Boy Honest

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Boyet: Boy, may nililigawan kasi ako ngayon. Baka pwede makahingi ng payo sayo.

Boy Honest: Ayoko.

Boyet: Ganito kasi yon. Alam ko namang hindi ako gwapo...

Boy Honest: Panget ka 'e.

Boyet: Oo nga. Pero gusto ko talaga yung nililigawan ko ngayon. Ano bang pwede kong gawin para mapasakin sya?

Boy Honest: Sabihin mo mayaman ka. Yayain mong magpakasal. Pero bago mo yayaing magpakasal, sabihin mong malapit ka nang mamatay at sakanya mapupunta lahat ng pera mo.

Boyet: Ayoko naman ng ganon. Ayokong magsinungaling.

Boy Honest: Sige ganito. Magpayaman ka. Tapos yayain mo syang magpakasal. Sabihin mong marami kang pera, malapit ka nang mamatay, at sakanya mapupunta lahat ng kayamanan mo pag namatay ka na. Pag mag-asawa na kayo, magpakamatay ka.

Boyet: Ba't ka ba ganyan?

0 comments for this post

Post a Comment