Kung totoo ang paniniwala na yan...
...dapat tumaya sa lotto ang reporter na 'to..
Naharang na si "Boss Chip" sa check point ng mga kupal na pulis. Eto ang nagyare.
Galing sa tambay, pauwi na si "Boss Chip" sa kanila sakay ng taxi. Pag dating sa may E. Rodriguez biglang kumadyot ng preno yung taxi. May sasakyan pala sa blind side ng kantong lilikuan nila. Napatingin si "Boss Chip" sa sasakyan tapos nakita nya na police car pala (Yung parang Tamaraw FX na nilagyan ng wangwang.) Inantay nung taxi driver na umandar yung police vehicle pero bumaba yung mga pulis. Dalawa sila. Kinatok yung bintana ng taxi driver kaya binuksan nung driver. Nagtanong yung pulis...
Sumagot si driver...
Medyo kinabahan si "Boss Chip". Inisip nya kung may dala ba syang bawal. Madalas may dalang bagay na bawal si "Boss Chip" noon. (Hindi na namin sasabihin kung ano yung bawal na bagay na yon.) Buti na lang nung mga panahon na yon, wala syang dala.
Nagtanong ulit yung pulis sa driver...
'E gagong pulis pala yun 'e. Assuming? Tapos si "Boss Chip" naman ang kinausap...
- Walang ilaw sa checkpoint-checkpointan nila.
- Pinababa nila yung nakasakay.
- Kinapkapan nila yung nakasakay.
- Pinasok nila yung loob ng sasakyan/taxi.
- Put*ng inang kinuha nila yung yosi!
1. Bawal palabasin ng Police and driver o passengers ng sasakyan
2. Bawal kapkapan ng police ang katawan ng mga nakasakay sa sasakyan
3. Bawal pabuksan ng police ang kompartment o mga nakasaradong lalagyan pati ang mga bags, package etc sa loob ng sasakyan.
Madami pa pero yan ang kadalasang sinusuway ng mga parak sa check points.
Happy 4th Century UST.
Boy Honest: Oo, panget ka gago.
Judge: Do you swear to tell the walang kinalaman sa akin na truth The whole may kinalaman lang sa kaso truth? And nothing but the hindi nakakasakit ng feelings ko truth?
Hindi sa lahat ng oras, mas romantic ang mga taong nakakasagot AGAD sa tanong na "Bakit mo ako mahal?" Minsan, mas pwedeng pagdudahan ang mga taong ganyan. Dahil minsan, yan yung mga taong pinaghandaan ang tanong na yan para magpasweet, o mga taong ilang beses nang natanong nyan dahil papalit-palit ng shota, o kaya yan yung mga taong may nakahanda nang sagot dahil kinailangan pa nilang itanong sa sarili nila... "Bakit ko sya mahal?" Minsan, mas pulido ang pagiging romantiko ng mga hindi nakakasagot agad. Dahil minsan, yan yung mga taong hindi umaasa sa dahilan kung baket sila nagmamahal, basta nagmamahal lang.
Selso: grabe naman 'tong headline sa tabloid... "Manong napatay ng bulldozer."
Tristan: Ay nako, kaya ayokong mag-alaga ng aso 'e.
Selso: Tanga! Buldozer, hindi bulldoger!
Itago mo na lang ako sa pangalang Trina. Para sa mga magulang ko, wala akong ibang dapat gawin kundi mag-aral. Pwede ding matulog, kumain, at maligo, pero pwera dyan, puro aral na dapat. Naaawa tuloy ako sa pwedeng mangyari sa bunso kong kapatid, dahil bata pa lang sya at natatakot ako na baka hindi nya maenjoy ang childhood nya. Buti na lang wala akong kapatid, pero baka kasi magkaron, malay mo lang. Hindi naman buntis ang nanay ko, pero baka lang, in the future. Strict ang parents ko at masyado silang controlling. Hindi ko pwedeng gawin ang isang bagay kung hindi sila papayag. Minsan nakakabuti naman dahil alam kong nakaktulong sa akin ang pinapagawa nila. Kaya kahit sapilitan, sinusunod ko ang mga utos nila. Nasanay na ako sa pakiramdam na walang kalayaan para gawin ang mga gusto ko, at dumating sa punto na sunod na lang ako nang sunod sa mga parents ko para lang hindi magkagulo sa bahay. Mahirap pero maayos ang samahan sa pamilya namin at hindi ko inaasahan na dadating ang araw na mahihirapan ako ng todo sa i-uutos ng magulang ko. Pero nagkamali ako Kuya Chiko, nagkamali ako.
Naging masunurin akong anak mula pa nung magkaisip ako. Nung una, iniintindi ko na lang sila at iniisip ko na concern lang si Mama at Papa, dahil batang-bata pa ako at marami pa akong kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo, at nagkakamali ako kung akala ko na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang. Pero umasa ako na pag-graduate ko ng high school, mas magiging maluwag na sila at mas bibigyan nila ako ng pagkakataon magdesisyon para sa sarili ko. Pero hindi pala.
Nung bata ako, pangarap kong maging taga-develop ng film ng camera, pero nung nalaos ang mga camera na may film, nabago ang pangarap ko at gusto ko na lang maging taga-halo ng pintura sa hardware. Pero tutol ang mga magulang ko sa pangarap ko. Pinaglaban ko ang pangarap ko pero sa huli, mga magulang ko parin ang nasunod at napilitan akng kumuha ng kursong dentistry kahit na takot naman ako magpadentist mula pa nung bata ako. 8 times a day nga ako nagtu-toothbrush dahil ayaw kong magkaproblema sa ngipin, para hindi ko kailanganing bumisita sa dentist. Sobrang ayaw ko maging dentist, dahil takot nga ako sa dentista, at dahil hindi sila naghahalo ng pintura sa hardware. Pero pinagtiisan kong pag-aralan ang kurso ko para sa mga magulang ko. Ngayon, malapit na akong grumadweyt, at namumroblema ako. Pano ko gagampanan ang pagiging dentista kung takot ako sa dentista? Anong gagawin ko Kuya Chico? Gusto kong pagbigyan si Mama at Papa at tapusin ang kurso ko, pero ayaw kong maging dentista dahil ayaw kong matakot sa sarili ko. Sana ay mapayuhan mo ako bago mag-graduation day.
Lubos na gumagalang,
Trina
Kagaguhan ang senate bill na yan. Ano yan, para mas matakot magreklamo ang mga tao? Para mas magdalawang-isip magsumbong yung mga may insider's knowledge sa mga kalokohan ng gobyerno. Kung ang dahilan ni Bong Revilla Jr. 'e para daw hindi ma-abala ang pagtatrabaho ng officials na mapagbintangan, edi bilisan imbistigahan ang kaso, para makabalik sila agad sa pagnanakaw, paglilingkod pala!
Hindi kailangan ng Senate Bill na yan. Pano kung may kutob ka na may kagaguhang ginagawa ang isang government official, pero hindi ka makakuha ng sobrang solid na ebidensya dahil simpleng mamamayan ka lang? Wag na lang ba magsumbong? Wag na lang ba magreklamo dahil baka makulong ka? WAG NA LANG IMBISTIGAHAN? Ikalat nyo ang rant na 'to para malaman ng mas madaming tao, at mapigilan ang kabobohan na yan.
Mas Epal: Ay naku, puno yung ref ko ngayon.
Epal: Baket? Tuwing bubuksan ko yung ref mo tubig lang naman laman nun 'a.
Mas Epal: Pinuno ko kasi ng beer. Dadating kasi yung mga pinsan ko galing probinsya, mag-iinuman kame.
Epal: Baka naman pwedeng isiksik 'tong macaroni salad ko. Sayang 'to 'e.
Mas Epal: Wala puno talaga 'e. Pero ikaw, subukan mo. Tara.
Epal: Tang*na puno nga 'a. Pano kaya 'to?... Teka...
Mas Epal: Baket?
Epal: 'E wala namang laman yung ibang bote ng beer dito 'a!
Mas Epal: Syempre! Para yan sa ibang pinsan kong hindi umiinom!
Epal: Ah ok... pwedeng pahingi?
Mas Epal: Yung may laman, o wala?
Epal: Kahit ano, ihahampas ko lang sa pisngi mo. Palitan ko na lang.
o kaya pahahawakin ka sa mahabang stick na panglinis ng swiming pool.
Boying: Kowya! Kowya! Bakeyt ganitow akow magsaleyta?
Kuya: 'E kasi Boying, hindi ka pa tuli.
Boying: Eynay! Eynay! Bakeyt ganitow akow magsaleyta?
Kinandado daw ng BIR (Bureau of Internal Revenue) ang mga tindahan na hindi nagbibigay ng official receipts at mga hindi nagbabayad ng VAT. Ang 475 na tindahan na na-podlockan ay mga stalls sa 168 Mall, 999 Mall, 1188 Mall. Tutuban Center, at Divisoria Mall.
Badtrip naman. Kung uubusin nila yung mga tindahan sa malls na yan, san na tayo bibili nitong mga 'to?...
Eddie Gil: Ako, ako si Eddie Gil.
Cheche Lazaro: Oo nga po. Pero, paano ninyo po ide-describe si Eddie Gil? Sino po siya?
Eddie Gil: Ako. ako nga si Eddie Gil.
Patricia Martinez
Julia Clarete
Cherry Pie Picache
Microphone
Coco Martin
Ang laki-laki. Ang laki-laki... ng bowling balls. Akala mo magiging bastos na naman kami 'no?
Ang palitan ngayon ay 44.1403664 pesos para sa bawat 1 dollar. Kung makakakuha ang Marcos victims ng 1000 dollars, halos 45,000 pesos yun! Wow! Isipin mo, pagkatapos ng 25 years, mabibigyan na sila ng pera!
44.1403664 ang palitan ng dollars ngayon.
Bale ang 1000 dollars ay equivalent sa 44,140 pesos
25 years silang naghintay.
May 9,125 days sa loob ng 25 years.
Kung hahatiin ang 44,140 pesos sa 9,125 days...
Lalabas na 4.8 pesos ang makukuha nila sa bawat araw ng paghihintay nila.
Woooow! Tumataginting na 4 pesos and 8 cents yun bawat araw para sa mga biktima ng execution, torture, at abduction.
Buti na lang mabilis sila mag-process ng kaso.
Baket kinokontra ng iba yung pagbili ni Noynoy ng Porsche. Ano ngayon kung gumastos sya ng 4.5 million pesos para sa kotche? Ang daming nagsasabi na dapat daw 'e maging mabuting example sya ng pagtitipid, at hindi naman daw nya kailangan yung Porsche. Gago ba sila? Sariling pera naman nya ang pinambili nya. Kailangan magtipid kung kailangan mong magtipid. Ibig sabihin 'e kung wala kang extra cash sa personal budget mo, wag ka nang gumastos sa luho. Pero hindi nya kailangan magtipid, mapera ang pamilya nila. At dahil sa mga koneksyon ng utol nyang si Kris, malamang nakukuha ng libreng merchandise si Noynoy. So may karapatan syang gumastos dahil nababawasan ang gastusin nya. Wala naman syang pangpamilyang responsibilidad. Single sya, karapatan nyang mag-enjoy. At kung sasabihin nila na hindi naman kailangan ni Noynoy ng Posrche, sa totoo lang, kailangan nya. Kailangan nya ng mga bagay na pangpa-pogi.
pinaglaruang picture hugot dito
Napa-abot sa amin na may sobrang nag-e-effort na kup*lin ang Pilipinas sa Facebook. Hindi na natin ilalagay dito kung sino, at papano nya/nila ginagawa ang paninira dahil gakulangot lang ang pwersa nila. Kung babanggitin pa dito baka sumikat lang. Karamihan naman ng nakikisali sa kanila, nakiki-usyoso lang at kontra naman sa mga pinagsasasabi nung retarded/mga retarded na yon. Sa ngayon, may higit-kumulang 5,000 na members ang fan page na yon. Pero sa tantsa, mga apat lang sa members nila ang galit sa Pilipinas dahil tuwing may ipuputok sila, inuulan sila ng mura. Masaya na kami don.
Minsahe lang ng pagpapaalala para sa lahat. Inang bayan... Ina. Sinabi na namin noon, na sa away walang damayan ng "nanay". Mandamay ka na ng syota, mandamay ka na ng asawa, mandamay ka na ng kalaro, kaibigan, kapitbahay, kapuso, kapamilya, kapatid, pero off-limits ang nanay kung wala naman syang ginagawang masama. Kaya kung galit ka sa mga Filipino, wag mong idamay ang Pilipinas. At kung galit ka sa gobyerno ng Pilipinas, wag mong idamay lahat ng Pilipino.
Kung baga sa pamilya, ang taong bayan ang mga anak, ang Pilipinas ang nanay na ilaw ng tahanan, at ang gobyerno ang mabisyo at lasinggerong tatay na nananakit ng nanay.
Nabanggit na namin noon, uulitin lang namin ngayon; May mga bobong Pilipino, walang bobong Pilipinas.
Nung nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival), ni haplos tungkol sa mga nangyari na may kinalaman sa mga kasaling pilikula at mga "awards" na nakuha nila, walang pinaputok dito sa MgaEpal.com. Hindi dahil wala kaming paki-alam, pero dahil ang ganda ng isang pilikula ay subjective sa manonood. Masyado nang madaming humatol tungkol sa mga issues ng nakaraang MMFF, wala na kaming nakitang dapat pang himayin. Pero nitong nakaraan lang, umire ng baho ang issue. Ang mga "characters", direct Alfonso Martinez (Son of actor Albert Martinez, and actress Liezl Martinez) Wenn Deramas, at Ai Ai delas Alas.
Binagsak ni Alfonso sa Twitter ang...
“I am sorry, but how the fuck can a shallow, stupid and over milked movie win best director? Apparently to the magical MMFF grading system, the pinacle of Philippine cinema is a brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Phil! OH WAIT! I guess the movie is successful after all.”
Ang unang reaksyon ni direct Wenn ay simple...
"God bless na lang,"
Pero hindi din siguro sya nakatiis, dahil after awhile bumira na sya ng...
“Pagkatapos kong mabasa kanina ang tweet ng anak ni albert martinez, sinabi ko sa sarili ko na pag-aaralin ko ng mahusay ang mga anak ko sa paaralang Itinuturo ang PAGTANGGAP NG MALUWAG SA DIBDIB NILA KAPAG NATATALO!!! Bakit sa Tweeter lang isinisigaw, lubos lubusin na natin ang sinabi ni Alfonzo Martinez sa akin at sa Pelikulang Tanging Ina Mo, Last na To!”
Nangati din ang si "Best Actress" Ai Ai, at sa Facebook naman sya nagkamot ng...
“Kaibigan ko si Liezl at pag nakita ko sila ni Albert, sasabihan ko: Turuan nyo ang anak nyo ng mabuting asal. Wala siyang alam sa industriya ng nanay at tatay niya kaya wala siyang karapatang magsalita ng fucking stupid. At hindi na siya bata, kaya pwedeng patulan (he-he-he.) Kasi ang mga anak ko, pag natatalo ako or may masakit na nangyari sa akin, ang dialogue nila: ‘Mama, wag ka nang ma-sad. Marami naman tayong blessings.’ Ganun lumaki ang mga anak ko. May breeding.”
Sa totoo lang, nakakabilib ang ginawa ni Alfonso. Pinasabog nya ang gusto nyang sabihin kahit bigaten ang masasagasaan. Ang kagaguhan lang nya, ay hindi nya sinabi in a civilized manner. Hindi din nya na-consider na dala nya ang pangalan ng nanay at tatay nya. Mali talaga.
Sa sagot naman ni Wenn Deramas na "God bless na lang.", halata namang may bitterness na halo yan. Pero classy parin dahil hindi na nya pinatulan. Pero sa sumunod na banat nya, dun pumasok ang kababawan. Hindi naman si Alfonso ang hiniritan nya. Mga magulang ni Alfonso ang pinatatamaan. Ganon din sa message ni napakagaling na Ai Ai de las Alas, pinapalabas din nya na product ng paraan ng pagpapalaki ni Albert at Liezl ang ginawa ni Alfonso. Kalokohan.
Hanggang sa edad na 13, katanggap-tanggap pa siguro na sisihin ang magulang sa kalokohan ng anak nila, pero sa Edad ni Alfonso na 23 0 24 na, hindi na lahat ng gagawin nyan umuugat sa magulang. Yung mga lasinggero, sa tingin mo ba alak ang pinapadede ng magulang nila sa kanila nung baby sila? Natuto ba mang-isnatch ng kwintas ang mga adik dahil hindi sinabi ng mga magulang nila na masama yon? Sa mga sinabi ng Wenn at Ai Ai, gusto lang nilang sumama ang loob ni Albert at Liezl kay Alfonso. Gusto lang nilang pumatol ng indirectly at pausukin ang tumbong ni Alfonso sa pamamaraan ng pagdadamay ng magulang nya. Ito ay magandang halimbawa ng "Gago" vs. "Bobo". At kahit kailan, mas may silbi ang gago kesa bobo.
Humingi na ng sorry si Magsaysay...
Isang araw, may isang binata at isang matanda na nag-uusap sa bulwagan ng tribo nila...
Binata: Amang, diba kayo ang nagbibigay ng pangalan sa mga katribo natin?
Matanda: Oo, ako nga.
Binata: Pano nyo po ba iniisip kung ano ang magiging pangalan ng mga pinapanganak dito sa tribo natin?
Matanda: Madali lang yan. Pag babae, may "Girl" sa umpisa tapos dudugtungan ko ng kung ano man ang una kong makita pagkatapos nyang lumabas sa sinapupunan.
Binata: So nung pinanganak yung ate ko, may nakita kayong dilaw na bulaklak? Kaya ba Girl Dilaw Na Bulaklak ang pinangalan nyo sa kanya?
Matanda: Oo. At ganun din pag lalake. May "Boy" sa umpisa tapos dudugtungan din ng kung ano man ang una kong makita pagkapanganak sa kanya.
Binata: Badtrip naman.
Matanda: Baket ka badtrip Boy Dalawang Langaw Na Nagse-sex?
Nakahiga sa kama, nananaginip nang dilat
Lasing sa alak, lasing sa pangarap
Tanaw ko ang langit, sa gabing maulap
At nang nahawi ang ulap, mga bituin ay nasipat
Blangko ang utak, nakatitig sa mga tala
Malayo ang tingin, sa langit tulala
Ang ihip ng hangin, malamig na biyaya
At pagsilip ng buwan, ramdam ko ang hiwaga
Sa aking pagkakahiga, lumipas ang mga minuto
Ang tulala kong utak, biglang tumakbo
Wala namang bintana, dito sa aking kwarto
Baket kita ko yung langit, nasan yung bubong ko???
-MgaEpal.com
Santi: Pare lasing ka na, naihian mo yung pantalon mo 'o.
Roland: Hindi pare ikaw ang lasing, hindi mo napapansin naka-bukas pa yung zipper mo.
Santi: Pare hindi ako lasing, tumitigas pa yung bird ko 'e. Ikaw ang lasing.
Roland: Pare hindi din ako lasing, matigas din yung akin 'oh!
Santi: Pare lasing ka na... akin yang hawak mo 'e.
Jastin Bebir
Justin Bibe
Howard: Dad, sabihin mo sa mga tricycle driver na wag iihi sa garden natin pag gabi!
Dad: Sige anak, bukas ng umaga sasabihan ko silang bawal umihi sa garden.
Howard: Hindi, wag! Sabihin mo lang wag sa gabi. Hindi ko kasi makita.
Dad: Ano ka ba?! Dun ka sa kusina sumilip, kita don!
Epal: Ang aga mo 'a.
Mas Epal: Wala, hindi na natuloy yung date.
Epal: Baket?
Mas Epal: Binasted nako ni Linda.
Epal: Sabi mo kahapon sigurado ka nang sasagutin ka nya ngayon?
Mas Epal: Ewan! Mga babae, magulo talaga mag-isip.
Epal: Totoo yan.
Mas Epal: Sabi pa nya nung una, maging galante lang daw ako, sasagutin na nya ako.
Epal: Mukang pera pala yang lindang yan 'e! Buti na lang hindi naging kayo.
Mas Epal: Oo nga. Pero dahil gusto ko talaga sya non, nag-effort pa ako.
Epal: Anong ginawa mo?
Mas Epal: Tinanong ko sya kung anong gusto nya.
Epal: 'O anong sabe?
Mas Epal: Kahit ano daw, basta may diamond.
Epal: Hayop naman sa request! Anong naman binigay mo?!
Mas Epal: Baraha... May flowers pa yun...
Epal: May hearts pa. Galante ka na, sweet ka pa!... May kwenta din pala yang kaabnoyan mo.
Yan ang Power Balance, na may discription na...
"Performance Technology designed to work with your body’s natural energy field. Founded by athletes, Power Balance is a favorite among elite athletes for whom balance, strength and flexibility are important."
At gumagana daw dahil...
"Power Balance is based on the idea of optimizing the body’s natural energy flow, similar to concepts behind many Eastern philosophies. The hologram in Power Balance is designed to resonate with and respond to the natural energy field of the body"
Pero nitong nakaraan, inutusan ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) ang Power Balance na aminin na nag-"engage in misleading conduct" sila sa pamamagitan ng mga advertisements at promotions nila dahil wala silang credible scientific evidence na totoo ang sinasabi nilang nagagawa nung makapal na rubber band na yan.
Mga promotions tulad nito...
May mga nagsasabing totoo ang effect ng Power Balance. May mga komokontra din na nagsasabing nasa utak lang daw ng gumagamit yan. Mind over matter na may halong positive thinking lang daw ang nangyayare.
Naglabas ng statement ang Powerbalance...
"In our advertising we stated that Power Balance wristbands improved your strength, balance and flexibility. We admit that there is no credible scientific evidence that supports our claims and therefore we engaged in misleading conduct in breach of s52 of the Trade Practices Act 1974. If you feel you have been misled by our promotions, we wish to unreservedly apologise and offer a full refund."
Madami ang na-disappoint dahil wala naman daw pagbabago nung sinuot nila yung Power Balance; Mga basketball player na hindi lumakas ang talon, mga acrobat na hindi gumaling mag-balance, mga baseball players na hindi lumakas pumalo, mga adik na hindi lumakas ang tama, mga hindi natuto magbisikleta, mga torpe na hindi lumakas ang loob, mga babaero na nabuking dahil hindi natuto magbalance ng sabay-sabay na syota, mga waiter na natapon ang dala, mga kalabaw na hindi lumakas mag-araro, at mga pasosyal na hindi parin nagmukang sosyal kahit gano kadaming Power Balance ang sinuot nila habang nagwe-wakeboarding.