Sinong gago ang maniniwala dyan? Alam naman ng lahat na SOBRANG NA-ENJOY ni Gloria maging presidente. Kung ikaw, may bagay kang sobrang na-enjoy mong gawin, hindi mo ba mami-miss gawin ulit yon? Lalo na kung madami kang perang nasamsam habang ginagawa mo yon? Pero bibigyan namin ng benefit of the doubt si Gloria. Pwedeng may konting katotohanan na hindi nya nami-miss maging presidente. Sabi nya kasi, mas bumuti ang kalusugan nya ngayong hindi na sya presidente.
Kung sinabi lang ni Gloria na nakakasama sa kalusugan nya ang pagiging presidente, edi sana ang daming ginustong mare-elect sya. Ok lang namang bigyan sya ulit ng anim pang taon para mangupal, basta mapadali lang ang appointment nya dun sa lugar na laging tag-init at kung saan sya nababagay. Ano kamo yung lugar na laging mainit at kung saan nababagay si Gloria? Well itago na lang natin yang lugar na yon sa pangalang impyerno.

Noon pa, sobrang naaastigan na kami sa commercial na 'to.
Kaso sa ginawa dito, lumalabas na sa bawat isang lata ng Pepsi na bilihin nung bata, dalawang lata muna ng Coke ang kailangan nyang bilihin.
Hindi ba mas kumita yung Coke?
Eto ang statement ni Archbishop Oscar Cruz...
"Ang balakid po diyan, hindi yung kinasal siya sa Muslim rites. Ang balakid po diyan, ang simbahan, tulad ng maraming simabahang Kristiyano, isa nga diyan ang Katoliko, para sa kanya ang kasal ay para sa isang babae, isang lalake. Tapos ang kwento, panghabang buhay. Eh dun po sa mga Muslim karaniwan sa kanila…naniniwala na ang isang lalake pwedeng dalawa ang asawa tatlo hanggang apat. Sa simbahan hindi pwede ikasal yun pagka't yung kasal na ganun ay walang bisa. Anumang relihiyon para makasal kayo sa simbahan kailangan maniwala kayo sa kanyang aral. Isang lalake, isang babae pang habang buhay. Pag po kayo naniwala na ang isang lalake ay katumbas ng dalawang babae o tatlong babae ay hindi na po pwede yan,"
Manong Archbishop Oscar Cruz, hindi naman sa kinokontra namin ang paniniwala mo, may point naman 'e, pero kung titingnan ang ilan sa mga bida sa Bible tulad ni Abraham, Jacob, David, Solomon, diba puro higit sa isa ang mga asawa nila? Importante ang kasal dahil ito ang nagiging ultimate basis ng commitment. Wala naman kaming balak magpakasal sa madaming babae, pero kung magpapakatotoo tayo, hindi ba mas mabuti pa ang ginagawa ng mga Muslim dahil pinapakasalan nila yung mga minamahal nilang chicks? Kung bibigyan ng mas malalim na pag-intindi, hindi ba mas tama na pakasalan ng lalake ang isa pang babae kung payag naman yung iba nyang asawa. Sa ganong sitwasyon, hindi sya nagsinungaling. Kesa naman sa mga isa nga lang ang asawa, pero madalas magsinungaling sa misis nila. Malikot lang ang utak namin. Hindi din naman namin ini-endorse ang polygamy. Ang binibigay lang naming point of view 'e yung walang halong kamoralistahan. Sabi nga namin, pag-dating sa religion, kanya-kanyang trip yan.
Ang tunay na essence ng kasal ay ang pag-aalay nyo kay Lord ng union nyo as a couple. Walang taong pwedeng magbigay sa inyo nyan. At wala ding taong pwedeng mag-deny sa inyo nyan. Kung solid ang relationship nyo kay God, siguro kasal na kayo sa paningin Nya. Naks ang lalim.

Nung kumalat ang image na 'to sa internet hindi namin agad nilabas. Napaisip muna kame kung baket maglalagay ng ganitong sign ang Greenbelt. Nung una inisip namin nabaka nasa secluded area ang sign kaya malakas ang loob ng Greenbelt maglagay ng ganyan. Pero nung may nakita kameng mga picture na nagpapakita na public at open area ang location kung saan binalandra ang sign, umandar muna ng konti ang utak namen.
Masyadong walang logic kung gagawin ito ng Greenbelt. Una, alam nilang madaming magagalit. Pangalawa, sila ang magmumukang tanga, at hindi makakatulong ito sa image nila. Lumipas ang ilang araw at nawala na sa isip namin ang issue na yan. Pero nung may nagtimbre sa amin na nagsalita na ang mga tauhan ng Greenbelt, at sinabi nilang hindi sila ang naglagay nyan, kinailangan ulit naming maghanap ng katibayan. May mga nagturo na iba ang font (lettering) na gamit sa logo. May mga nagpoint out din na incorporated ang original na nakalagay at hindi corporation sa sign. Hindi parin naniniwala ang iba na hindi Greenbelt ang nagkabit nyan. Ayaw nilang maniwala na may mga nagtrip lang na taong walang magawa. Kung logic ang pagbabasihan, sa tingin namin hindi Greenbelt ang may pakana nyan.
Pero kung totoo man o hindi ang issue na pinagbabawal sa nila ang pagpunta doon ng mga mahirap, hindi parin nawala sa isip namen kung ano ang naglaro sa utak nung gumawa nyan. Kung trip man yan, baket yan ang naisip nilang isulat? At baket madaming naniwala na totoo yan? Simple lang, dahil lahat tayo ay discriminating. Lahat tayo, nanghuhusga ng mga tao na hindi bagay sa isang lugar. Wag ka mag-deny gago. Totoo yan. Kahit ayaw nating gawin, naka-imprint sa subconscious natin na may mga lugar na hindi bagay puntahan ng mga walang panggastos. Kaya nga tayo mismo, kahit wala tayong pera, pomoporma parin tayo kung mga lugar tulad ng Greenbelt ang pupuntahan natin. Masyadong mahaba na 'to. Walang moral lesson dito. Obselbasyon lang ang pinutok namin. Panget na katotohanan na nangyayare araw-araw.
Sige eto, sa susunod na pumunta ka sa mga sosyalan na lugar, pansinin mo yung ibang tao. Kung hindi ka discriminating sa context na nabanggit, dapat hindi mo matutukoy ang mga may pera at yung mga mahirap. At kung sa tingin mo naman 'e hindi talaga discriminating ang mga tao base sa porma, sa susunod na may balak kang bumisita sa "class A" na lugar, magsuot ka lang ng lumang pantulog mo. Kaya madaming nagreact sa nakasulat sa sign na “This is a private controlled environment. Poor people and other disturbing realities strictly prohibited. Thank you“ ay dahil pasosyalan ang area na nakitaan nito. Kung sa ilalim ng Quiapo bridge mo nakita yan, matatawa ka lang naman diba?
Isipin mo nga, ilang beses na bang nangyare na pag nakapambahay ka at tsinelas na binili sa palengke, mas matagal kakalikutin ng security guard yung bag mo at mas matagal kang kakapkapan. Pero pag nakapapoging porma ka, o muka kang mabango, hahaplusin ka lang nung guard sa bewang, may "good afternoon sir" ka pa. Wala na tayong magagawa dyan. Ganyan na ang tema na kinalakihan ng mga tao. At yang mga yan ang totoong "disturbing realities" ng buhay.
Ironic lang dahil gumawa sila ng anti-chongki ad
na sobrang maeenjoy panoorin ng mga kakatapos lang magchongki.
Ang isang pag-ibig
Ay parang lansangan
Na pang dalawahan
Kaya't sa ating awit,
Tayo ay magbigayan
Ay parang lansangan
Na pang dalawahan
Kaya't sa ating awit,
Tayo ay magbigayan
Ah-ha-ha, awitin mo
At iiiyak ko, oh-ho-ho
At iiiyak ko, oh-ho-ho
Abangan sa April 5.
Masasagot na ang iba sa mga pinutok nyong tanong mula pa nung nakaraang taon.
Pasensyahan tayo pag hindi mo inabutan dahil
buburahin agad after 1 hour ang explanation kung anong nangyare.
April 5... Itong dadating na Tuesday yan... 12:01AM.
Gago, alarm mo na sa cellphone mo nyan.
Sa ngayon umabot na ng higit sa 69 million ang views ng "Friday" sa Youtube. Higit sa 69 million na buhay na ang nasira.
Update lang sa bagay na 'to. Hindi si Rebecca Black ang nagsulat ng kantang yan. Yung rapper na mukang matandang version ni Usher ang sumulat ng abnormal na kantang yan. Kung naiirita ka kay Rebecca Black dahil pangat yung kanta, wag naman, hindi naman talaga sya ang gumawa ng lyrics, kinanta lang nya. Kung maiirita ka sa kanya, sana dahil lang panget yung boses nya.
Wag kang tamad. Intindihin mo.
1) Walang kurakot na politiko.
2) Ang hangad lang ni Willie Revillame ay magpasaya ng mga tao at makatulong.
3) Lalakeng lalake si Justin Bieber.
4) J-pop at K-pop ang pinaka makabuluhang klase ng music.
2) Ang hangad lang ni Willie Revillame ay magpasaya ng mga tao at makatulong.
3) Lalakeng lalake si Justin Bieber.
4) J-pop at K-pop ang pinaka makabuluhang klase ng music.
April Fools!
Subscribe to:
Posts (Atom)