Eto lang yan...

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Kung sa kakahintay mo ng oportunidad para umunlad 'e walang nangyayare sayo, hindi ba panahon na para ikaw ang gumawa ng oportunidad para sa sarili mo? Kahit gano kadami, at kahit gano kaganda ang mga planong naiisip mo, kung naghihintay ka lang ng magandang pagkakataon para magsimula, anong gagawin mo pag hindi dumating yung pagkakataon na yon. Pababayaan mo na lang bang manatiling magandang idea ang mga naiisip mo habangbuhay? Isipin mo na lang na kailangan mong ligawan ang bawat oportunidad. Pag may nililigawan ka na sobrang gusto mo, sya ba ang hihintayin mong dumating, o sya ang pupuntahan mo?

0 comments for this post

Post a Comment