Welcome to homophobic Philippines.
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Sa isang article ng Yahoo! Philippines tungkol kay Vice Ganda, lumabas sa comments ng mga readers na madami paring Pilipinong may lason sa utak pag dating sa pagtanggap sa mga bading. Bago natin umpisahan 'to, gusto muna naming sabihin na hindi kami fan ni Vice Ganda, at hindi ito pagtatanggol sa kanya.
Eto ang ilan lang sa mga comments na kumuha ng atensyon namin:
- "It is high time TV stations should think twice before glamorizing gay entertainers and TV hosts. They are now occupying majority time in the entertainment world in almost all TV stations. They send negative signals to our children. If you have noticed children in grade schools are already showing their 3rd sex preference. I don't intend to condemn gays but most perverts are gays. And they are hardly considered as good models for young children."
- "Sa lahat na ang pinaka-sinungaling sa mundo ay ang mga bakla....."
- "Dapat kasi hindi i-encourage ang mga bakla na magkaroon ng show kasi ang impact sa mga bata ay ginagaya nila ang kabadingan sa show. sa america walang show na ang host ay bakla, meron man pero straight yong kilos. nagpapaganda pa i vice pero ang bayag pala nya ay naka-hanging parang saging..ay hindi pala iniipit parang mapipisa na. Ito kasing MTRCB parang bulag. Ang bakla sa atin ay nagpro-propagate rapidly. They are not neglected but they must not host the show. Sa totoo lang I don't like vice ganda his way of making comedy because he is gay and his attitude in acting is " trying hard ". He has the attitude like Willie Revellame"
- "Di ko nga alam sa Pinas kung bakit pati bakla nilalagay sa pedestal, tuloy mga bata sa pinas daming bakla kalokah!"
- "langya ka Vice Ganda. ANong pakialam ko sa buhay mo? Dahil sa iyo, maraming bata ang lumalaking bading. Masyado malaki na ang ulo mo. Sa comedy bar ka na lang at wag na sa tv. Bad influence ka sa nakakarami. Ba't ba ang mga show sa tv kailangan may bading? Puede namang wala di b?"
Mga comment na walang basehan. Gusto naming bigyang pugay ang mga taong nag-comment nyang mga yan sa pamamagitan ng isang masigabong put*ng ina nyo. Madami pang anti-gay slurs ang pinutok ng mga tao don. May mga ayaw sa kilos ni Vice Ganda. May mga hindi gusto ang treatment nya sa ibang contestants sa show nila. At may mga nayayabangan sa kanya. Ang common denominator nila? Ang pagdurog sa pagiging bading ni Vice Ganda at ang pagiging bobo.
Nagiging punchline minsan dito sa MgaEpal.com ang kabadingan. Ang ok dyan, hindi pikon ang mga bading. Kahit minsan, wala kaming punchline na naglagay ng kabadingan sa pagiging mali. Kung matagal ka nang basahero dito, malamang nakita mo na din ang mga pabasa naming sumusuporta sa pagkakapantay-patay. Patas kami, pinagtitripan namin ang mga nakakatawang ugali mapabading, lalake, o babae. Hindi kami nagmamabait. Gago kami alam nyo yan, pero hindi mo naman kailangan maging mabait para maintindigan na ang mga karapatan nating mga straight ay hindi dapat bawasan kung bading, tibo, o bisexual ang pinag-uusapan. Bakit nila iniisip na dumadami ang mga batang bading dahil kay Vice Ganda? Put*ng ina ano yan uso? Mga gago.
Sinabi namin na hindi kami fan ni Vice Ganda. Totoo yan. Pero halimbawa lang na makasama namin sya sa casual na sitwasyon, kung anong pakitungo ang ilalatag nya, ganong pakitungo din ang kaya naming ibalik. Sa society natin na sobrang daming "moralistanga" na mali o kasalanan ang tingin sa pagiging bading, ang success na naabot ni Vice Ganda ay bagay na may respetong katapat. Madaming tao na pag tinanong mo kung ok lang ba na magkaron sila ng anak na bading, mabilis nilang isasagot ang "Hinde!" na may pahabol pang "gago ka ba?" dahil mali ang tingin nila sa pagiging bading. Kung kami ang tatanungin kung ok lang ba kung magkaron kami ng mga anak na bading, mabilis din na "Hinde." ang isasagot namin, hindi dahil mali ang tingin namin sa pagkabakla, kundi dahil sa takot na saktan sila ng mga tulad ng nag-iwan ng mga comment na yan. Welcome to homophobic Philippines.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post