Pagkatapos ma-execute ng tatlong Pilipinong drug mules sa China, sinabi ng gobyerno... sinabi ni Noynoy, na gagawa sila ng mas madaming job opportunities para hindi na mapilitan pang gumawa ng iligal ang madaming mahirap na Pilipino.

By mgaepals on 09:43

comments (0)

Filed Under:

Madami nang nagsabi nyan 'e. Madami na ang nagsalita ng ganyan. Maganda pakinggan, kaso yun nga, laging SALITA LANG. Kahit sino pwedeng magbitaw ng statement. Kahit sino pwedeng maghayag ng goals. Pero ang kailangang iputok ng bunganga nila 'e kung papano nila gagawin ang mga bagay na yan. Kung ano ang steps para maabot yung mga goals nila. Hindi kami komokontra. Hindi namin sinasabing panget yung balak nilang gawin. Pero kung puro balak at wala namang plano, kung puro setting of goals pero wala namang formula, may mangyayare ba? Bawat may panibagong term sa gobyerno nangangako sila ng bagong pag-asa. Pero ano ang nakukuha natin? Tang*na bagong PAASA.

Pinaangas na "Baby"

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

 Ayos sa karga ang pagkakaedit ng video na 'to. 
Astig ang nakaisip gawin 'to.


Sana magsama na nga lang ang Slipknot.at si Justin Bieber sa iisang banda.
Para magmaskara na din si Justin Bieber.

Wag magtiwala sa hindi pwedeng makapa.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


"Don't judge a boob by it's cover." -MgaEpal.com

Instrumental

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Eto ang tinatawag na CLITarista.

Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Epal: Anong ginagawa mo dito?

Mas Epal: Yun! Buti na lang dumating ka na. Kanina pako nagdo-doorbell, umalis ka pala.

Epal: Baket ba?

Mas Epal: Makiki-text sana ako, wala akong load 'e.

Epal: Gago lagi ka namang walang load 'e!

Mas Epal: Sige na please. Importante lang.

Epal: 'O eto! Sino bang ite-text mo

Mas Epal: Ermat ko. Nag-grocery kasi sila ni utol. Papabili lang ako ng load kay ermat.

Epal: Kapal ng muka mo, ang tanda mo na magpapalibre ka pa ng load? 'O bilisan mo magtext, natatae nako.

Mas Epal: Tang*na naman kasing iPhone 'to. Pano ba magtext dito?

Epal: Akin na nga! Anong number ng ermat mo?

Mas Epal: 091698488**

Epal: Anong sasabihin ko?

Mas Epal: Sabihin mo... "Mama, paki bilihan naman ako ng load. Bayaran na lang kita pag nagkapera ako."

Epal: Lagay ko pa ba pangalan mo?

Mas Epal: Wag na, alam na nyang ako yan.

Epal: Send ko na 'to ha.

Mas Epal: Sige... Ay teka! Paki sabi na din na naiwan nya yung cellphone nya, kunin na lang nya mamaya saken pag uwi nya.

Epal: Oist! Suntukin mo ilong mo.

Mas Epal: Baket?

Epal: Suntukin mo ilong mo!!!

Mas Epal: Bakeeet???

Telekinesis "proof".

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Pasalamat kayong mga babae at walang telekinetic powers ang mga lalake.
Kung nagkataon, kailangan nyo nang magshorts lagi pag naka-palda kayo.

"Filipino Hospitality"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Mameng: Baldo!

Baldo: Baket?

Mameng: Sino ba yang bisita ng anak natin?

Baldo: Ewan, nakilala daw nya sa chat. Binisita daw sya 'e. Taga Australia yata.

Mameng: Ano bang salita sa Australia?

Baldo: Edi Australian.

Mameng: Marunong ka ba non?

Baldo: Oo naman! Parang English lang yon.

Mameng: Hayup ka, hindi ka naman marunong mag-english 'e!

Baldo: Hoy Mameng, masyado mo 'kong minamaliit 'a!

Mameng: Sige nga, paalisin mo nga yang bisita ng anak mo. Hindi ko makausap, hindi ako marunong mag-Australian 'e.

Baldo: Baket mo naman paaalisin?

Mameng: 'E kanina pa nasa may mesa yan, kain nang kain.

Baldo: 'E ano naman gusto mong gawin ko???

Mameng: Sabihin mo sakanya 'to... "Kain ka nang kain! Walang hiya ka! Feeling mo bahay mo 'to!"... pero i-translate mo sa Australian ha.

Baldo: Yun lang pala 'e. Teka... Hey mate! Eat all you can! Don't be shy! Feel at home!

Isang tambak ng kagaguhan.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Simula nung lumipat si Willie Revillame sa channel 5, hindi na namin binagsakan ng banat yang taong yan. Nagustuhan namin ang paglipat nya sa TV5 dahil napilitang umayuda ang ibang channel at mas gawing competitive ang mga katapat na palabas ng "Willing Willie" (Kahit sabi nilang walang kinalaman ang "upgrade" ng show nila) Underdog ang TV5 kung ikukumpara sa dalawang leading TV networks (ABS-CBN at GMA) at dahil gusto naming makitang umaangat ang mga dehado, inobserbahan lang namin ang mga nangyayare. Naging malamya ang feud ng mga noontime shows. Mukang wala namang negatibo sa mga nangyayare kaya walang dapat punahin. Pero nung gumawa na naman ng ingay ang pangalan ni Willie, syempre inusisa na namin.

Nabasa lang namin ang balita na may napagtripan na batang 6 years old sa "Willing Willie". Maliit na bagay lang diba? Yun ang akala namin. Ok lang naman pagtripan ang bata kung inosente ang trip. Tamang timpla at tanchado para sa viewers. Akala namin over reacting lang ang mga tao sa napanuod nila, pero nung nakita namin ang video, ang laking kagaguhan nga ng nangyare sa show.

Eto ang nangyare...

-Pinasayaw yung bata as talent nya dahil may tarantadong nagpauso na dapat magpakita ng talent ang mga contestant sa game shows.
-Umiiyak na yung bata bago pa sya pinasayaw.
-Nagtuloy tuloy ang iyak nya, pero nung una mukang wala namang kinalaman sa ginagawa nya yung pag-iyak nya.
-Pinaulit-ulit sa kanya yung sayaw. Hindi normal na sayaw 'to, pang-macho dancer na sayaw.
-Hanggang mag-commercial, pinapasayaw yung bata.

Oo naging gago si Willie, pero normal na nya yun 'e. Hindi namin sinasabing hindi mali ang ginawa nya. Ang gusto sana naming sabihin 'e hindi lang si Willie ang naging gago. Yung tatay at tita nung bata na nagturo daw sakanya nung sayaw GAGO. Yung direktor ng show GAGO. Yung mga audience na natuwa habang nangyayare yon SOBRANG GAGO.

Wala ka nang magagawa, si Willie yan 'e. Hindi na magbabago yan. Mukang hindi naman nag-iisip yun bago magsalita o gumawa ng isang bagay 'e. Alam yun ng TV5. Alam nilang loose cannon si Willie, at kung gusto nilang protektahan ang investment nila, dapat binantayan nila yung show. Dapat kumuha sila ng taga timpla kung ok pa o sobra na ang nangyayare sa show. Siguradong hindi pa yan ang katapusan nyan. Abangan na lang natin kung pano palilipasin ang issue na 'to.


Kung nagtataka ka kung baket hindi na namin nilagay yung video dito, yun 'e dahil tingin namin hindi na dapat lalong kumalat yung video na yon.

Mutualism

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Ang pinaka magandang relasyon ay ang isang may continuous na sharing. Sharing ng mga kwento para sa mabuting pagkakakilala. Sharing ng sikreto para sa pundasyon ng tiwala. Sharing ng interest para sa mas makabuluhang attraction. Sharing ng experiences para sa matibay na samahan . Sharing ng mga pangarap. Sharing sa hirap, sharing sa ginhawa. Sharing ng luha sa mga kabiguan. At sharing ng yehey!, yahoo!, hooray!, yepa!, woohoo!, at apir! sa bawat tagumpay.

Multitasking.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under: