganun pa man paki Jamby na lang...
Tutuloy pa ba namin?
Bukas: Noynoy Aquino, Thursday: Dick Gordon, Friday: John Carlos de los Reyes, Saturday: Manny Villar, Sunday: Eddie Villanueva, Monday: Joseph Estrada, Tuesday: Gibo Teodoro
By Sep Garcia as a MgaEpal.com shirt design.
Napamura kami dahil kahit kailan hindi namin aasahan na may taong huhugot ng ganitong konsepto sa utak nya. Iba talaga ang kalibra nito.
Babala: Wag I-click ang design kung ayaw mong mas ma-amaze.
"Kung ang lahat ng hirit, lahat ng hugot, at lahat ng joke ay kailangang i-explain sayo, o kaya ay seseryosohin mo... umalis ka na. Hindi tayo bati."
- Cheating on exams: Sa tingin mo saan mas takot ang mga studyante, mapunta sa impyerno, o mapadala ng tatay nya sa langit kapag bumagsak sya?
- Having sex before you are married: Impyerno yan? Seryoso? Hindi nga?
- Watching bold movies or X rated websites: Gusto nyo bang magdropout lahat ng studyanteng lalake?
- Being bakla or tomboy: Baket, dahil sabi ng religious leader mo? Sabihin mo nga yan sa harap ni John Lapus kung matapang ka!
- Getting drunk: Eh kung tipsy lang? Purgatory lang ba ang punta mo?
- Lying: Kunyari ka pa, narinig mo lang ang "Liars go to hell".
Ailah: Gerome akyat ka sa taas, paki kuha yung charger ng phone ko.
Gerome: Beket kailangan mo pang sabihing "SA TAAS" ate? Saan pa ba ako aakyat, sa baba? Duuhh!
Gerome: Nagcutics ng KUKO?? Bat hindi nalang "nagcutics kasi ako."? may iba ka pa bang pwedeng icutics sa katawan mo kundi kuko?.. Duuhh!
Gerome: Check ko kung umuulan sa labas ate? kung umuulan SA LABAS?? Baket, pwede bang umulan sa loob?.. Duuhh!
Ailah: Kanina ka pa ah! Eh kung SIPAIN kita ng PAA ko?!! At BATUKAN kita sa BATOK?!! Ano duh? DUH?!!
Gerome: ...Pikon.
Hindi masakit 'to parang kagad lang 'to ng langgam.
Wag ka nang matakot injection lang 'to. Parang tinusok ka lang ng karayom.
Doc, wag ka na lang magsalita... Iturok mo nalang.
yun pa ang binibiyayaan ng lakas ng loob?
Sana magbrownout sa bahay mo habangbuhay. Bwiset!
Kahit pa "Bachoy Pangito".
Noel: Mama bili tayo ng aircon, sobrang init kahit gabi e'. Kahit yung electric fan lang na aircon, yung nilalagyan ng yelo sa loob.
Mama: Ano ka, spoiled? May electric fan ka naman, gamitin mo.
Noel: Mainit parin e.
Mama: Edi ilapit mo sayo yung electric fan, tapos magpaypay ka pa.
Noel: Pano naman ako makakatulog habang pinapaypayan ko sarili ko? Bili ka na ng aircon, mura lang yun.
Mama: Aba e mura lang pala e'. Edi ikaw bumili.
Noel: Nakakainis naman! Sana sa mayaman na pamilya nalang ako pinanganak!
Mama: Anong sabi mo?! Dahil lang sa aircon ipagpapalit mo ang pamilya mo?!!
Noel: Hindi naman dahil sa aircon. Dahil sa yaman.
Mama: Aba baket sa tingin mo mas katanggap-tanggap na rason yan?! Dapat nga magpasalamat ka dahil kahit hindi tayo mayaman, nagmamahalan tayo. Bawiin mo yung sinabi mo!
Noel: Sorry, binabawi ko na po. Sorry mama.
Mama: Ayokong ganyan ang takbo ng utak mo ha. Kabatabata mo pa, sinasamba mo na ang pera. Baket, sa tingin mo lahat ng bagay nabibili ng pera, ha?
Noel: Opo.
Mama: Hooooy.. May mga bagay na hindi kayang bilihin ng pera, tandaan mo yan.
Noel: Tulad ng?
Mama: ...
Noel: Ano po yung mga bagay na hindi nabibili ng pera?
Mama: ...
Noel: Mama, ano po yung hindi kayang bilihin ng pera?
Mama: Teka nag-iisip ako!
"Sige patayin mo ang apoy, gamit gasulina."
Walang imposible? Ano ka, God? Alis jan!
Masakit malaman na nagiibigan ang misis mo at ang kumpare mo.
Pero mas masakit malaman na nagiibigan ang mister mo at ang kumpare nya.
Lalo na kung wala namang trabaho ang misis mo.
Pwera nalang kung babae din ang best friend mo.
Eddie Mercado: "Of the three titles at stake, which would you want to win?"
Finalist: "I want to win the Binibining Pilipinas Universe, because it would be an honor to represent the Philippines in the whole Universe!"
The whole universe pala ha..
Pag may narinig kang nagsabi nyan, paki bara. Please.
(Conscious you, together again also us. If us, us.)
Made in China.
Emerson: Pare, may business proposal ako sayo, may oras ka ba? Saglit lang to'.
Gilvert: Alam ko na yang ganyan e'. Networking na naman yan.
Emerson: Hindi, hindi. Pakinggan mo muna, hindi networking to'. Mutualism business to'.
Gilvert: Iniba mo lang yung tawag, networking din yun e'
Emerson: Hindi nga. Kasi ang networking walang binibentang products, dito meron. Tuwing may mabenta ka may kita din ako, tapos pag may napamember ka at may nabenta yun may kita ka din sa benta nya.
Gilvert: Oh, sabi na nga ba networking yan. Nilagyan lang ng mga producto para mas maganda tingnan. Para masabing business.
Emerson: Hindi nga. Magbebenta ka nga talaga. Magaganda yung products tapos mura pa kaya madaling makakabenta.
May rebates ka pang pwedeng makuha. Tapos eto pa, kapag pumares yung member mo sa left sa member mo sa right panibagong kita ulit yun.
Gilvert: Putik! edi networking nga. Ganun naman mga networking schemes eh. Tapos sasabihin sayo na hawak mo ang oras mo pag sumali ka pero maya't maya ka tatawagan at itetext para magdala ka ng bagong members.
Emerson: Hindi iba talaga to'. Ang products kasi dito lamp shades. Kakaiba diba?
Gilvert: Kakaiba nga. Pero networking parin.
Emerson: Hindi nga.
Gilvert: Sigurado kang hindi networking yan?
Emerson: Oo. Hindi talaga!
Gilvert: Hindi networking yan ha?
Emerson: Oo nga!
Gilvert: Sayang gusto ko networking e'.
Nagwalkout ang Talk n Text dahil hindi nila nagustuhan ang tawag ng referee lalo na ang flagrant foul 2 na tinawag kay Ranidel de Ocampo. Nangyari ang pangyayari na nangyari nung game 4 ng best of 5 KFC PBA Philippine Cup quarterfinal series, laban sa pinaka maappeal na basketball team sa mundo ng mga manginginom, ang Ginebra. Dahil sa pangyayaring nangyari ay minultahan ng higit kumulang, one million pesos ang Talk n Text. Ang mahal pala magwalkout.
"Wag ka na magalit dear, para sayo din to'. Kaya ako naglalasing para gumanda ka. Ayaw mo ba nun?"
Bilugan at mabuhok: Rambutan
Tumatayo kapag nilalaro: Dolphin
Hinihigop para labasan ng likido: Straw
Lumalaki kapag tumitigas: Tubig
Masarap paglaruan kapag basa na: Buhangin
Masarap gawin sa kama tuwing malamig: Magkumot
Ang tawagin kang bading dahil sa pagtakas mo sa mga responsibilidad mo, ay insulto sa gay community.
1. Ulingan ang mga tenga mo.
2. Suntukin ang dalawang mata mo.
3. Magmedyas na itim (yung hanggang singit).
4. Magsuot ng itim na chaleko (yung long sleeves).
5. Ngumata ng bamboo.
Congratulations, panda ka na.
Bonus Video:
"Ang ingay mo kasi ngumuya."
Chinismis lang ng isang British tabloid na maghihiwalay si Brad Pitt at Angelina Jolie a.k.a. "Brangelina", dinimanda na nila yung tabloid. Paka sensitive naman nitong dalawang to'.
Ayaw namin makiuso sa "Brangelina" kaya tatawagin namin silang "Jolpitt". Oist "Jolpit", ganyan ba kayo kasensitive noon nung ginogoyo nyo si Jennifer Aniston? (Hindi naman kami fan ni Jen Aniston, just making a point)
We end this post with a tribute to a classic song..
"An-ge-li-na, baho _____ mow, amuysarsa. Di mo sina-sabown, kinalikot mo pa."
I know you will write, to leave me for so long
I'm fall out of love, what am I without you
I came here too late to say that I was so young
Gusto mo magpalaki ng katawan?
Johnny: Wala bang stunt double direk?
Direktor: Wala, uso na ngayon yung mga artista ang gumagawa ng sariling stunts nila.
'O basta pagpasok mo sa kulungan tatalon-talon ka palapit sa buwaya...
Johnny: Teka direk ba't kailangang tumalon-talon? Hindi ba pwedeng maglakad nalang ako para hindi mabulabog yung buwaya?
Direktor: Hindi, hindi. Nakatali kasi yung mga kamay at paa mo, pano ka maglalakad nun? Basta gawin mo nalang.Tapos non, pag nakalapit ka na sa buwaya, tititigan mo sya. Tapos dahandahan kang uupo at ilalapit mo yung muka mo sa muka nya.
Johnny: Ha?! Eh kung sunggaban ako non?! Para saan, baket kailangang ilapit ko yung muka ko sakanya?... Baket naman nakatali yung kamay at paa ko?!!?
Direktor: Kailangan kasi natin ng eksena na exiting. Yung kakabahan ang nanunuod at yung mararamdaman nila ang takot mo. Ilalapit mo yung muka mo sa muka nung buwaya para intense yung eksena. Kailangan din natin yung closeup shot na yun para sa posters ng pelikula.
Johnny: Edi lagyan nalang ng effects. Pwede naman yun diba? I-edit nalang sa computer.
Direktor: Mahal yun Johnny. Halos ahh... 2 billion pesos ang magagastos dun. So basta ganun na. Alam mo na ang gagawin mo ha. Papasok sa kulungan, tatalon-talon palapit sa buwaya, tititigan at ilalapit ang muka mo sa buwaya... yung malapit talaga ha.. yung tipong aabutan ka pag sumunggab sya. Ok ready!... Lights!... Camera!...
Johnny: Direk sorry na! Hindi ko alam na asawa mo yung nilandi ko kagabi! Kung alam ko lang, hindi ko gagalawin yun!
Direktor: Ok lang, wala sakin yon... ok ACTION!
Kung wala ka paring gana kumilos pagkatapos mong sirain, itaboy, itapon, hiwalayan, at sunugin ang mga distractions sa buhay mo... tamad ka nga. Isang tamad na sira na ang TV, sira na ang laptop, walang kaibigan, walang cellphone, walang shota, tapos wala ka pang porn.