Ask The Authors
By mgaepals on 21:12
Filed Under:
Tanong galing kay Sunako Chan:
Hi, tanong ko lang po...lahat po ba ng mga ninja nagmumura? Kase aspiring po akong ninja kaso hindi po ako marunong magmura.. pano kaya yon? Sana matulungan nyo 'ko. Hi pala kay bunso hehe.
MgaEpal.com:
Hi din daw sabi ni "Bunso". Rektang sagot; Sa tingin namin hindi naman essential ang pagmumura kung gusto mong maging ninja. Nasagot na namin ang tanong mo. Dagdagan natin. Nagkataon lang na natural na reaksyon naming magmura minsan (Actually madalas, pero kinokontrol namin para sa mga batang basahero dito.) Take note; reaction minsan, pero may pagkakataon na mura talaga yan pag may mga taong dapat murahin. Mukang pangit na ugali ang pagmumura, pero kung tutuusin, depende sa pag-gamit yan. Gawin nating halimbawa ang "Gago". Ginagamit pag may kaaway, o pang-insulto, pero ginagamit din as "term of endearment" para sa kabarkada, at pangtukoy sa taong malabo o makulit. Pag nagugulat napapamura din ang iba. Kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng mura nagagamit ng hindi sadya. Ang nakakaloko dito, pag tagalog ang mura, mas masama ang tingin ng karamihan, pero pag "shit", "fuck", "OMFG", mas tinatanggap as a "simple impulsive reactions". Ang mga taong naniniwala dyan ang magandang example ng "Gago" na pang-insulto.
Kung hihimayin ng maigi, kung gano ka-pwede maging "simple reaction" ang lahat ng mura, sa ganong paraan din pwedeng maging mura lahat ng normal na salita at phrases. Depende din kung saan, kailan, at pano sasabihin. Isipin mo 'to; Random at normal ang salitang "kutsara". Normal na salita lang din ang salitang "aso". At hindi pagmumura ang pagsasabi ng "Kutsa ng aso" (Actually walang ibig sabihin yan). Pero kung may kaaway ka, at pasigaw mong sasabihin sa kanya ang "Kutsara ka ng aso!" kahit walang ibig sabihin yan, iisipin nyang minumura mo sya. Tama? Tama. Patunay yan na dumidipende ang pagiging mura ng mga salita sa sitwasyon at sa tono kung pano sinabi ito.
Examples ng imbentong mura na walang ibig sabihin pero pwede gamitin sa kaaway:
- Kambal na inahin!
- Powder exam ka!
- Utot mo blue!
- Sintas ng pader mo!
- Pork chop noodles!
- Kamutin mo kumot mo!
- In your toothpaste!
- Gulong ng bike ka pag Tuesday!
Mga aircon nyo bilog!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post