image hugot dito
Banjo: Baket?
Orly: Kanina pa tayo umiinom. Hindi natin napansin na umaga na.
Banjo: Gago mag-gagabi pa nga lang 'e.
Orly: Tanga lasing ka na. Palubog na yung araw 'o.
Banjo: Pasikat pa lang yan... ikaw ang lasing.
Orly: Palubog na.
Banjo: Pasikat pa lang.
Orly: Palubog...
Banjo: Pasikat...
Orly: Teka... Sa west lumulubog ang araw 'e. Palubog na yan.
Banjo: Oo nga. 'Eh East yan 'e. Pasikat pa lang.
Orly: Gago, west yan.
Banjo: Tanga, east.
Orly: West...
Banjo: East...
Orly: Ah sige. Maghintay tayo ng 30 minutes, bantayan natin kung lumulubog o sumisikat yung araw.
Banjo: 30 minutes? Ayaw ko.
Orly: Baket?
Banjo: Gusto ko na umuwi, inaantok nako. Madaling araw na 'e...
Orly: Gago, mag-gagabi pa lang...
Banjo: Madaling araw na...
Orly: Mag-gagabi pa lang...
Banjo: Madaling araw...
Orly: Mag-gagabi...
Shoe Shine
Ngayon alam mo na kung pano makaka-hatak ng customer para sa shoe shine negosyo.
"Miss, pwede magpa-shine ng brip?"
Noon, binato ng water bottle si Justin Bieber. Ngayon itlog naman. Madaling makapagpuslit ng tubig sa concert dahil may nabibili naman sa venues... pero itlog? Siguro normal lang sa Australia na lagi kang may dalang itlog. O baka gusto din ng security sa concert na mabato ng itlog si Justin Bieber kaya pinabayaang makapasok ang may mga may dalang itlog. Pero sa tingin namen kagagawan 'to ng mga manok na ayaw kay Justin Bieber.
Hindi kami fan ni Justin Bieber. Kung tutuusin, pag dating kay Justin Bieber, kami ang kabaliktaran ng pagiging "fan"... "naf" kame. Pero kahit ayaw namin sa kanya, sa tingin namen mali parin ang batuhin sya ng itlog. Sige, sabihin na nating annoying talaga sya at nakakairita talaga ang pa-cute na image ni gago. Pero para paabutin sa pisikal at umaksyon ka mismo sa "dislike" mo para sa kanya, ang babaw non. Magagawa lang yan ng taong pa-sikat. Yung tipong mababa ang I.Q. na gustong magpatawa sa mga katropa. Gano ka kabobo kung gumastos ka pa para sa ticket sa concert para lang mambato ng itlog?
Alam nyo na hindi namen trip si Justin Bieber. Pero kahit kame, masasabi naming hindi nakakatawa yang pambabato ng itlog na yan. Ang hindi lang namin alam 'e kung iba ang opinion namen kung tumama yung mga itlog.
Pasalamat na lang si Justin Bieber na itlog lang ng manok
ang binato sa kanya... dami pa namang ostritch sa Australia.
Patay na nga daw si Osama bin Laden, ang terrorist leader na pinaniniwalaang mastermind ng "9/11 bombing" at ang taong sumira sa image ng mga taong may Santa Claus na balbas. Malaking "yehey!" yan para sa buong mundo, dahil si Osama ang isa sa (kung hindi ang pinaka) naging sobrang successful sa pagsagawa ng purpose ng terrorism... ang mang-terrorize. Nakaramdam ng takot ang buong mundo pagkatapos ng international scale terrorist act na pagpapasabog ng World Trade Center sa New York. Ang daming kagaguhang nangyare na epekto non. At kahit hanggang ngayon, matapops ang halos isang dekada, ramdam ng buong mundo ang mga hasel na nag-ugat sa masamang event na yon.
Kung hindi nangyare yon, hindi magkakaron ng dahilan para gerahin ng U.S. ang Afghanistan. Hindi maiisip ni dating U.S. president Bush na gumastos ng sobra-sobra sa mga weapons of war. Hindi sana babagal ang economic activities. Hindi sana magkakaron ng balita ng recession. Hindi matatakot ang mga tao sa U.S. na gumastos. Hindi sana magsasara ang mga company sa States. Edi hindi sana nawalan ng trabaho ang mga tao sa U.S. Hindi sana naghigpit sa immigration dahil gusto nilang pigilan ang pagpasok ng non-U.S. citizens sa America na umaagaw daw sa job opportunities ng mga Amerikano. Edi mas madami sanang nakakapag-abroad na Pilipino. Mas konti sana ang walang trabaho sa Pilipinas. Mas madami sanang dollars na pumasok sa Pilipinas na dala ng mga OFW. Hindi magkakaron ng dahilan para higpitan ang security sa mga mall. Edi hindi sana tinutuhog-tuhog ng mga security guard yung mga bag natin, at hindi sana nila hinihipo yung tyan natin. Perwisyo talaga.
Dahil sa mga nangyare, nagkaron ng takot ang mga tao. Dahil sa takot, naging mas maingat. Wag lang sanang mabawasan ang pag-iingat dahil lang wala na ang kinikilalang ulo ng al-Qaeda terrorists. At wag na sanang antayin na mangyare ang mga kinatatakutan bago ipagpatuloy ang pag-iingat.
New Music Video
"Move Your Body" (Beyoncé)
Baduy na concept, korning ending, recycled na mga galaw, mukang pinagtagpi-tagping
lumang kanta ni Beyonce, mga lalakeng kumikembot,
at zero visibility ng cleavage ni Beyonce.
Rating: 9 points out of 10... million.
Subscribe to:
Posts (Atom)