Sagwan Ng Mga Dragon
By mgaepals on 10:38
Filed Under:
Matagal nang bumubuga ng apoy ang Philippine Dragon Boat Federation team sa mundo ng sport nila. Internationally yan ha. Pero dahil sa impluwensya ng ibang kupal sa Philippine Olympic Committee na humaharang sa kanila, hindi naging mabilis ang pagbibigay ng recognition sa mga karapat-dapat. Pero kung tuloy-tuloy nga naman ang buga ng apoy, lalo na internationally, pano nga naman hindi mapapansin ang liwanag na galing dito?
image hugot sa INQUIRER SPORTS
Congratulations sa Philippine Dragon Boat Federation team sa pagdagit ng limang gold medals, dalawang silver medals, at sa pag-break ng ilang records sa 10th Dragon Boat World Championships na ginawa sa Tampa Bay, Florida.
At ngayon bigwasan natin ang mga dapat bigwasan. Una ka Philippine Olympic Committee board director Jeff Tamayo. Balikan natin ang mga words of wisDUMB netong taong 'to...
"They have the body, they have everything, but as we all know, ampaw na lang yun."
-Jeff Tamayo
Ampaw? Three-time world champions, world record holders, at isang tambak ng medals...Ampaw? Sa susunod bago ka manlait mag-research ka boy. Tingnan mo ang mga achievements ng balak mong sirain para hindi ka nagmumukang bano.
Nandyan din ang kagaguhang accusation ng Philippine Olympic Committee na gumagamit ng steroids ang ilan sa members ng Dragon Boat Federation team. Pasensyahan tayo pero kailangan naming sabihin ang totoo na bobo kayo POC. Sa sobrang bobo nyo, ang pwede lang maging mas bobo sa inyo ay ang sarili nyo.
Binintang ang pag-gamit ng steroids sa PDBF nung mga panahon na nag-qualify sila para sa Asian Games. Mukang ayaw talaga sila alagaan ng POC. Hindi daw kasi... i-google mo na lang, nakakatamad magkwento ng katarantaduhan ng tropa ni Jeff Tamayo. Ang sobrang katangahan dito, baket Pilipino mismo ang mag-aakusa ng ganyan sa Filipino athletes. Halimbawa may Pilipinong athlete na totoong gumagamit ng steroids, kung walang pruweba wag mo munang akusahan. pabayaan mong ibang bansa ang humatak sa kanya pababa. Kahit nag-gagaguhan tayo, Filipino family tayong lahat. And family comes first gago.
Congratulations ulit sa PDBF team. Apir sa Cobra energy drink sa pag-sponsor nila sa team. Apir sa Philippine Airlines sa pag-sponsor ng travel expenses ng team. At apir sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng 1 million pesos sa team.
Pasensya na kung naging rant ito, masarap lang talaga mang-gago ng mga napapahiya dahil sa kabobohan. Dapat maparusahan ang mga ganyang klaseng tanga. Bigyan ng tigli-limang hampas ng paddle mula sa bawat member ng Philippine Dragon Boat Federation team. Kahit sa muka lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post