Tanong sa Tip Box: Napanood nyo ba yun coverage ng NBA finals sa ABS-CBN? Eto matagal ko nang napapansin, pag kino-cover nila NBA, nagtatagalog sila, kapag PBA naman, todo sila kung maka-english, kaya pangit na manood ng PBA, wala na yung mga katagang "Patay ang butiki!" "Natutulog sa pansitan." atbp.
MgaEpal.com Authors: Naisip din namin yan noon. Medyo nakaka-irita nga ang irony na yan. Pero kung titingnan natin sa "business side" ng mga networks, dinidiskartehan lang nila ang viewership.
May english coverage na pwedeng mapanood yung mga naka-upgrade ng cable nila sa BTV at NBA channel.. Kung english din ang gagawing NBA Finals coverage ng ABS-CBN, hindi sila nagbibigay ng alternative option non. Isa pa, sa ABS-CBN nakatutok yung mga hindi upgraded ang cable o walang cable. Masa yon, at syempre pag masa, tagalog.
Sa PBA naman ngayon, yung mga producto, services, at establishments na lumalabas sa commercials nila, halos puro para sa middle class hanggang sa sosyal. Automatic na sa masa na manood ng PBA, kaya ang gustong hatakin ng PBA, yung mga medyo nasa upper class naman, para madagdagan ang viewership. Pero agree kami na nakaka-miss marinig yung mga hirit na "Patay ang butiki!" at "Natulog sa pansitan.". Kaya gusto sana naming i-suggest sa PBA ngayon na kung pwede, 'e gamitin parin nila yang mga hirit na yan... kahit in english.

"The lizard is dead!"
Meron na namang babae na sumisikat dahil kamuka nya si Justin Bieber.
Hindi lang yon. Kumakanta din sya.
Full Version of the song:
Hindi yan ang unang beses na may babaeng napag-usapan at sumikat dahil lang kamuka nya si Justin Bieber. Nagkaron na noon ng balita na may babaeng SOBRANG KAMUKA ni Bieber. Chikas pa.
Sa mga lalakeng unang beses pa lang nakita ang picture na yan, wag kayong mag-alala kung hindi nyo ma-explain ang nararamdaman nyo ngayon. Hindi naman talaga normal magandahan ka sa babae habang nangdidiri ka. Parang nung nanood ka lang nyan ng "2 girls one cup".
Warning: Isang beses lang panoorin kung ayaw mong magkaron ng diabetes.
sinuka ni shredderx2 sa Tip Box
Buti na lang may pader.
Badtrip naman kasi kung rumaragasang truck ang gumising sayo.
tinakbo ni ruskarjid sa Tip Box.
Jessica: Mare order ka pa ng drinks.
Shirley: Mare tama na, lasing ka na.
Jessica: Mars kung ayaw mo, ako na lang ang iinom. Mukang ikaw ang lasing na 'e.
Shirley: Mare hindi ako lasing, ikaw ang lasing. Tingnan mo nga yang mata mo, pulang-pula na.
Jessica: Gaga, ganyan talaga kulay ng mata ko.
Shirley: Mars matagal na tayong magkakilala. Alam kong hindi pula ang natural na kulay ng mata mo. Lasing ka na.
Jessica: Mars ikaw ang lasing. Dati pa pula ang mata ko. Kahit tingnan mo pa sa mga picture ko.
Shirley: Pahiram nga ng cellphone mo. Patingin ng mga pictures mo dyan.
Jessica: Sige... (Nilabas ang compact mirror galing sa bag.) 'O etong picture ko na 'to pula yung mata ko dito 'o.
Shirley: Patingin nga...
Jessica: 'O ayan. (Sabay abot ng compact mirror)
Shirley: Hahaha! Ano ka ba mare, lasing ka na talaga.
Jessica: Baket?
Shirley: Picture ko 'to 'e.

Alam ng karamihan ang pinagmulan ng expression na "susmaryosep!" Pero para sa mga kawawang hindi alam at hindi man lang nagtaka kung saan hugot yan, galing yan sa Hesus, Maria, at Joseph o collectively known as the "The Holy Family".
Madalas maririnig mo yang "susmaryosep" sa mga may edad na. Lalo na pag nagulat o na-shock sila. Yan ang version nila ng "OMG!"
Kung shortcut ng Hesus, Maria, at Joseph ang susmaryosep, pwede din bang gamitin ang expression na "Holy family!"? as an expression?
Alam mo ba na ang pangalan ng Vice President natin ngayon ay hugot din sa holy family. Sige isipin mo... Jejomar Binay. Je = Jesus, Jo = Joseph, at Mar = Mary (Naks may pangbida ka na naman sa mga kaklase mo.)
So kung susmaryosep = holy family
at Jejomar = holy family din,
pwede din bang substitute sa susmaryosep ang Jejomar?

Halimbawa:
1) "Holy family kang bata ka, akala ko kung ano nang nangyare sayo. San ka ba nagpupupunta?"
2) "Holy family! Nagulat naman ako sayo. Ano bang ginagawa mo dyan sa taas ng puno?!"
Alam mo ba na ang pangalan ng Vice President natin ngayon ay hugot din sa holy family. Sige isipin mo... Jejomar Binay. Je = Jesus, Jo = Joseph, at Mar = Mary (Naks may pangbida ka na naman sa mga kaklase mo.)
So kung susmaryosep = holy family
at Jejomar = holy family din,
pwede din bang substitute sa susmaryosep ang Jejomar?
"Jejomar kang bata ka! Baket nakahubad ka na naman?!"
boyscout hugot dito
Last month, pinasa ni Cyiell sa Tip Box ang balita na may mag-asawa sa Jerusalem na pinangalanan ang anak nila ng "Like". Nakuha daw nung mag-asawa ang inspirasyon para sa pangalan ng anak nila sa Facebook.
Hindi namin pinansin ang balita na yan non dahil kung tutuusin madami namang taong mas malabo pa ang pangalan. Tulad ng "Goldenpalacedotcom Silverman", na binayaran nung casino ang mga magulang para binyagan nila ng ganyang pangalan ang anak nila. Meron ding pinangalanan ng "Metalica", dahil idol ng tatay nung bata yung bandang... well hulaan mo kung anong band sige. Syempre nandyan si "Joker Arroyo". Hindi namin alam kung baket yan ang pangalan nya, dahil sa totoo lang hindi sya nakakatawa... pwera na lang kung titingnan mo sya. May mag-asawa din na pinangalan ang anak nila ng "Brfxxccxxmnpcccclllmmnprxvclmnckssqlbb11116". Ginawa yan ng mga magulang ng bata dahil gusto nila iprotesta ang batas sa Sweden na nagsasabing bawal mo bigyan ng kalokohang pangalan ang anak mo. At nandyan din ang pangalang "Froilan". Wala, nalalabuan lang talaga kami sa pangalang Froilan.
Pero kung ibabase mo sa Facebook ang magiging pangalan ng anak mo, pumili ka na ng iba kesa sa "Like". Baket hindi na lang "Share". Maaliwalas at mukang mapagbigay.
O kaya "Friend". Para warm and friendly.
At dahil Facebook ang inspirasyon, baket hindi na lang "Wall". Matibay, matatag at masasandalan.
Hmmm... kung sa Pilipinas wag na lang siguro "Poke". Alam naman natin kung pano bibigkasin yan ng iba.

"Hi I'm Share, would you like some pie?"
O kaya "Friend". Para warm and friendly.
"Hello. My name is Friend. How do you do?"
At dahil Facebook ang inspirasyon, baket hindi na lang "Wall". Matibay, matatag at masasandalan.
"Hey there, I'm Wall. If there's anything you need, just let me know."
Pwede ding "Poke". Simple at cute.
"Hi I'm Poke. Please come in."
Hmmm... kung sa Pilipinas wag na lang siguro "Poke". Alam naman natin kung pano bibigkasin yan ng iba.
"Hi I'm Poke, Please come in."
Wala hindi talaga pwede sa Pilipinas.
Subscribe to:
Posts (Atom)