Matatanda lang ang naniniwala sa kasabihang "Kalabaw lang ang tumatanda." at "Age is just a number."

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Sorry kung narealize mong matanda ka na dahil dito.

Kapag maganda daw ang boses ng babae sa telepono, panget daw yun sa personal.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Hindi naman siguro. Nagkataon lang na natural sa babae ang magkaron ng magandang talking voice. At nagkataon lang din na karamihan ng mahilig makipag-phone pal ay mga panget.

"Bato-bato sa langit, ang tamaan, mahilig makipag-phone pal na panget."

"Evolution of Dance" Submission

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Maaalalang nag-alok kami ng simpleng post para sa kung sino mang may tigas ng muka na gumaya o gumawa ng sariling version ng "Evolution of Dance"(Basahin Dito) Hindi kami umasa na may papatol sa hamon, pero may nagpasa parin. Kasama sa message sa email ang "ayan, dahil di rin naman kami makikilala dyan." Disente naman ang performance, at mukang nakapagpractice naman sila ng 20 minutes.



Salamat na din sa pagpatol sa alok namin kung sino man kayong mga nakiuso sa kajabawakisan ng "Jabbawockeez".

F.L.A.M.E.S.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

HIndi namin alam kung ginagawa pa ito ng mga elementary students ngayon, pero nauso ang "Love Game" na F.L.A.M.E.S. at kahit kami, aminado na pinagtripan na din namin ito nung elementary kame.

Para sa mga bata ngayon (at mga ulyanin), ganito ang paglalaro ng F.L.A.M.E.S.

1.Isulat ang pangalan mo.

2. Isulat ang pangalan ng crush mo, shota mo, asawa mo, o artista na feeling mo 'e magkakagusto sayo dahil gwapo/maganda ka sabi mo.

3. Burahin ang mga magkaparehong letters sa pangalan nyo. One is to one lang.

Kung isa lang ang "L" sa pangalan mo, isang "L" lang ang buburahin mo sa pangalan nya kahit tatlo ang letter "L" sa pangalan nya. Kung tatlo ang "L" mo at tatlo din ang "L" nya, burahin mo lahat ng "L". (Ang dami nyong "L". Ma-"L" kayo.)

4. Bilangin ang lahat ng letters na natira sa pangalan mo at pangalan nya.

5. Bilangin sa mga letra ng F.L.A.M.E.S. ang total number ng natirang letters ng pangalan nyo. Ang "F" ay 1, ang "L" ay 2, ang "A" ay 3... basta ganun. Pag dating sa "S", babalik ka sa "F" at itutuloy ang pagbilang. Kung saan ka huminto magbilang, yun kayo.

F= friends
L= lovers
A= affectionate
M= married
E= enemies
S= sex lang ang habol sa isa't-isa

Para lalong maintindihan, eto ang halimbawa:


L.Q. lang naman pala ang nangyare...

picture ng "lovers' hugot dito

Madugo

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Dahil ang regla ay nilalabas, hindi pinapasok.

MgaEpal.com True Stories : Katutak

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Naging ugali na namin magtoka ng gawain tuwing nag-a-out of town. May magluluto, may tagabili ng supply, may taga timpla ng chaser at taga biyak ng yelo para sa inuman. Oo, mahirap man paniwalaan dahil ang sosyal-sosyal namin, ginagawa namin ang mga manual labor na yan. Pero ang pinakatatamaran naming gawin ay maghugas ng plato. Wala naman kaming angal maghugas ng plato, kaso kung pati plato ng iba, nakakatamad lang talaga. Naging usapan na namin na kung sino ang huling matapos kumain, yun ang maghuhugas ng plato ng lahat. Hindi namin alam kung mahina ba ang panga ni "Bunso" o talagang mas masiba lang si "Kulturantado", "Boss Chip", at "Manong Guard" kumain dahil madalas, si "Bunso" ang nahuhuling kumain at naghuhugas ng mga plato.

Babala: Wag gagayahin ang usapang ganito kung ikaw at ang tropa mo ay madalas mabilaukan. Talent ang matapos kumain within 5 minutes.


Out of town... 5 years ago... Sa Cavite... Katatapos lang mananghalian... Naghuhugas ng mga pinagkainan si "Bunso" dahil nahuli na naman syang kumain... Lumapit si "Boss Chip" kay "Bunso". Tutulong sana.

"Boss Chip": Tangi*a naman tulungan na nga kita... pero mukang sanay na sanay ka naman jan, kaya mo na yan 'no?

"Bunso": Hindi gago, dali na tulungan mo nako para mas mabilis matapos.

"Boss Chip": Abnoy ka kasi, bagal mong kumain lagi.

"Bunso": Sosyal ako 'e. Ganun talaga.

"Boss Chip": O' gago ikaw maghugas mag-isa mo, sosyal pala ha...

"Bunso": Sige na. Ako nalang magsasabon, ikaw magbanlaw.

"Boss Chip": Sige sige... Dito mo ilagay sa kanan yung mga plato pagtapos mong sabunin... Hoy! aksayado ka sa sabon ah! Ba't ang dami mong nilalagay na liquid soap???

"Bunso": Para mas mabilis.

"Boss Chip": Pareho lang yan kahit konting sabon lang!

"Bunso": Ayos na yan, para tuloy-tuloy, pahid lang nang pahid. Wala na din 'e, nalagay ko na sa sponge, alangan namang ibalik ko pa sa bote...

"Boss Chip": Abnoy ka kasi... hindi mo ba narinig? Sabi sa T.V., "Isang patak, kaya ang isang katutak!"

"Bunso": 'O edi madaming patak, kaya ang madaming katutak!

"Boss Chip": Madaming katutak pala ha, leche maghugas ka mag-isa mo...

"Bunso": Hindi na! Isang katutak lang! Huy!!!

Ang buhay ay de metro.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Ang buhay ng tao ay parang pagsakay ng taxi... May mga panahon na mas alam ng iba ang daan at mas masarap ang byahe. May panahon na ililigaw ka. Minsan manghuhula ka ng daan at magbabakasakali na tama ang hula mo. Ang buhay ng tao ay parang pagsakay ng taxi... Napapamahal ang kabayaran sa bawat maling liko. At napapalayo ka sa destinasyon mo lalo na kung one way ang maling kalyeng pinasok mo.


Ang lalim 'no? Apir.

"Ang taong hindi nagkakamali... ay walang ginagawa." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Ang pacute na bida ng "High School Musical" na si Zac Efron ay magseseryoso na daw sa susunod nyang pelikula...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Salamat naman at hindi na nagkaron ng "College Musical".

Writer's Block

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Lahat ng writers ay dumadaan sa mga panahon na wala silang masulat. Ang tawag dito ay writer's block. Ito ay mga oras na nahihirapan magsulat ang isang writer. Tapos.. ahhh... ummm... hmmm... yun lang.