Pero diba 1.5 na litrong liwanag yan?
Oist mga sosyal. Maki-uso na kayo. Gamitin nyo na yan mga bote ng Evian nyo.
Coke: Mas bebenta pa ang litro naten nito!
Pepsi: Sana madaming mag solar bottle para mas madami pa ang mag-litro!
Meralco: Put*ng ina naman 'o.
video tinimbre ni
@chemalvar sa twitter
Tanong galing kay kattee:
Mga ninja, madalas kasi akong maging absent minded. Katulad nalang nung habang naliligo ako, imbis na shampoo ilagay ko sa buhok ko, toothpaste nalagay ko. Tapos minsan po mali nasasabi ko, halimbawa habang nasa road kami ng mga classmates ko tapos may mabilis na kotse na humarurot kahit red light na, di ko alam sa katangahan ko nasabi ko ang tawag sa ginawa nya " Hitting below the red light." Minsan natatakot na po ako, sana masagot nyo. Salamat ninjas.
MgaEpal.com:
Ayaw naming magmarunong masyado. Etong mga sasabihin namen, mga theory lang na nahaluan ng pangaral galing sa kanya-kanyang magulang namen. Hindi naman kasi kami doctor, pero isa sa usual na dahilan ng madalas na pagiging absent minded ay simultaneous thoughts o yung sabay-sabay na pag-iisip ng mga bagay. Mahirap yan pag hindi mo kontrolado. Baka kaya toothpaste ang nagamit mong shampoo dahil iniisip mong magtu-toothbrush ka pagtapos maligo. At baka kaya "Hitting below the red light." ang nasabi mo, dahil may naisip kang may kinalaman sa boxing habang tumatawid kayo.
Meditation ang ginagawa ng iba para mas makontrol ang activity ng utak nila. Pero kung kami ang tatanongin, sa tingin namin mas maganda kung magsusulat ka para magkakaron ka ng outlet para sa ibang nililikot ng utak mo. Magsimula ka ng blog. Wag mong targetin na magkaron ng readers. Basta ilatag mo lang kung ano man ang gusto mong ikwento. Parang diary lang. Iwasan mo maligo pag puyat, nakaka-pasma daw ng ugat sa ulo yon. O kaya mas maganda nyan, iwasan mo na lang magpuyat.
Good luck kid. Sana nakatulong kami sayo kahit konti. Kung tutuusin, pinagbigyan ka na lang namen dahil muka ngang madalas kang maging absent minded. Sinabi mo kase, sana masagot namen, pero kung titingnan ang message mo, wala ka namang tinanong.

Lahat ng mali, bawal. Pero hindi lahat ng bawal, mali. Nagiging mali ang isang bagay kung may nasasaktan, naaapi, o naiisahan dahil sa bagay na yon. Ang pagiging bawal naman ng isang bagay ay may pinagbabasihan na batas o rule. Kung labag sa rule, bawal na yon, pero pwedeng hindi mali. Ganito na lang, para mas madali mong matandaan; Malalaman mong mali ang gagawin mo kung may maaaragabyado sa kahit na anong paraan pag ginawa mo yon. At malalaman mong bawal ang gagawin mo kung kaya mo syang ipagyabang sa mga kabarkada mo, pero ikahihiya mo syang ikwento sa magulang mo.
Inalis na namin ang Globe Gcash sa payment options para sa "Apparition" shirts. Baket? Eto yan... Kuha ka muna ng beer, mahaba-habang 'to dahil ganado kami magkwento pag nang-gigigil. Enjoy.
Iba-iba ang gamit naming mobile service providers. May naka-Smart dahil "Simply Amazing" kame. May naka-Sun dahil "Everything Important Is Under The Sun" at important kame. At merong naka-Globe dahil "Abot mo ang mundo", at kami ang mundo mo. Halata bang pinilit lang ihirit? 'E ano ngayon? Well anyway, nung nag-produce kami ng Shirts, kinailangan namin ng modes of payment para sa mga oorder. Pinili namin yung sa tingin naming pinaka maaasahan at mapagkakatiwalaan... Banco De Oro, at dahil Globe user ang dalawa sa amin, Gcash. Sa mga payments sa BDO account namin, walang naging problema. Sobrang dali, sobrang bilis, at dahil kung saan-saan may BDO branch, sobrang convenient para sa mga umorder. Hanggang ngayon, walang hasel ang BDO transactions namin. Ganon din nung una sa Gcash; Mabilis at parang cup noodles ang confirmation... instant. Yun ay nung unang araw pagkatapos naming magregister. Kinabukasan... stress ang hinaing almusal sa amin ng Gcash. (Actually tanghalian dahil tanghali na kami nagigising.)
May nagtext sa amin na nagpadala na daw sya ng bayad gamit ang Globe Gcash. Sabi namin wala pa kaming natatanggap, baka log lang ang Gcash, kaya itetext na lang namin sya pag may pumasok na payment. Sumagot ulit yung umorder, inactive daw ang account namin. Kung pwede daw ipadala namin yung account number na gamit namin. Sabi namin, kung ano yung gamit naming pang-text ng confirmation yun din ang number ng Gcash account. Sabi namin paki double check na lang. After ilang minuto, nagtext ulit yung umorder, ayaw parin daw pumasok nung bayad nya. Tinanong namin sya kung manggagaling ba sa "Gcash wallet" nya yung bayad. Hindi daw, nasa Globe Gcash Remitance Center lang daw sya. Naawa kame kaya sabi namin kami na ang hahanap kung anong problema. Sabi namin standby lang sya, maglaro muna sya ng bato-bato-pick mag-isa. Mabait naman yung tao, ok lang daw, sige hihintayin na lang daw nya. Sinubukan naming magpadala ng pera sa official account namin gamit ang ibang Gcash account. Eto ang natanggap naming text galing sa Globe...
Anak ng... Teka sige kumalma lang muna kame. Tinawagan muna namin yung 2882 para linawin kung baket inactive yung account. Nung kausap na namin yung Globe Gcash representative-lady-person-operator-agent, tinanong namin kung anong problema? Invalid daw ang home address na niregister namin. Panong invalid kung yun naman ang klase ng home address na nilalagay sa mga I.D.? Panong invalid kung tinatanggap syang complete address pag nagpapadala ng sulat? Invalid daw dahil walang nakalagay kung anong Barangay. Aba 'e ang galing ano? Wala naman silang example ng ilalagay na address. Normal naman na minsan hindi talaga nakalagay kung anong barangay.
Eto ang sinunod naming instructions...
May nakalagay bang example ng complete address? Wala.
Pero sige lang. Tinanong namin kung pano aayusin? Kailangan daw naming pumunta sa isa sa mga Globe Centers para asikasuhin yon. Sabi namen, may taong naghihintay sa isa sa mga "Gcash Remitance Store" nyo. Magpapadala ng bayad, nakakahiya naman nagpagod na syang pumunta don. Sinabi namin sa Globe Gcash representative-lady-person-operator-agent na gusto naming makausap kung sino man ang may magagawa AGAD para maayos yung hasel. Pinasa nya kami kay Globe Gcash representative-gentleman-person-operator-agent-supervisor na si Brenan Bas. Tinanong namin sa kanya kung pwede ba nyang i-connect yung tawag namin sa isa sa mga Globe Centers nila. Hindi daw. Ganon din, puntahan na lang daw namin sa Globe Center para ma-activate ulit yung account. Aba oo nga 'no! Itext na lang namin yung umorder na maglatag muna sya ng banig at matulog muna sya don sa Globe Remitance Store habang inaasikaso namin ang reactivation ng account namin. Sobrang hasel.Tinext na lang namin yung umorder, na pasensya na at kung pwede Banco De Orona lang ang gamitin nya sa pagpapadala ng payment. Inextend na lang namin yung reservation nya.
Sabi sa Globe.com.ph "Globe GCASH, as easy as 1, 2, 3"
E mukang "Globe GCASH, as easy as 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, times 264, devided by 71, minus the square root of 36, plus the aswer to the meaning of life."
Maayos kausap yung mga Globe representatives na natawagan namin. Wala silang kasalanan. Kung tutuusin, kami pa ang dapat mag-sorry dahil sa kanila humapyaw ang kabadtripan namen. Hindi nila kasalanan na panget ang sistema sa deactivation ng Globe Gcash accounts. Naiintindihan naming ginagawa lang nila kung ano ang tinuro sa kanilang protocol. Gusto naming sabihin sa Globe na professional na inasikaso ni Brenan yung tawag namen. Sinabi pa namin kay Brenan na dapat sana may notification muna bago mag-deactivate. (Wala kayong pinadalang notification 'e. Pinadala nyo lang pagkatapos naming magsungit. Ano pang gagawin namin 'don? Gawing screen saver?) Nag-sorry din naman si Brenan at sinabi nya na oo nga daw, ilalagay nya sa report na dapat may notification. Alam nyo Globe, kung nagpadala lang kayo ng notification bago na-deactivate yung Gcash namen, wala kaming reklamo. Rational kaming tao 'e. Ang sobrang kinainit ng ulo namin dito, ay yung may tao na, na pumunta pa sa "Remitance Store" nyo para magpadala ng bayad sa amin, tapos walang nahita yung effort nya. Kami ang napahiya, hindi naman kayo.
Naiintindihan namin kayo Globe. Safety din ng Gcash users ang iniisip nyo. Ang amin lang, sana talaga napadalahan muna kame ng notification kahit AFTER na ma-deactivate basta AGAD. Sana pinadala nyo AGAD. 'E pinadala nyo lang yung notification nung tumawag na kami. Kung pinadala nyo AGAD, edi sana na-text din namin AGAD yung mga nagpareserve ng shirts at walang magsasayang ng oras pumunta sa Remitance Store. May tampo kami ngayon sa Globe, pero lilipas din 'to. Basta ngayon, wala na ang Gcash sa payment options namen. Banco De Oro na lang. Yung Banco De Oro maalaga 'e. Lahat kaming apat nakapag Kiddie Savers Club nung bata kame. Hanggang ngayon maasikaso parin ang BDO. Dami pang chicks na bank teller.
May mga tanong lang na nakabitin sa utak namen tungkol don sa taong magbabayad sana sa Remitance Store. Marunong kaya sya magpadala ng payment through Banco De Oro? Itutuloy pa kaya nya yung order? At nung naghihintay sya ng text namen, naglaro nga kaya sya ng bato-bato-pick mag-isa?

"Sorry, the transaction cannot be completed. You have provided an invalid recipient number. Please call 2882 should you need further assistance."

Sayang, kinulang lang sya ng 6 na boobs talo na sana nya ang record ni "Kulturantado".
video pinakawalan ni
Mangangalakal sa Tip Box
Tanong galing kay Greg Deguzman: Pano ko po ba madaling mapapasagot yung nililigawan ko?
MgaEpal.com: Bigyan mo ng madaling tanong.
Tanong galing kay jopjop: Bakit po mahirap maging gwapo?
MgaEpal.com: Mahirap lang yan kung ikaw lang ang naniniwalang gwapo ka.
Tanong galing kay shintaro: Pano ako gagawa ng magandang kalokohan?
MgaEpal.com: Sumigaw ka ng "Tama na! Puro na lang kayo away! Lalayas na ako!" pag may nakita kang hindi mo kakilalang magshota na nag-aaway. Sabay walk out.
Tanong galing kay Mapapelepal: Kung papipiliin kayo ano gusto nyo? "Kapamilya" (ABS-CBN), "Kapuso" (GMA), o "Kapatid" (TV5)?
MgaEpal.com: Ang gusto namin ay mga "Kabirthday". Dahil pag "Kabirthday" kayo, kahati mo sya sa painom.
Tanong galing kay mAnAng_guard: Bakit ba pulang itlog ang tawag sa maalat na itlog, diba violet yun?
MgaEpal.com: Dahil panget pakinggan ang "Pabili nga ng violet na itlog." Ang ipagtaka mo ay kung baket tinatawag na pula ng itlog ang egg yolk, 'e dilaw naman yon.
Tanong galing kay Tonton Comia: Bakit ba ginawa pa yung mga bakla? Salot lang naman sila.
MgaEpal.com: Para mairita ang mga taong makitid ang utak na tulad mo. Gago.
Tanong galing kay Sheldon: Bakit po walang comment box yung mga post ninyo?
MgaEpal.com: Dahil... No Comment.

Huhugutin namin sa susunod sa Twitter ang mga tanong sa Ask The Authors: Quickfire Edition 2
Para sa mga gustong makigulo, eto...
Aminado kame, ayaw namin kay Justin Bieber. Pero hindi namin itatangi na base sa video na yan
may galaw talaga sya pagdating sa basketball. Pwedeng pwede mag-WNBA.
Subscribe to:
Posts (Atom)