Nanganak na si Krista Ranillo

By mgaepals on 09:01

Filed Under:



Rektahin na natin sa pinaka controversial na allegation ng mga tao. Hindi daw sa asawa ni Krista yung baby, kay Manny Pacquiao daw. Ipakita daw dapat ngayon ni Krista yung bata. Excuse lang sa mga ignorante dyan, pero hindi pa naman makikita sa tabas ng muka nung baby kung sino ang kamuka nya. At least 4 months bago lumabas yung konting-konting features na namana nya sa magulang nya. Pero pano nyo ba balak husgahan yung itsura nung baby? Pag may bigote, kay Manny? Pag panot, sa asawa ni Krista? At wala din namang magagawa kung ipakita nga ni Krista yung bata kahit after 12 years. Dahil sa totoo lang, magkamuka yung asawa ni Krista at si Manny.



Dapat siguro tigilan na lang yung issue. Tapos na yan 'e. Ang nakakaaliw dito 'e yung mga wala namang pakialam sa buhay nila Krista at Manny ang sobrang apektado. Tang*na baket, pag napatunayan na anak nga ni Manny yung baby, gaganda ba ang takbo ng buhay natin? Bababa ba ang presyo ng gas? Hindi na ba gagawa ng horror movies si Kris Aquino? Magiging mura ba ang presyo ng bilihin? Wala. Alam nating lahat na wala tayong mahihita sa issue na yan. Sobrang daming tao lang ba ang walang kwenta ang buhay kaya sobrang relevant na sa kanila ang issue na yan? Puro na nga sila tele serye, tang*na pati drama ng totoong buhay ng iba, gusto din nilang alamin kung ano ang susunod na kabanata? Wow pathetic.


mag asawa at boksingero hugot dito at dito

0 comments for this post

Post a Comment