All is fair in love and war.

By mgaepals on 08:03

Filed Under:

 Market Market Scandal

 

Mahirap humusga base sa isang video lang. May mga nagsasabi na mali ang ginawa nung misis dahil iskandalo ang ginawa nya. May mga kumakampi din sa "kabit" dahil maputi sya (tang*na ang babaw). Pero kung sa mas hinimay na basehan, kailangan hugutin ang ugat. Nambabae si mister, dahil ba may pagkukulang si misis. Sinubukan bang ayusin ni mister o kausapin ni mister yung asawa nya kung may pagkukulang man yon. Kung hindi nya sinubukang ayusin ang relasyon nila, gago sya. Kung sinubukan nang ayusin ni mister pero hindi nagbago si misis gaga sya. Sa "kabit" naman, alam ba nyang may asawa na yung lalake? Kung hindi nya alam, wala syang kasalanan. Pero kung alam nyang may asawa na at pinatulan parin nya yung lalake, karapatdapat talaga syang masabunutan, at masipa sa muka ni misis. Pero kung base lang sa video, eto yan...

Misis: Galit. Malakas ang grip. Magaling mang-hunting.

Mister: Supot. Walang nagawa. Inutil. Bobo magtago ng baho.

Security Guards: Hindi naturuan kung ano ang dapat gawin sa ganyang sitwasyon.

Kumuha ng video: Tunay na kaibigan. Epal.

Kabit: Sexy. Siguradong hindi naka-wig.

0 comments for this post

Post a Comment