"O" you're, odorable. "B" you're so bahoful...

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Mama: Putik na kabahuan naman yan! Baket ba ang lalakas ng amoy ng mga pawis nyo?!

Jefferson: Nagbasketball po kasi kami kanina mama.

Onin: Panalo kami kahit mas malalaki yung kalaban namin ma. Nanalo kami ni kuya dahil sa hard work!

Mama: Oo na panalo na kung panalo. Pero mga anak naman, utang na loob, wag na kayo magbabad sa amoy ng hard work nyo! Magluluto na ako, at dapat bago maghapunan nakapagpalit na kayo ng suot.

After 45 minutes...


Onin: Ma, luto na ba?

Jefferson: Gutom nako!

Mama: Hoy! Lintik na mga batang baho! Sinabi kong magpalit kayo bago maghapunan diba?!

Jefferson: Mama naman, nagpalit na kami.

Onin: Oo nga mama. Ako yung nakablue kanina,  kay kuya 'tong yellow na t-shirt, mejo maluwag nga saken pero ok lang.

Mama: Paluin ko na ba kayo ngayon, o pagkatapos na lang kumain?

0 comments for this post

Post a Comment