...Kita-kita na lang in hell.
kasalanan ni Sansriv sa Tip Box
Tanong:
Ganito po kase, may ka-relasyon ako, mga 2 months pa lang ang itinatagal ng relasyon namen. Pareho kameng 2nd year highschool at magkaklase. Masaya naman ang pagsasama namen, nang biglang dumating ang dalawang araw na hindi ko sya pinansin. Yung dalawang araw na yun, exam namen. Hindi ko alam kung bakit ko siya hindi magawang lapitan nung araw/oras na yun. Tapos pagkalipas ng dalawang araw, sabado, nilapitan ko sya. Kaso, pagkatawag ko, ang sinagot nya lang, "Oh?". Tapos lumingon na sya sa iba, hindi na nya ako pinansin. Nang lumipas naman ang ilang oras namen, biglang may nakapagsabi na "cool off" na daw kame. Wala naman akong magawa, wala akong ibang masisi kundi sarili ko lang. Wala akong ibang masabi. Kasalanan ko. Ngayon, sa kwento kong yan, may tanong lang po ako Mgaepal. Paano po ba humingi ng "sorry" sa kakaibang paraan na hindi ko kailangang magsalita? O kahit kailangang magsalita, ayos lang po. Sana po masagot/matulungan niyo po ako.
MgaEpal.com:
Kid, nung sinasabi mo na yung problema mo, inumpisahan mo sa "nang biglang dumating". Ikaw ang gumawa, at hindi bagay na hindi mo kontrolado ang nangyare. Hindi yon "nang biglang dumating." Pero nandyan na yan, nangyare na. Ang tanong mo, kung pano magso-sorry ng hindi nagsasalita. Simple lang, magsorry ka sa utak mo lang, para ikaw lang ang makaalam. Pero kung balak mong malaman nung tao na nagsisisi ka, malamang kailangan mong magsalita. Alam mong ikaw ang mali, mag-sorry ka. Pag tinanggap ka nya ulit, ayos. Kung hinde, palipasin mo na. 2nd year high school pa lang naman kamo kayo, gagamitin na namin ang laspag na linyang "Bata pa kayo."
Payo lang sa mga batang "in a relationship" na ang mga status sa facebook, pag nararamdaman nyo na may gagawin kayong madrama, isipin nyo muna kung ano ang negative na epekto nito pag nagkataon. Matakot kayong maging masyadong madrama para hindi kayo gumawa ng masyadong pa-senti na bagay na MAS MAKAKASIRA, KESA MAKABUTI. Kung hindi nyo mapigilan, at least man lang tingnan nyo kung ano ang pwede nyong matutunan pagkatapos nyong gawin yung mga kalokohan nyo sa relationship. Dadating kasi ang panahon na makikilala nyo yung taong pinaka lapat para sa inyo. Pag dating ng panahon na yon, dun sisipa ang kaalaman nyo sa mga bagay na kailangan nyong iwasan para hindi masaktan yung taong dapat nyong alagaan.
Post Scriptum:
Hindi talaga namin alam kung baket niisip nyong samin ipadala yung mga tanong na may kinalaman sa love life. Kadalasan naman alam nyo yung sagot. Kailangan nyo lang yata ng second opinion. Nagpapasalamat, at natutuwa kami sa tiwala nyo, pero sa totoo lang mas matutuwa kami kung mga magulang nyo ang bibigyan nyo ng tiwala para tulungan kayo. Build a relationship with your parents. Wala kang dapat ikahiya o ikatakot kung susubukan mong maging MAS malapit sa kanila. Tandaan nyo, gago lang ang magulang na papalag pag gustong kumapit ng anak nila sa kanila.

Ang tanong...
...Ilang garapon ng regla ba ang lumabas sa babaeng 'to?

tinapon ni Soyti sa Tip Box
Extension lang ng utak ang mga kamay. Kahit pa limang pares ang kamay mo,kung lagi kang pinangungunahan ng katamaran o kaya ng pagdududa sa sariling mong kakayahan, wala kang matututunan at wala kang magagawa. Sobrang astig na example si Tony Melendez, para sa mga taong nagdududa kung kaya ba nila ang isang bagay. Swerte ang mga taong nakaka-alam tungkol sa kanya. Sya yung tipo ng taong masarap makamayan, kahit pa sa paa.
hinain ni Alhea28 sa Tip Box
Isko: Pare nakita kita kanina nung nakasakay ako sa helicopter ko ah. Tinatawag kita hindi mo naririnig.
Dado: 'A pasensya ka na pare kung hindi kita narinig, maingay kasi yung mga makina ng F1 turbo racing cars ko 'e.
Isko: 'A ganon ba? Kakalabitin nga sana kita galing sa helicopter. Magba-bungee jumping ako papunta sayo para makalabit kita. Kaso naisip ko bisitahin na lang kita dito.
Dado: Sakto nga yung pagbisita mo pare. Hindi kasi natuloy yung schedule ko ng pag-akyat sa Mount Everst.
Isko: Mabuti naman kung ganon pare. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita. Naging busy kasi ako. Lagi kasi akong niyayaya ni Kobe Bryant mag-basketball.
Dado: Gusto ko nga ding makapag-basketball pare. Kaso si Megan Fox laging nagyayaya mag-date. Pinagbibigyan ko na lang kawawa naman kase.
Isko: Tara inuman tayo pare.
Dado: Tara, libre moko.
Isko: Ay nako pare, wala akong cash dito. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa Saturn nung huling space expedition ko. Ikaw na lang muna manlibre.
Dado: Nako pare wala din akong cash. Naiwan ko sa year 1992 nung ginamit ko yung time machine ko.
Isko: Yayain na lang natin si Pareng Oscar. Sya na muna ang manlibre. Text mo.
Dado: Nagcha-charge pa ng battery yung cellphone ko sa secret laboratory ko. Ikaw na mag-text.
Isko: Sure. Naka-unlimited text naman ako.
Dado: Yabang mo naman.

May sewing machine, may washing machine, may drying machine, tapos ngayon may mga gumagawa ng folding machine. Aba 'e wag na din nating isuon yung mga damit, gumawa na lang din tayo ng mga mannequin na machine. Tawagin natin itong "Manichine".
Labo ba? Oo ka na lang.
tinimbre ni BULATE sa Tip Box
Subscribe to:
Posts (Atom)