Kumilos. Umiwas.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Ang daming nagrereklamo kung baket daw puro kahirapan ang nararanasan nila sa buhay kahit mabait naman sila. Pero kadalasan, sila din ang mga klase ng tao na wala namang ginagawa para makaiwas sa pahirap na nangyayare sa kanila. Kahit gano ka kabait kung wala ka namang ginagawang pagkilos para guminhawa, pano mo naman aasahang hindi ka mahirapan? Parang paglilinis lang yan ng ilog na tirahan ng mga buwaya. Sa tingin mo ba porke nilinis mo ang tirahan nila, hindi ka nila lalapain kung may pagkakataon sila? Kailangan nating kumilos para makaiwas. Makaiwas sa kahirapan. Makaiwas sa sakmal ng buwayang gobyerno. Makaiwas sa pahirap ng buwayang lipunan.

0 comments for this post

Post a Comment