Double Standard Malas

By mgaepals on 08:03

Filed Under:

Pumasok si Norman sa isang bar. Umupo sa isang sulok at tahimik na tinitigan ang inumin nya. Halos 20 minutes na syang tulala sa inumin nya nang biglang may pumasok na siga. 

Siga: Akin na 'to! (Sabay lagok sa inumin ni Norman.)

Biglang umiyak si Norman.

Siga: Brad! Sorry na! Pinagti-tripan lang naman kita. Eto bibilhan na lang kita ng bagong inumin. Parang yan lang, iiyakan mo na. Kahit dalawang inumin pa ipalit ko para lang tumahan ka na!

Norman: Hindi naman yun yon 'e. Buong araw ako minalas. Nawalan ako ng trabaho kanina dahil pinalit sa posisyon ko yung anak nung boss ko. Nung pauwi na ako naubusan ako ng gasulina. Nung naglalakad ako para bumili ng gas, nakita kong pumasok ng motel yung asawa ko kasama yung best friend ko. Pag-uwi ko sa amin, naabutan kong nasusunog yung bahay namin. Nung papunta na ako dito sa bar, naholdap pa ako. Tapos ngayon, balak ko nang tapusin ang paghihirap ko ininom mo pa yung lason ko. Booyset na kamalasan naman talaga 'o.

0 comments for this post

Post a Comment