"May Matututunan"

By mgaepals on 08:04

comments (0)

Filed Under:

May matututunan ka sa  masa 
May matututunan ka sa sosyal
May matututunan ka sa gago 
May matututunan ka sa  banal

May matututunan ka sa hayop
May matututunan ka sa sa tao
May matututunan ka sa tanga
May matututunan ka sa henyo

May matututunan ka sa hirap
May matututunan ka sa yaman
May matututunan ka sa kaaway
May matututunan ka sa kaibigan

May matututunan ka sa  sarili
May matututunan ka sa iba
May matututunan ka sa gantimpala
May matututunan ka sa parusa

May matututunan ka sa bahay
May matututunan ka sa lansangan
May matututunan ka sa paaralan
May matututunan ka kahit saan.

-MgaEpal.com


May matututunan ka kahit saan, pero ang pagpili ng gusto mong matutunan 
ang kailangn mong matutunan.

Kawawang noodles.

By mgaepals on 08:03

comments (0)

Filed Under:


"Waiter! Isang noodles nga. Yung walang trabaho."

Kung hindi mapipigilan ang harutan ng North and South Korea at mangyari nga ang kinatatakutang World War III secured tayong mga Pilipino.

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:

Dahil sa Philippine Army, kumpleto ang training.








Masyadong kumpleto nga ang taining nila kung tutuusin.

Dahil lahat ng tao may karapatan maging bobo.

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:

Umaatikabong kwentuhan ang nangyari habang lumalaki yung Grand Lotto jockpot nitong nakaraan. Syempre mas pinag-usapan nung may solo winner na nakakuha nito. 741.2 million pesos ang nakuha nung swerteng lokong yon. Hindi pinagkakalat ng PCSO ang mga pangalan ng mga nananalo sa lotto, siguro naman mas poprotektahan nila ang privacy kung ganito kalaking pera ang pinanalunan. Kung may nakakaalam man kung sinong nanalo, hindi na din nila pinagkalat ang pangalan para sa safety nung taong yon. Common sense lang naman yun 'e. Kaso, hindi nakapagbaon ng common sense si Tim Yap habang nagti-tweet sya ng...



“Eto na, PCSO confirms one winner—his name is Miko Morelos. He gets to take home the P741.2M peso Grand Lotto 6/55 Jackpot! #magtagokana!” - Tim Yap


Una, hindi Miko Morelos ang pangalan ng nanalo, sya lang ang nagreport na may nanalo na sa para sa Philippine Daily Inquirer. Natakot daw si Miko Morelos dahil delikado nga naman kung may mga siraulong makaalam na may ganon sya kalaking pera. Nakakaparanoid yon 'a. May mga nagtanong daw sakanya kung totoo ang balita, pati sa mga kamag-anak nya may mga nagtanong din. Nilinaw na ni Miko Morelos na hindi nga sya ang nanalo, pero may mga nag-iisip parin na baka ayaw lang mamigay ni Miko ng balato.

Nagsorry na si Tim Yap sa pagkakamali nya. Nilinaw na nga din daw nya na hindi nga si Miko Morelos ang nanalo. At hindi daw nya sinasadyang may mga mahasel.

May kutob kaming hindi nilabas ang buo at TOTOONG kwento. May sarili kaming theory dahil matalino kami. Pero hindi na namin sasabihin dahil nga matalino kami. Wag mo nang pansinin yon. Ang masasabi lang namin bobo si Tim Yap. Kahit sino pa ang nanalo sa Grand Lotto nung nakaraan, hindi talaga dapat ipagkalat ang pangalan nung taong yon. Konting utak lang ang gagamitin mo para maisip yun. Seryoso, nabobohan kami kay Tim Yap. Hindi namin sinasabing salbahe sya, muka naman syang mabait. Hindi din namin sinasabi na tanga sya sa lahat ng oras dahil hindi nya maabot ang estado nya ngayon kung sinwerte lang sya. Ang sinasabi lang namin, malaking kabobohan ang ginawa nyang yan, ang laking kabobohan talaga, kasing laki ng airplane.


picture hugot dito

COCKtus syndrome.

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Eto ang nangyayare sa mga nakikipagsex sa porcupine.

MgaEpal.com Theories

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Ibagsak na natin ng todo ang kashowbizan ng araw na to. Hindi lang talaga pwedeng palampasin 'to dahil may kutob kaming malalaking tao ang involved. Sharon Cuneta at Aga Muhlach, bigatin 'tong dalawang 'to. Ngayon na may issue sila ng tampuhan daw, nagulat ang mga tao.

Sa concert daw ni Ai-Ai Delas Alas nag-umpisa. Nasa stage si Sharon as guest tapos nagpapatawa silang dalawa ni Ai-Ai, tapos nabanggit ni Ai-Ai na nasa audience si Aga. Sumagot naman si Sharon ng "Sino yon?" May mga iba pang nabanggit at sa dulo sinabi naman daw ni Sharon na joke lang yon. So natapos na yung concert, sa mga tabloid naman at balitang kung saan-saan kumalat na nabastos DAW si Aga sa ginawa ni Sharon. Nagpaliwanag si Sharon pero kasama sa pag-amin na mejo may tampo nga daw talaga sya kay Aga, tampong pangmagkaibigan lang. Kasama na daw na hindi sya napagbigyan nung inimbita nya sa ilang concert nya si Aga para maging guest., Hindi din daw nagbigay ng message sa VTR si Aga nung farewell show nung palabas ni Sharon. Nagkausap na naman daw ang dalawa pero hindi pa malinaw kung plantsado na ang issue nila.At hindi din malinaw kung ano talaga ang PINAKA pinaghugutan ng tampuhan.

Sinabi naming MAY KUTOB kaming malalking tao ang involved dito. Kutob lang dahil theory lang namin 'to. At hindi si Sharon at Aga ang sinasabi naming "malalaking taong" involved. Intindihin mo at pag-isipan dahil may punto kami dito.

Malapit na magkaibigan si Sharon Cuneta at Aga Muhlach. Kung request lang para magbigay ng message sa VTR at mag-guest sa concert ang pag-uusapan, maliit na bagay yon para hindi pagbigyan. Pwera na lang kung BAWAL mong gawin yon.

Endorser ng McDonald's si Sharon, endorser naman ng Jollibee si Aga. Direct competitors yang dalawang kainan na yan. Halimbawa may mga kundisyon sa kontrata nila na bawal kang makihalubilo sa event o palabas ng endroser ng kalaban na kainan, wala silang choice kundi pagbigyan yon. Kung yun nga ang pinaghugutan ng issue, wala namang dapat sisihin dahil pagiging professional talaga ang dapat pairalin. At may protocol lang na sinusunod ang mga kumpanya. Hindi namin alam kung baket hindi naisip ng iba na pwedeng maging konektado ang mga yan, pero sabi nga namin KUTOB lang namin 'to. Magandang kutob na may punto at basehan. Ang galing 'no?


Kuha mo?

picture hugot dito, dito

"Luksa"

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:


Ang utak ng mga pusa at kakayahang makaintindi ay napakaliit kung ikukumpara sa tao, pero sa mga ganitong pagkakataon natin makikita na hindi kailangan ng malaking utak para makaramdam ng malaking emosyon.

Photo pose 101, with MgaEpal.com and Justin Bieber

By mgaepals on 08:02

comments (0)

Filed Under:

"The magde-devil's horn ako dahil gusto kong magmukang rocker pose."
(Sa totoo lang, kung hindi ka rock star, muka ka lang pacool pag nagde-devil's horn ka.
Tingin mo nakakatuwa ka pag ginagawa mo yan?)


 "The wala akong maisip na iba pero dahil gusto kong maghand-sign sa picture
magpi-peace sign ako pose."
(Kung hindi mo naman talaga pinagkakalat ang mensahe ng kapayapaan, tigilan mo na yan. 
Halata namang nanggagaya ka lang. Seryoso, mga taong gumaganyan lang din ang hindi mag-iisip na muka kang tanga.)


"The ang galing ko dahil nakagawa ako ng heart shape gamit lang ang kamay ko pose."
(Kung babae ka, mejo ok lang. Pero kung lalake ka, wag ka na. May mga taong ginagawa 'to para magtrip, pero kung ginagawa mo 'to dahil tingin mo maganda, gago ka.)


 "The that's my boy pose."
(Acceptable lang para sa mga batang 12 years old and below. Retarded ka kung ginagawa mo 'to kahit 13 years old or above ka na.)


 "The Mr. Pogi pose."
Acceptable lang kung panget ka. Pag gwapo ka at ginawa mo 'to, dapat kang masaktan.


"The taas ng kamay para ipakita ang kili-kili FHM pose."
(Acceptable lang kung maganda at sexy ka. At siguraduhin mong babae ka.)

Salamat sa tulong ni Justin Bieber.


pictures hugot dito, dito, dito,

Partida

By mgaepals on 08:01

comments (0)

Filed Under:

Cowboy Taba: Masyadong maliit ang mundo para sa ating dalawa.

Cowboy payat: Matabachoy ka kase, kung wala ka, ang laki ng iluluwag ng mundo!

Cowboy Taba: Gago! Healthy lang ako. Sumosobra ka na talaga malnoris!

Cowboy payat: Healthy ka kamo? Kaya pala halos gumagapang na yung kabayo mo pag nakasakay ka. Tapusin na natin 'to.

Cowboy Taba: Matagal ko na ding gustong tapusin 'to. Naiisip mo ba ang naiisip ko?

Cowboy payat: Malamang hinde, dahil hindi ako nag-iisip ng pagkain ngayon. Duwelo ang iniisip ko.

Cowboy Taba: Tarantado ka, yun nga ang iniisip ko.

Cowboy payat: Hindi ka nag-iisip ngayon ng pagkain? Mamatay ka man?

Cowboy Taba: Nag-iisip din, pero iniisip ko din yung duwelo gago.

Cowboy payat: Simulan na natin 'to. Itutumba kita ngayon, humanda ka.

Cowboy Taba: Tingnan lang natin kung sinong hindi sisikatan ng araw bukas.

Cowboy payat: Ok game. Tatayo tayo ng magkalayo...

Cowboy Taba: Teka gano kalayo?

Cowboy payat: Mga 30 feet ang layo natin sa isa't-isa.

Cowboy Taba: Teka! Lugi naman ako!

Cowboy payat: Aba baket?!

Cowboy Taba: Mataba ako 'e. Mas madali akong matamaan ng bala.

Cowboy payat: O' anong gusto mong gawin?

Cowboy Taba: Dapat mas malayo ako sayo. Dapat 30 feet ang layo mo sakin, pero 40 feet ang layo ko sayo.

Cowboy payat: Sige pag naisip mo kung pano natin gagawin yan, mamartilyuhin ko yung itlog ko. Booyset!

For the first gift of Christmas MgaEpal.com gave to me...

By mgaepals on 08:04

comments (0)

Filed Under:

 "Timplado"

Nung mga nakaraang buwan, may tinesting kaming chatbox. Dinikit namin jan sa may gilid. Inobserbahan namin kung ano ang palo sa mga tao. Dinadaanan din namin minsan pero sa dami ng ginagawa naming apat, hindi nagiging regular ang bisita namin sa kahon na yon. Hindi kami gaanong natuwa sa itsura at timpla ng chatbox na yon, kaya inalis namin. Sa mga sumunod na araw, may mga request na pumapasok sa kung saan-saan mula sa mga tao na ibalik daw namin ang kahon na yon. Nag-aalangan parin kami kaso dahil sunod-sunod ang request at may mga demanding na tao, nagdecide na kaming lutuin ng maayos ang bagay na yan. Salamat nga pala sa mga demanding na tao dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami mapipilitan gumawa nitong bagay na 'to. Sa totoo lang, nahirapan din kaming humugot ng mga elements na kinailangan namin para dito. Sana masulit nyo 'to.

Dagdag sa mga pabasa namin dito, cocombohin na namin kayo ng dagdag na pakinig at patambay. Pagod, pero masaya kaming ibigay sainyo ngayon, ang bagay na sapilitan ninyong pinagawa sa amin. Ang tinimpla at diniskartehan ng isang buwan. Ang parang bago pero hinde. Ang inabangan ng mga nag-abang. Ang ikatutuwa ng mga matutuwa. Ang magbabago ng takbo ng buhay mo. Ang sagot sa global warming... Eto na... Ayan na... Malapit na... Pinuputok namin ngayon sa muka nyo ang... 


 Abangan nitong buwan ng December ang mga susunod pang MgaEpal.com gifts of Christmas my true love gave to me.