"Unang-una, gusto ko pong pasalamatan ang Diyos, dahil kung wala sya, hindi ito mangyayare."
"I would like to thank God for this win!"
"Bago ang lahat, gusto ko po muna magpasalamat kay Lord."
"1st of all, thank you God for blessing me with the win."
Kung magpapasalamat ka kay Lord sa panalong kaduda-duda, linawin mo lang.
"Lord, thanks for making me a recording artist in a recording company that gives out awards to their own talents. Salamat Lord sa mga walang kwentang awards na ganito."
"I would like to thank, 1st of all, God. Salamat sa Diyos dahil mas madami kaming kakilalang mayaman na bumili ng ticket para manalo ako dito sa "beauty contest" na ito."
8:37 PM... Sa kubeta...
Gaston: Ano ready na kayo?
Brando: Oo, wala nang atrasan 'to...
Delfin: I was born ready.
Tonyo: Alam nyo, boy scout ako nung bata ako, kaya lagi akong handa. Naaalala ko nga noon nagcamping kami tapos...
Delfin: Oo na, putik magkukwento pa, sige na ikaw na ang pinaka ready na tao sa mundo!
Tonyo: Sungit naman nito.
Gaston: Tama na yan, malapit na mag 9:00PM. Alam nyo na ang gagawin ha. Pag dating nung jail guard susunggaban natin. Brando, hawakan mo agad yung dalawang kamay para hindi makabunot ng baril. Delfin, Takpan mo yung bibig para hindi sya makasigaw. Ako, paamuyin ko ng pampatulog para makuha natin ng tahimik yung susi ng rehas sa harap. Hangga't maaari, wag nyong sasaktan yung jail guard.
Tonyo: Teka. Pano ako? anong gagawin ko?
Gaston: Wala. Baka pumalpak na naman 'to dahil sayo. Tumabi ka lang jan at manahimik.
Brando: Malapit na mag 9:00PM magche-check na ng C.R. yung jail guard. Sige na, tago na tayo.
9:30PM...
Gaston: Baka tinamad magcheck ng kubeta ngayon.
Tonyo: Baka nagcheck na, hindi lang natin napansin.
Brando: Gago ka ba? Apat tayo dito, panong walang makakapansin. Syempre pagpumasok yun... leche ayoko mag-explain sayo.
Tonyo: Baka lang naman...
Gaston: Antay pa tayo, baka na-late lang.
Brando: Sakit na ng binti ko dito, kanina pa tayo nakatago, namimitig na yung paa ko.
Delfin: Mabuti pa ganito, gumawa tayo ng setup para mapapunta yung jail guard dito sa CR.
Brando: Pano?
Gaston: Alam ko na. Si Tonyo wala namang gagawin diba? Tonyo, punta ka sa harap, kausapin mo yung jail guard. Mag-imbento ka ng kwento para mapapunta sya dito sa kubeta.
Tonyo: Anong sasabihin ko???
Brando: Ikaw na bahala. Basta yung siguradong pupunta sya dito.
Tonyo: Alam ko na... sige, sige, ako bahala. Punta na ako dun.
Delfin: Oo nga! Kanina pa tayo dito, inaantok na nga ako.
Brando: Teka! Shhhh! May dumadating. Tago!
Tonyo: Ako 'to ako 'to... si Tonyo 'to, wag nyo ako sunggaban...
Delfin: O' ano na?! Asan yung jail guard???
Tonyo: Ayaw pumunta 'e...
Gaston: Diba sabi namin magimbento ka ng kwento na siguradong mapapapunta sya dito!
Tonyo: Yun nga e'! Sinabi ko na nga yung akala kong hindi nya matatanggihan na puntahan! Pero wala, hindi umubra! Hindi siguro nanunuod ng TV yung gagong yun!
Brando: Anong kinalaman ng TV???
Tonyo: Sabi ko may autograph signing dito sa CR ng mag-love team. E' kinanginang yan hindi nya kilala yung Kimerald! Tapos sinabi ko na ibang love team pala yung nandito sa CR, si Bea at John Lloyd, ayaw parin maniwala!
Delfin: Tarantado ka talaga!!! Sira ulo ka, talagang hindi maniniwala yun!
Tonyo: Ahhh Oo nga 'no! Sorry! Ang tanga-tanga ko!... Shaina at John Lloyd na nga pala ngayon.
Gaston: Booyset! Retarded ka gago!
The laser na mata of a Warrior.
The kumikislap na background of a Bulldog.
The umiilaw na sungay of a Tamaraw.
The nagpagpag ng alikabok na pakpak of an Eagle.
The kumikinang na maskara of a Maroon.
The contact lens of a Tiger.
The kidlat effect of a Falcon.
The umaapoy na pana of an Archer.
UAAP season 73
Simula na ng paingayan ng cheering squad.
Sabi ng ilang mga researchers, ang health benefits ng pag-inom ng beer ay katulad din ng health benefits ng pag-inom ng wine. Lumalabas daw sa mga pag-aaral na ang mga babaeng umiinom ng isang bote ng beer at mga lalakeng umiinom ng hanggang dalawang bote ng beer araw-araw ay napapababa ang posibilidad na ma-stroke.
Kung hanggang dalawang bote lang naman daw ang iinumin araw-araw, ang posibilidad na ma-stroke ay bumababa ng hanggang 20% at 30% hanggang 40% na nagiging mas mababa ang posibilidad ng coronary heart disease kumpara sa taong hindi umiinom ng beer.
Sagot namin kayo sa misis nyo hanggang sa pangalawang bote. Sa pangatlo, pang-apat, panglima, pang-anim at sa maga susunod pang bote, kanya-kanyang palusot na kayo jan.
Nung nakaraan sinabi namin sainyo na ginawan ng bagong costume si Wonder Woman (Basahin Dito)
Nag-iwan kami ng isang survey, at eto ang result.