Ang daming nagtimbre nito sa amin. Halos 3 weeks na, na may mga nagpapadala nito at humihingi ng pabor na kung pwede ikalat namin ito para makatulong daw sa paghahanap sa mga abnormal na yan. Dalawa ang dahilan kung baket ayaw sana naming ilagay 'to dito. Una, ayaw naming lalong pakalatin ang image na yan dahil nakakagago. At pangalawa... FAKE ANG KWENTO NA KUMAKALAT SA PILIPINAS TUNGKOL DYAN.
Last year pa yang balita na yan. At kung tutuusin, madaming version ang katarantaduhan na yan. May mga nagsasabing sa Mexico nangyare, meron ding sa Indonesia, ngayon naman inaangkin dito sa Pilipinas. Masyado nang madaming nagkalat nyan, at gustong hanapin ang mga gagong nasa picture. October 2010 nangyare yan. More than one year ago na, at mukang naparusahan na yung dalawang bobo na nasa picture. Pero kung gusto nyo talaga huntingin yang mga yan, bibigyan namin kayo ng tip. Pumunta kayo sa MALAYSIA.
Para sa mga gustong mabasa ang totoong score tungkol sa image na yan, paki google na lang ang "malaysia 2 boys hang puppy".
Wag agad maniwala sa mga kumakalat sa internet, dahil madaming tao ngayon ang iresponsable sa pagshe-share. Tulad ng nangyare sa "Anti-Angry Birds Bill" article na may nakalagay naman na fictional yon. Kaso masyadong kinilig yung itlog ng ibang nakabasa kaya pinagkalat agad as real news. Isang bagsakan na lang 'to. Eto pa ang ibang fake issues na kumakalat sa internet ngayon... Yung binubuhat na army officer dahil bagong pedicure daw. Hindi last week nangyare yon. Lumang balita na din yan. At yung story na yung character sa anime na "Slam Dunk" na si "Hanamichi Sakuragi", based daw yung character nya sa totoong tao na legendary sa Japanese basketball history, fake din yon. At yung pinagkakalat ng gobyerno na gumaganda daw ang economic status ng Pilipinas, tingin namin chismis lang din yon.
Hindi kami sigurado kung totoo o fake yung video.
Mga bata lang kasi sila, pero magaling na sila tumugtog.
Pano nangyare yon, 'e hindi naman sila Asian?
tinimbre ni Christian T. sa Tip Box
Dapat ginawa na lang ding taxi ni Noynoy yung Porsche nya.
Extra income din yon, pang date nya kay... sino bang flavor of the month nya ngayon?
tinimbre ni Toffee sa Tip Box
Sa mga manyak dyan, wag nyo nang subukang i-pause.
Wala kayong mapapala, masyadong malabo... ahhh, kutob lang namin yan.
"G-Pop"
tinimbre ni mepthugz sa Tip Box
Mukang mahirap nga naman hanapin sa mapa yung pupuntahan nya.
Nakakaligaw kasi sa MGA BUNDOK.
Sobrang special ng pregnancy para sa mga babae. Puro sila reklamo ng kung ano-anong bagay pag buntis sila pero yung pagsusuka, pagkabuntad ng tiyan, at lahat ng paghihirap nila ang dahilan kung baket nagiging mas special ang experience para sa kanila. Kaya naman pag labas natin sa tiyan nila, sobrang saya nila, sobrang alaga nila dahil pinaghirapan nila tayong dalahin ng halos 9 months. Kaya isipin mo kung gano kalungkot ang isang nanay pag nalaman nyang may health risk sa baby na dinadala nya. Tulad ni Julie Armas; na-diagnose yung baby na pinagbubuntis nya ng spina bifida (i-google mo kung gusto mong malaman kung ano yon.) 21 weeks pa lang yung baby kaya hindi sya pwedeng ilabas sa womb at operahan. Ginawa ni Dr. Joseph Bruner yung surgery habang nasa loob ng nanay yung baby.

Photo by Michael Clancy
Sabi nung doktor, nung hinawakan daw nung baby yung kamay nya, pinaka emotional na moment daw yon ng buhay nya. May mas aastig pa ba sa picture na yan? Nakakakilabot. Kahit pa kadiri yung picture, sobrang astig. Kadiri lang dahil ang daming dugo, pero astig dahil may buhay yung bagay na yan. Astig talaga. Pero kadiri. Pero astig. Pero sobrang kadiri din. Pero put*ngina astig.Pero kadiri talaga...
tinimbre ni diane sa Tip Box
Sa ginawang study ng tatlong professors ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance(UP NCPAG), lumabas na para mas maiwasan ang corruption, suggestion ng karamihang Pilipino na bagsakan ng death penalty ang mga politiko na, well, na corrupt nga. Magandang siggestion, pero malabong mangyare yan.
Unang magiging harang sa realization ng idea na yan, yung mga moralista. Syempre dahil bansa tayo ng "makadiyos". Yung mismong issue ng death penalty as punishment, ayaw na ng mga nagbabait-baitan yan. Pero ang mas malaking babara sa katuparan ng death penalty para sa mga corrupt ay yung mga mismong corrupt. Sila ang nagpapatupad ng batas 'e. Sa tingin mo ba papayag silang magkaron ng batas na pipigil sa mga gahaman na balak nila?
Magandang idea yang death penalty laban sa corruption, kaso madaming kokontra, hindi mapapatupad, at kung ipatupad nga, wala naman talagang magbabanytay.
Kung kami ang gagawa ng diskarte na anti-corruption, bibigyan namin ng incentive o motivation yung mga politiko para sila mismo ang magbantay sa isa't isa. Kung sino ang mapatunayan na nangurakot, kukunin sa kanya LAHAT ng pera at ari-arian nya at ng BUONG ANGKAN nya. Tapos hahatiin yung kayamanan nya sa lahat ng politicians. Mas malaki ang share nung mismong naka-huli sa kanya. Mas gaganahang magbantay yung mga politiko nyan. Hindi makukulong yung nahuling nangurakot, dahil libre ang koryente, tubig, at pagkain sa bilibid. Pakakawalan sya, pero wala na syang madaming pera at bahay. Effective yan. Mas matatakot na silang mangurakot, dahil para sa karamihan ng Pilipino normal na ang kumayod para makaraos lang, pero sa mga katulad nilang gahaman sa yaman, para sa kanila, katumbas na ng death penalty ang mahirapan.

Subscribe to:
Posts (Atom)