"Mentally Traydor"

By mgaepals on 08:03

Filed Under:

Kung may sama ka ng loob, ipaalam mo, diretchahin mo, at wag mong itago. Minsan tanga ka. Naiinis sa bagay na akala lang pala. Pano sasagot ang taong kinaiinisan mo kung nasa utak mo lang ang reklamo. Pano sya matututo kung hindi mo pagsasabihan? Pano nya ipagtatanggol ang sarili nya kung hindi mo kokomprontahin? At pano mo masisigurado na hindi mali ang akala mo kung hindi nyo pag-uusapan. Duwag lang ang nagtatampo ng patago. Mga taong makitid ang utak lang ang hindi nagbibigay ng pagkakataon. At traydor lang ang nagtatago ng hinanakit.

0 comments for this post

Post a Comment