Gusto naman namin magpasalamat sa mga nag-follow sa site na 'to. Pati na sa mga nag-follow kahit na hindi naman nila alam kung para saan yon. Thank you sa paghahanap ng panandaliang aliw dito. Sinubukan namin bisitahin isa-isa lahat ng "followers" bago mag-New Year kaso hindi kami umabot, tang*na andami pala. Hindi na namin isasama ang thank you note namen kay Lord dito, ire-rekta na namen sa Kanya yon.
Salamat ulit, galing sa aming apat. Gago na kung gago, pero seryosong appreciative kame sa suporta. Tama na, nanghiram lang kami ng konting attention sa New Year. Salamat sa mga bumati, bumabati, at babati. Happy New Year sa lahat.
Mas Epal: Gago, hindi ako naniniwala don!
Epal: Ulul, 'e ba't ka lumulundag?
Mas Epal: Uminom kasi ako ng gamot.
Epal: Ano ngayon?
Mas Epal: 'E nakalimutan ko kasi i-shake yung gamot bago ko inumin, shini-shake ko lang sa tiyan ko. Teka, konti na lang matatapos nako.
Epal: Oist.
Mas Epal: Baket?
Epal: Hindi ba bawal na gamot yung ininom mo?
-----------
Paki tago na lang ako sa pangalang Clifford. Isa akong pilot... ng barko. Alam kong hindi naman pilot ang tawag sa kapitan ng barko pero mas pogi kasi pakinggan ang pilot kesa kapitan. Sa loob ng isang taon, halos walong buwan akong nasa dagat. Dahil sa trabaho ko, kung saan-saang lugar na ako nakarating, tulad ng Tokyo sa Japan, Beijing sa China, Moscow sa Russia, Paris sa France, Nuuk sa Greenland, Warsaw sa Poland, Wellington sa New Zealand, Mickey's Toontown sa Disneyland, Amsterdam sa Holland, Los Angeles sa Lakers, at Bishkek sa Kyrgyzstan. Hindi ko nilalahat, pero may katotohanan sa pagiging playboy ng mga seaman na tulad ko. Ako mismo, amindo akong mahilig ako sa babae. Halos lahat ng lugar na mapuntahan ng barko namin, may natitikman akong chicks. Binigyan nga ako ng nickname ng mga katrabaho ko, tinatawag nila akong "Jake", wala lang, bagay lang daw sa muka ko ang pangalan na Jake.
Kahit malayo ako sa mga kamag-anak at kaibigan ko, masaya ako sa trabaho ko. Nakakapunta na ako sa iba't-ibang lugar, malaki pa ang sweldo. Madami na din akong naging kaibigan sa barko, kaya mabilis makalimot sa homesickness. May isa lang akong dilemma Kuya Chico. Binabangungot ako tuwing natutulog ako. Hindi ko makwento ang napapanaginipan ko sa mga katrabaho ko dahil baka mailang sila. Hindi ko alam kung baket Kuya Chico, pero lagi akong nananaginip na may kahalikan ako. Ok lang sana kung magandang babae ang kahalikan ko, kaso hinde. Kahalikan ko sa panaginip ko, si Gerald Anderson! Hindi ko alam kung baket, dahil hindi naman ako napopogian kay Gerald Anderson. Hindi naman sya panget pero baka hindi ko lang sya type dahil... lalake ako! Pinigilan ko nang matulog para hindi ko na mapanaginipan yon. Pero alam kong dadating ang oras na matatalo ako ng antok.
Nakaisip ako ng paraan para hindi na ako mamroblema sa panaginip kong yun. Naisip kong magiging bading na lang ako para maenjoy ko yung panaginip. Pero hindi pala madali maging bading Kuya Chico. Ginawa ko na ang mga bagay na makakatulong para maging bading ako. Nanood ako ng Project Runway, nag-interior design ako ng kwarto ko, naglagay ako ng pa-sweet na status sa facebook, nagsuot ako ng skinny jeans, naglaro pa nga ako ng volleyball. Pero kahit gatiting na kabadingan, hindi ko naramdaman. Sana ay mapayuhan mo ako kung pano maging ganap na bakla bago ako makatulog, dahil baka hindi na lang kiss ang gawin namin ni Gerald Anderson sa panaginip.
Lubos na gumagalang.
Clifford
Nakakaistorbo kasi sa pag-aaral ang cellphone. Tinulungan ka lang ng teacher mo.
Kung dating nakaka-distract ang telepono mo, ngayon magagamit mo na sya sa pag-aaral.
Meron ka nang bagong pencil case.
Floyd Mayweather Jr. In A Bucket
Madaming reklamo kay Gloria noon nung presidente sya, at kahit ngayon, tuloy ang pagkapikon ng mga tao sa kanya. Pero ang hindi maitatanggi, ay mautak ang pandak na yon. 14 sa justices ng Supreme Court ay pinusisyon don ni Arroyo nung presidente pa sya. Napaghandaan talaga nya ang future nya. Kaya kung akala ng iba noon na magiging mabilis ang pag-iimbistiga sa mga kakupalan ng nakaraang administration, well sorry na lang tayo, dahil sa ngayon, ahead parin sa "chess game" na 'to si Gloria. Ahead sya ng 14 moves.
Pag nangamoy tae sa classroom, at may gustong mang amoy ng pwet sa classroom para malaman kung sino ang tumae, sino lang ba ang aapila? Diba yung may tinatagong baho?
Fredo: Oo. Baket, may kilala kang magpapatherapy?
Elmer: Hindi, wala. May itatanong lang ako. Baka matulungan mo ako.
Fredo: Ano ba yon?
Elmer: Masakit kasi pag yumuyuko ako, sabay taas ng paa ko, tapos masakit din pag biglang tayo ko ulit ng diretso. Ano bang dapat kong gawin?
Fredo: Siraulo ka pala 'e. Edi wag mong gawin yung mga yon. Masakit na nagmumuka ka pang tanga.
Elmer: Baket ikaw, pano ka ba magpantalon? Gago ka pala 'e.
Wag mong husgahan ang isang grupo, religion, o lahi base sa ginawa ng isa o maliit na portion ng miyembro nito. Sa kahit anong samahan, pag sobrang lumaki at dumami ang kasali, dadating talaga sa punto na may magpapauso ng paniniwala na hindi naman katiwa-tiwala.
Siga: Akin na 'to! (Sabay lagok sa inumin ni Norman.)
Siga: Brad! Sorry na! Pinagti-tripan lang naman kita. Eto bibilhan na lang kita ng bagong inumin. Parang yan lang, iiyakan mo na. Kahit dalawang inumin pa ipalit ko para lang tumahan ka na!
Norman: Hindi naman yun yon 'e. Buong araw ako minalas. Nawalan ako ng trabaho kanina dahil pinalit sa posisyon ko yung anak nung boss ko. Nung pauwi na ako naubusan ako ng gasulina. Nung naglalakad ako para bumili ng gas, nakita kong pumasok ng motel yung asawa ko kasama yung best friend ko. Pag-uwi ko sa amin, naabutan kong nasusunog yung bahay namin. Nung papunta na ako dito sa bar, naholdap pa ako. Tapos ngayon, balak ko nang tapusin ang paghihirap ko ininom mo pa yung lason ko. Booyset na kamalasan naman talaga 'o.
Halos 7 billion ang tao sa mundo. Iba-ibang relihiyon, nagdadasal sa iisang God. Sa dami ng humihiling, sa dami ng nakikiusap, sa dami ng napakikinggan, sa dami ng humihingi ng tulong, baka pwede naman tayong magpagaan sa gawain Nya. Kung alam naman natin ang kagustuhan natin, simulan na natin yung mga maliliit na hakbang papunta sa katuparan ng mga kagustuhan na yan. Kahit sino naman, mas gaganahan tumulong sa nagkukusa. Tulungan mo Sya sa pagtulong sayo. Sayo ang bwelo, Sya ang tatakbo. Napapakinggan ka naman Nya, inaantay lang nyang makipagtulungan ka.
- Wag gagawa ng gawaing bahay para mapanatili ang lambot ng kamay.
- Wag papa-arawan ang mga kamay para magkaron ng pantay na kulay.
- Himas-himasin mo ang kamay mo habang nagsasalita ka.
- Gumamit ng psychotic pero malambing na tono pag nagsasalita.
- Maging feeling sikat.
- Magmuka kang retarded.
Mr. Melvin: Hello...
Nadine: Hello, pwede po kay Mr. Melvin
Mr. Melvin: Speaking. Sino 'to?
Nadine: Naghahanap po kasi ako ng manghuhula. Nakita ko kasi sa dyaryo yung number nyo.
Mr. Melvin: Hulaan ko... magpapahula ka!
Nadine: Ah eh oo nga ho.
Mr. Melvin: Ang galing ko talaga. Sige bago natin ituloy, bayad muna.
Nadine: Pano?
Mr. Melvin: May cell number ako sa dyaryo diba? Sendan moko ng load. 150 lang.
Nadine: Ok. Nasend na.
Mr. Melvin: Sige sisimulan na kitang hulaan. Anong pangalan mo.
Nadine: Nadine.
Mr. Melvin: Nadine, nase-sense ko na babae ka.
Nadine: Ha? Oho.
Mr. Melvin: Nararamdaman ko din na may kausap ka ngayon sa telepono. Tama ba?
Nadine: Yan na ba yung panghuhula nyo?
Mr. Melvin: Mag-antay ka. Warm-up lang yan. Ilang taon ka na?
Nadine: 24 years old.
Mr. Melvin: Ok... Nasesense ko na sa susunod na taon, magiging 25 years old ka.
Nadine: Seryoso ho ba kayo?
Mr. Melvin: Baket mali ba?
Nadine: Tama, pero...
Mr. Melvin: Shhhhh... may nakikita ako sa future mo... mabubuntis ka.
Nadine: Mabubuntis ako?
Mr. Melvin: Oo.
Nadine: Pano?!
Mr. Melvin: Syempre makikipagsex ka.
Nadine: 'E wala naman akong boyfriend.
Mr. Melvin: Wala ka bang balak mag-boyfriend?
Nadine: Meron naman.
Mr. Melvin: Yun naman pala 'e. Basta sa future, mabubuntis ka.
Nadine: Ano naman yung magiging anak namin?
Mr. Melvin: Baby.
Nadine: Mr. Melvin niloloko nyo ba ako?
Mr. Melvin: Hinde. Baby talaga. Gusto mo bang malaman kung ano ang magiging una mong anak?
Nadine: Ah sige-sige...
Mr. Melvin: Hmmmm... sa nakikita ko sa kapalaran mo, ang una mong anak... ay isang... panganay.
"click!"
Mr. Melvin: Hello.... hello! Gago yun bastos ah. Hmmm... nasesense ko na may nanloko kay Nadine. Gwapo yung nanloko sa kanya, medyo may edad na pero cute, may boyish charms, at mahilig magsalita kahit walang kausap. Tang *na kailangan ko ng kaibigan. Booyset.
Nung unang panahon, sa panahon na nauna, may isang haring may sakit. Malubha na ang sakit nya kaya kinailangan nyang mamili ng papalit sa kanya bilang hari. Pinatawag nya ang tatlong anak nyang prinsipe. Si prinsipe Jobert, prinsipe Romy, at prinsipe Bobby.
Hari: Mga anak, kailangan ko nang mamili ng isa sa inyo. Lahat kayo ay matapang, pero nanjan ang mga kawal para sa katapangan ng kaharian. Lahat kayo ay eksperto sa pakikipaglaban ngunit nariyan din ang mga mandirigma natin para lumaban para sa kaharian. Ang isang tunay na hari ay katalinuhan ang dapat pinanghahawakan. May isa lang akong katanungan, at kung sino man ang makakapagpatunay na ang sagot nya ang tama, yun ang hihiranging bagong hari. Game na?
prinsipe Jobert: Game na po amang hari.
prinsipe Romy: Ang kagustuhan nyo po ang masusunod..
prinsipe Bobby: Handa na po kami.
Hari: Anong parte ng katawan nyo ang pinaka matalas?
prinsipe Romy: Utak ko po!
Hari: Wait for your turn. Si prinsipe Jobert muna.
prinsipe Jobert: Ahhh... utak ko po ang pinaka matalas na parte ng katawan ko.
Hari: Baket?
prinsipe Jobert: Sapagkat kakaiba po ako mag-isip, at naiisip ko ang hindi naiisip ng iba.
Hari: Kakaiba ka mag-isip, pero ninakaw mo ang sagot ni prinsipe Romy? I give you 7 points out of 10. Ikaw prinsipe Romy, ano ang pinaka matalas na parte ng katawan mo?
prinsipe Romy: Ang aking feelings. Matalas ang pandama ko ama.
Hari: Baket?
prinsipe Romy: Dahil nadarama ko ang hinaing ng iba. Maunawain po ako at maalaga.
Hari: Magandang katangian yan prinsipe Romy... kung prinsesa ka. Pwede kang maging Reyna kung gusto mo. I give you 8.5 points out of 10. Prinsipe Bobby, ano ang pinaka matalas na bahagi ng katawan mo?
prinsipe Bobby: Pwet ko po, amang hari.
Hari: Ha? Baket??? Kaya ba ng pwet mo mag-isip tulad ng utak ni prinsipe Jobert?! Kaya ba ng pwet mo makadama tulad ng napaka sensitive na feelings ni prinsipe Romy?!!
prinsipe Bobby: Hindi po ama.
Hari: Pwes baket mo nasabing pinaka matalas na parte ng katawan mo ang pwet mo?
prinsipe Bobby: Baket? Kaya ba ng utak at feelings nila pumutol ng tae?
Last Christmas, I gave you my heart
But the very next day you gave it away
This year, to save me from tears
Aabangan kita sa kanto, titiradurin kita ng holen, babatuhin kita ng calculator, sasampalin kita ng makapal na notebook, iihian ko gate nyo, ipapakulam kita, nanakawin ko side mirror mo and I'll give it to someone special.
Bihira: Seldom, Scarce, Rare
Pambihira: Extraordinary, Surprising, Special
"Bihira ang mga kaibigan na sasabayan ka sa pagluha. Pambihira ang mga kaibigan na kayang pahintuin ang pagluha mo." -MgaEpal.com
Epal: Oist? Anong ginagawa mo dito?
Mas Epal: Inaantay ka. Kanina pako dito, san ka ba galing?
Epal: Nag-jogging.
Mas Epal: Naks naman haha. Healthy ka na?
Epal: Tara pasok muna tayo. Nauuhaw nako.
Mas Epal: So ba't ka nga nagpapaka-healthy? Pa-jogging-jogging ka pa, cool ba yan?
Epal: Gago, gusto ko lang lumabas yung mga dumi sa katawan ko.
Mas Epal: Edi tumae ka.
Epal: Nagde-detox ako. Hindi muna ako kakain ng karne. Puro gulay, prutas. Wala ding prito.
Mas Epal: Anong pupulutanin mo pag nag-iinuman? Carrots?
Epal: Tanga, wala din munang inom. Hindi muna ako totoma.
Mas Epal: Kalokohan. Malungkot pala magdetox.
Epal: May nabasa kasi ako. Kahit pala pakonti-konti lang ang pag-consume mo ng macolesterol at alak, naiipon pala sa katawan yan. Eto basahin mo.
Mas Epal: Ano ba 'to?
Epal: Health magazine. Binigay lang ng ermat ko.
Mas Epal: Kaya pala na-isip mo magpaka-healthy 'no? Nakalagay dito, pwedeng bigla ka na lang mag-collapse pag sobra na ang naipon na toxins sa katawan mo. Kahit wala kang history ng hypertension pwede din bigla ka na lang atakihin sa puso.
Epal: Oo, natakot nga ako 'e. Kaya kung ako sayo, mag-detox ka na rin. kahit every ther month lang. One week pwede na siguro yon.
Mas Epal: Kahit daw mga bata-bata pa pwedeng ma-stroke! Iiwas na nga ako.
Epal: So hindi ka na muna iinom? Kaya mong hindi kumain ng taba?
Mas Epal: Hinde 'no!
Epal: Sabi mo iiwas ka na???
Mas Epal: Oo nga. Simula ngayon, hindi nako magbabasa.
Kung sa Pilipinas nagkaron ng dumadakdak na 11 year old, pinatingin na sa albularyo yan.
Pinakawalan na si Hubert Webb pagtapos nyang makulong ng more or less, 15 years. Wala daw enough evidence para bagasakan sya ng guilty verdict. Dinismiss na din ang kaso ni Hyden Kho. Sabi kasi ng korte, alam DAW ni Katrina Halili na naka-record ang camera habang "naglalaro" sila. Sa Kaso ni Hubert, walang malakas na ebidensya na may kasalanan sya, pero dahil winala yung wala ebidensyang magpapatunay DAW na hindi sya guilty, mahirap parin syang i-eliminate as suspect. Hindi na mababalik ang panahon na nawala sa kanya (Kung totoong inosente sya) Mas mahirap na din patunayan kung guilty sya dahil dahil masyado nang madami ang taon na dumaan. Yung kay Hyden naman, hindi mo pwedeng sabihin na walang ebidensya dahil napanuod mo mismo yon (Wag ka nang mag-deny gago). Sabi ng attorney ni Katrina (Na napanuod din ang video) sa mga naunang statement DAW, sinabi ni Hyden na hindi alam ni Katrina na may camera. Bumwelta lang daw si Hyden para sabihin na may consent ni Katrina ang pagrerecord.
Dalawang celebrated cases yan. Dalawang high profile na tao ang napawalang sala. Nagkataon lang ba na ginawa nila yang "pagpapawalang sala" kung kelan malapit na ang pasko at mas "forgiving" ang mga tao? Sa ngayon mukang magiging masaya ang Pasko ni Hubert at Hyden. Pwedeng mag-date 'tong dalawang 'to para i-celebrate ang "freedom" nila. Pakawalan na din natin yung mga "Ampatuan" para Christmas party silang lahat.
3:47pm... Nakatambay ang mga preso sa activity room ng bilibid...
Tonyo: Boring naman.
Gaston: May bisita yata si warden kaya pinapunta lahat ng inmates dito.
Brando: Para itago tayo sa bisita nya? Wala pala si warden, kinakahiya tayo 'e.
Delfin: Na-hurt ka? hahaha!
Brando: Slight lang. Gago!
Tonyo: Wala namang magawa dito 'e. Hindi pa pwede magyosi.
Gaston: Hindi ka naman nagyoyosi 'a.
Tonyo: Sinasabi ko lang na hindi pa pwede magyosi.
Mang Pancho: Walang hindi pwede gawin dito sa loob kung marunong kang dumiskarte.
Brando: Kilala nyo ba yan?
Gaston: Kami ba kausap nyo manong?
Mang Pancho: Oo. Narinig ko kasi yung sabi nung kasama nyong mukang tanga, na hindi pwede magyosi kahit hindi naman sya nagyoyosi.
Tonyo: Ah hindi manong, ako yung nagsabi non, hindi si Delfin.
Mang Pancho: Ikaw nga.
Tonyo: Ah ok, sabi nyo kasi yung mukang tanga. Akala ko si Delf...
Delfin: Tangina ang tibay naman ng muka mo. Kung hindi lang ako naco-curious kung sino 'tong matandang 'to, pinatulan na kita. Sino ka ba tanda?
Mang Pancho: Ako nga pala si Pancholo Makalinta. Mang Pancho na lang mga iho.
Brando: Mang Pancho, ano ho bang ibig nyong sabihin na walang bawal dito sa loob sa marunong dumiskarte?
Mang Pancho: Walang hindi pwedeng gawin dito kung maparaan ka. Halimbawa yung paninigarilyo dito sa loob ng common area. Hahanap ka lang ng pamaypay, tatabi ka sa may bintana at dun ka magsisindi. Ipaypay mo lang palabas ang usok. Kung may makaamoy na jail guard, kailangan mo lang maghanda ng extrang yosi. I-aalok mo lang yan. Sa tagal ko dito sa loob, halos lahat ng bagay, nadidiskartehan ko na.
Gaston: Gano katagal ka na ba dito sa bilibid?
Mang Pancho: higit sa 42 years na ako dito.
Delfin: Gano katagal ba ang sintensya mo tanda?
Mang Pancho: 35 na taon.
Brando: Ha?! 'E laya ka na dapat 'a!
Tonyo: Oo nga! Lampas ka na sa sintensya mo! Lampas ka na ng.... lampas ka na ng... 42 minus 35?
Delfin: Ba't nandito ka pa?
Gaston: Oo nga, ba't hindi pa kayo nakakalaya Mang Pancho?
Tonyo: Huy! 42 minus 35?
Mang Pancho: Sabi ko nga sa inyo, sa tagal ko dito nadiskartehan ko na halos lahat. Kumportable na ako dito. Halos kalahati ng buhay ko dito ako. Mas hindi ko na alam ang diskarte sa labas.
Gaston: Wala ba kayong kamag-anak?
Delfin: Tsaka mga kaibigan na gustong makita?
Tonyo: 'O kaya pets na kailangan alagaan?
Brando: Oo tonyo, may pets sya na hindi na nya naaalagaan for 42 years.
Delfin: Alam nyo ba na nagpapakahirap kaming apat para makatakas dito? Tapos ikaw na pwedeng-pwede na lumabas, ayaw mo?
Mang Pancho: Sige para mas maliwanagan kayo...
Tonyo: Panong wag sikipan Mang Pancho? Bale pag umire ka, mas hindi masakit yon?
Sorry dahil hindi namin mapigilan magalit minsan. Alam namin na mali magalit sa kapwa, kaya nakikiusap po kami na pahabain nyo ang pasensya namin. O kaya gawin nyo pong invisible ang mga emo.
Kristine: Tanggalin mo blouse ko...
Mario: Yung bra mo?
Kristine: Tanggalin mo din.
Mario: Ok.
Kristine: Tanggalin mo na din palda ko!
Mario: Sige...
Kristine: Hubarin mo pati panty ko!
Mario: Ok, ok...
Kristine: Sa susunod na mahuli kitang suot mo ang mga damit ko hihiwalayan na talaga kita gago!
The world is on Christmas feast on the 25th of December
But in our homeland we begin Christmas in September
We shop for ourselves when we get our Christmas bonus tips
Then we buy something cheaper for our office party "exchange gifts"
We are happy people, but happier on a Holiday
Because we don't have to work, but we still get the pay
Christmas is spending season for Filipinos, you see
We buy things we don't need, even if we don't have much money
Shopping malls are packed, so always guard your pocket
While we shop for gifts, others try to steals our wallet
Malls play music and we can enjoy Christmas songs while we shop
But after two hours we just want them to fuc*ing stop
Kids on the streets are in groups and caroling
Sometimes we give them coins just to make them stop singing
This is not a good Christmas poem, but remember our motto
Because this is a Christmas gift, so it's the thought that counts gago
-MgaEpal.com
Kabit: Sexy. Siguradong hindi naka-wig.
Epal: Ano na naman yang mga yan?
Mas Epal: Mga souvenir galing sa 2nd K-POP convention.
Epal: Pumunta ka don?!
Mas Epal: Oo.
Epal: Gay-POP ka pala 'e.
Mas Epal: Ang pinunta ko dun, yung mga chicks. Daming naka-costume na sexy. Mukang masarap.
Epal: Hindi nga?
Mas Epal: Oo. Ganda pa nung K-POP group na babae. Hindi ko lang maalala kung anog grupo yung mga yon, basta sexy.
Epal: Wala, basta kadiri ka.
Mas Epal: Nakakuha naman sila ng 500,000 pesos na ibibigay sa charity. Sa Gawad Kalinga.
Epal: 500,000 pesos??? Tangina, dami palang mahilig jan sa gay-pop na yan.
Mas Epal: Oo. Kahit ikaw, gusto mo din naman yan 'e.
Epal: Gago ka ba?!
Mas Epal: Ayaw mo ba sa mga Korean?
Epal: Hindi naman.
Mas Epal: So gusto mo yung mga Korean?
Epal: Siguro, basta sexy na Koryana. Pwede, oo sige. Ano ngayon?
Mas Epal: Gusto mo din ng pop music diba?
Epal: Oo.
Mas Epal: Kung gusto mo ng Korean at gusto mo ng POP... Gusto mo ng K-POP.
Epal: Bawiin mo yan... Tangina mo seryoso ako, bawiin mo!
Mama: Putik na kabahuan naman yan! Baket ba ang lalakas ng amoy ng mga pawis nyo?!
Jefferson: Nagbasketball po kasi kami kanina mama.
Onin: Panalo kami kahit mas malalaki yung kalaban namin ma. Nanalo kami ni kuya dahil sa hard work!
Mama: Oo na panalo na kung panalo. Pero mga anak naman, utang na loob, wag na kayo magbabad sa amoy ng hard work nyo! Magluluto na ako, at dapat bago maghapunan nakapagpalit na kayo ng suot.
Onin: Ma, luto na ba?
Jefferson: Gutom nako!
Mama: Hoy! Lintik na mga batang baho! Sinabi kong magpalit kayo bago maghapunan diba?!
Jefferson: Mama naman, nagpalit na kami.
Onin: Oo nga mama. Ako yung nakablue kanina, kay kuya 'tong yellow na t-shirt, mejo maluwag nga saken pero ok lang.
Mama: Paluin ko na ba kayo ngayon, o pagkatapos na lang kumain?
Sobrang buting kaibigan daw nya si Gayle at nalulungkot lang daw sya dahil may mga hindi naniniwala na hindi sya tomboy. Sila parin naman daw ng longtime life partner nya na lalake kung tomboy daw sya, hindi naman daw nya itatago.
Wala namang masama kung tomboy si Oprah. Marami parin naman siguro ang manunood ng palabas nya kahit nagkaganon. Kay Ellen nga, madami namang nanunuod, at alam ng mga tao na tomboy sya. Nasa modern society na tayo na tanggap na ang 3rd sex. Pero sabi nga ni Oprah, nalungkot lang sya dahil may mga hindi naniniwala sa sinabi nyang hindi sya lesbian. Hindi nya siguro matanggap na may sinabi sya at may mga hindi naniwala, dahil sa loob ng ilang libong taon, ang salita ni Oprah ay "batas" para sa mga fans nya. Napagkamalan lang siguro na lesbians si Oprah at ang best friend nya dahil Gayle King ang pangalan ng kaibigan nya... GAYle na tapos King pa, dapat Queen. Pero seryoso, sa tingin namin hindi tomboy si Oprah, muka lang syang lalake.
piture ng all mighty oprah hugot dito
Anong lugar ang paborito ng mga bading?
Ano?
"Olong-gwapo".
Anong lugar naman ang paborito ng mga lalake?
Ano?
China.
Baket?
Dahil madaming inCHICKS.
Pampagising activity ng mga sosyal na teachers:
Pampagising activity ng mga holdaper:
Binibienta daw nung Italian Model na si Raffaella Fico ang virginity nya. Murang-mura, 1.5 million dollars. Kung ikaw ang nanalo nung 741.2 million pesos Grand Lotto Jackpot nung nakaraan, aba 'e 11 na beses mo pwedeng bilihin ang virginity ni Rafella Fico. Hindi naman unang beses may nagbenta ng virginity nila ng ganyan kamahal. Sa ebay noon nabalita na may umabot din ng milyon ang offer para sa virginity ng isang babaeng nagpa-bid kung sinong unang makakalaro nya sa kama (or sa sofa, o kaya sa sahig, pwede din sa kotche)
Habang nakikibalita sa kung saan-saan, napadaan kami sa Yahoo! Philippines at nakita namin ang isang pabasa. " CelebriTweets: Tuesday is gym day." ang title so malamang tungkol sa mga tweets yon nung Tuesday ng mga celebrity, at tungkol sa gym sessions nila. Eto yang mga yan...
Michelle Madrigal - @Mitch_Madrigal
"oh my sakit ng legs ko from the workout yesterday! but i dnt mind doin it again =) strong body + strong mind=strong women"
JC Tiuseco - @jctiuseco
"Super gym today!"
Guji Lorenzana - @GujiLorenzana
"Had a good brunch. Tulog ako ulit. Tapos gym mga 3pm."
Maggie Wilson - @nosliweiggam
"My legs are beat.. My trainer killed me at the gym! Hahaha!"
Bubbles Paraiso - @bubblesparaiso
"ouchie body thanks to forma! haha had fun working out last nite w the girls mitch, ehra, nicole, sos, madz, iya :) it was open level so OUCH"
Jon Avila - @jon_avila
"Nakita ko si @erickcsalud sa gym.ang sipag!! Hindi naman sya kailangan mag gym dahil ang sexy nya hahaha"
---------
Kahit huli na, at dahil gusto naming maimpluwensyahan ang mga kabataan na magpapawis...
MgaEpal.com - @MgaEpal
"Oh golly lets go to the gym na. Like you know, to be muscular and so we can tweet our gym happiness. Let's be physically fit, physically fit, physically, physically, physically fit, you like to move it, move it. Because you know naman, that the gym will make you hard. So hard. You know what they say diba? Hard body + Hard mind + Hard spirit ÷ Hard work x Hardcore - Hard nipples = Hard men"
inspirasyon hugot dito
Kaya daw pinagbawal ang pagbati ng "Merry Christmas", dahil baka isipin daw ng mga tao na humihingi ng "regalo" ang mga immigration officers. Naging diskarte daw kasi ito ng ibang officials sa nakaraan.
Mr. Ronaldo Ledesma, baka pwede namang turuan yang mga officers na yan na tanggihan ang mga iaabot na "regalo/aginaldo" kung meron man. Kung kaya nyong mag-utos na wag bumati ng "Merry Christmas" para hindi mapagkamalang humihingi ng "regalo/aginaldo/pampadulas" aba 'e baka kaya nyo din mag-utos na wag sila tumanggap ng "suhol/lagay/aginaldo/pampadulas/regalo". Sabihin nyo na tanggihan nila kung may mag-abot man. Mababaitan pa ang mga tao sa kanila. Pwede din namang maglagay ng sign na "Thank you for your thoughts but our officials are not allowed to accept gifts. Thank you, and Merry Christmas". Suggestion lang naman namin 'to,sana pag-sipan nyo dahil may mga tao kasi na simpleng pamaskong pagbati lang, gumagaan na ang loob nila. Nakakapag-pasaya na sakanila minsan yon. Mr. Ronaldo Ledesma, binabati namin kayo ng advance Merry Christmas. At hindi kami humihingi ng advance "suhol/lagay/aginaldo/pampadulas/regalo/bribe/pamasko/tulong/reward/bayad".
- Mag-antay kang magkaron ng kapangalan na terorista.
- Humanap ka ng MGA BOBONG PULIS na huhuli sayo ng walang dahilan at walang basehan kundi dahil kapangalan mo nga lang ang isang terorista.
- Tiisin mo ang mga torture na gagawin nila sayo.
- Antayin mong masira ang buhay mo at ng mga kamag-anak mo dahil sa sobrang bagal ng pagproseso ng kaso mo..
- After ng halos 3 years ng pagkakakulong, pwede ka nang magkaron ng 470 million pesos.
Basahin ang isang success story [DITO]
Nung nakaraan, tinalo ng Azkals (Philippine footbal team representative) ang Vietnam team sa ASEAN Football Federation, at naging leading sa group B ang Pilipinas. Magandang balita dapat yan na nakakapasaya kung hindi lang kupal ang coach ng Vietnam na si Henrique Calisto. Sinabi nung talunang coach na yan na hindi appropriate ang sistemang ginawa ng coach ng Pilipinas na si Simon McMenemy. Pinapalabas din nya na mahina ang diskarte ng Philippine team sa football. 'E topak pala sya, tinalo nga ng Philippine team ang team nya. Defendeng champion ang Vietnam, kaya nga nagulat din si Simon McMenemy nung natapos ang laro na may score ng 0-2 (Bida ang Pilipinas.) May mga referee at ASEAN Football Federation officials naman na may karapatang magsabi kung hindi appropriate ang ginagawa ng Pilipinas. Sobrang na-upset lang ang coach ng Vietnam dahil sa magandang dipensa sila nadiskartehan, at sa harap ng 40,000 na Vietnamese sila natalo dahil sa Vietnam ginawa ang laban. Kung sa pagpapakita na lang ng RESPETO, kupal talaga 'tong si Henrique Calisto dahil pagkatapos ng match tinanggihan nyang makipag-shake hands kay McMenemy, at humirit pa ng "I won't shake your hands, You're not a fair play guy," Ano ka, bata?
Alam naman namin na sobrang napikon ka lang Vietnam coach Henrique Calisto, dahil, nasa inyo ang home-court advantage, kayo ang defending champions, pero napahiya kayo sa 40,000 fans nyo na nanuod sa football stadium. Tapos hindi mo pa naiintindihan 'tong pinagsasasabi namin. Sucks to be you gago.
Congratulations sa Askals para sa panalo nila laban sa Vietnam. Kahit hindi kayo ang magchampion, ok na na natalo nyo ang defending champion. Para kay Vietnam coach Henrique Calisto, may joke kami para sayo na hinugot sa "Catch Me If You Can"
MgaEpal.com: Konck-knock...
Henrique Calisto: Who's there?
MgaEpal.com: Go fuck yourself.