Basagan

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

 "Headache"

Riiing..... riiiiiiiiiing.....

Mrs. Etable: Hello.

Dr. Chavez: Hello, pwede bang makausap si Mrs. Etable?

Mrs. Etable: Si Mrs. Etable na 'to. Sino po sila?

Dr. Chavez: Ah Mrs. Etable, si Dr. Chavez 'to. Napatawag lang ako dahil hindi kayo nakarating ng mister mo para sa weekly check up mo. Importanteng every week talaga ang checkup lalo na't malapit ka nang manganak.

Mrs. Etable: Ay naku pasensya na ho doc. Hindi ho kasi makabangon yung mister ko, lasing kagabi, at matindi ang hangover nya hanggang ngayon.

Dr. Chavez: Ah ganon ba? Sige, may mga kailangan lang naman akong itanong para mamonitor natin ang kalagayan mo. Nahihilo ka ba nitong mga nakaraang araw? Hindi ka na ba sinumpong ng migraine?

Mrs. Etable: Meron parin ho pero konti lang.

Dr. Chavez: Ah sige pag punta nyo dito sa clinic, i-check na lang natin ang blood sugar level mo ha.

Mrs. Etable: Ah sige doc.

Dr. Chavez: Yung sakit ng paa mo nabawasan ba?

Mrs. Etable: Nabawasan naman ho. Halos wala na nga. Nangalay lang siguro dahil mabigat na ang tiyan ko ngayon.

Dr. Chavez: 'E yung sakit ng ulo mo kamusta naman?

Mrs. Etable: Ayun nga ho hindi parin makabangon. Mukang sobrang dami talagang nainom kagabi.

0 comments for this post

Post a Comment