"Counterpart" (Warning: Para sa may utak lang.)

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Kung ang mga Amerikano ay may magaling na BIRD na laging nakakashoot...
Larry Bird (NBA Legend)


At ang mga taga Kazakhstan ay may nakakatawang BORAT na laging malikot...
Borat (Movie Character)


Ang mga Pilipino naman ay may malaking PENNISI na laging galit.
Mick Pennisi (PBA Player)

Kuha mo?


pictures hugot dito, dito, dito

Lunukin mo.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Ang taong pinaglalaban ang tama, may paninindigan. Ang taong pinaglalaban ang mali? Mapride lang. Ugali ng karamihan magmatigas kahit alam nating nakatirik ang punto natin sa mali? Masyado tayong takot tumanggap ng pagkakamali dahil nakakatakot mahusgahan. Pero sa process ng pagprotekta natin sa sarili nating pride, kadalasan, ang mga relationship natin ang nalalagay sa alanganin. Nanjan ang pagmamatigas ng mga anak sa magulang kahit alam nilang tama ang pinapagawa sa kanila, at ganun din ang magulang na hindi tumatanggap ng pagkakamali nila sa anak nila. Meron ding mga magkakaibigan na nagkatampuhan at nagpapatatagan dahil masyadong mataas ang pader ng pride nila para makpunta ang "sorry" sa kabilang bakuran. At syempre anjan ang mga "in a relationship", "engaged", at "married" na nagiging "its complicated" dahil pinipiling maging patience kesa maging humble... Patience sa pag-aantay na magsorry yung isa at hindi kayang maging humble sa pagtanggap ng pagkakamali. Alam mo naman kung nagiging defensive ka na lang, at wala namang nakakahiya sa pagtanggap ng pagkakamali at pagsosorry, dahil matatalinong tao lang ang kayang maka-realize na mali sila habang galit. Kung yung papel nga sa siopao na nakalimutan mong tanggalin, kinakaya mong lunukin, dahil nanghihinayang ka sa kapirasong siopao na iluluwa mo. Baket hirap na hirap kang lunukin ang pride mo kung mas importante sa kapirasong siopao ang mawawala sayo? Mas madali bang lunukin ang papel kesa sa pride? Ganito na lang... Kung alam mo nang mali ka at hindi mo kayang lumunok ng isang buong manila paper, wag ka nang papalg.

Binati ni Christine Reyes si Zanjoe Marudo.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Inaway ni Christine si Zanjoe pero binati na nya si Zanjoe ngayon. Natuwa naman si Zanjoe sa pagbabati ni Christine sa kanya. Pagkatapos mabastusan nii Christine sa paguusap ni Zanjoe at ng kaibigan nitong direktor na si Willie Cuevas sa Twitter, mabilis naman binati ni Christine nung nagsorry si Zanjoe. Sana lang matuto ang lahat sa pahapyaw ni Christine na wag naman sa Twitter pag-usapan ang mga pambabastos. Pwede naman sa text. Kung tutuusin, sports naman yan si Christine at malamang alam naman nya na normal maging topic of conversation ng kalalakihan ang katawan nya, pero nung garapalang ginawa ng taong kakilala pa nya, dun na siguro sya nasaktan.


Ang pantasya minamahal, hindi sinasaktan.

Live Online Radio

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:




You are currently listening to Rj FM 100.3


Station Select


Patience for her virtue.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Carl: Salamat nga pala dahil pumayag kang makipag-date saken ha.

Joanna: Ano ka ba, wala yun. Enjoy ka naman kasama 'e.

Carl:
Baka gusto mong magkape mamaya. Dun muna tayo sa condominium ng parents ko, wala namang tao ngayon dun.

Joanna: Hey I like you ha, pero didiretsohin na kita Carl. Even if I like someone, nag-aantay ako ng at least 3 months before I go to bed with him.

Carl: Alam mo Joanna, dahil jan sa sinabi mo, mas tumaas ang respeto ko sayo. Pwede ba kitang yayain mag-date ulit?

Joanna: Oo naman. Kailan?

Carl: Mga after 3 months.

Photo op: Sexy?... Ninja?

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

sexy...


ninja...


sexy...


ninja...


sexy ninja.


Sa Totoo Lang...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Go.

Ang pinaka ginagamit na password sa buong mundo ay "123456"

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Meron sa inyong makakabasa nito na mababadtrip at magpapalit ng password.

"Tatanga-tanga ka kase."

Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Epal: Oh anong nangyari sayo?!

Mas Epal: Wala. Baket?

Epal: Anong wala??? Ba't wala kang kilay?!!

Mas Epal: Ah eto? Inahit ko.

Epal: Baket? Uso ba yan sa mga gago?!!

Mas Epal: Leche! Para sa pag-ibig 'to!

Epal: Ano? Baket?!

Mas Epal: Nililigawan ko kasi yung pamangkin ni Aling Baby. Si Kim.

Epal: Kaya ka nag-ahit ng kilay??? Cute ba yan?!

Mas Epal: E' ayaw daw kasi ni Kim ng lalakeng may facial hair.

Epal: Ay gago...

Mas Epal: Baket?

Epal: Halika dito... May i-e-explain ako sayo tungkol sa facial hair ha... mag-ready ka nang umiyak.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Uminom ka na lang, uminom ka na lang...


Buti na lang hindi masarap ang beer sa panlasa ng bata.
Kung nagkataon, kaagaw pa natin yang mga yan..

Iniyakan mo na ba ang noodles? Hindi pa? Wala panis ka dito.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:



"Noodles is the root of all evil."

Ang kasalanan ng taong bayan ay hindi kasalanan ng inang bayan.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:



Pakwela ni De La Hoya.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

OSCAR DE LA HOYA COFESS WHY FLOYD DOES NOT WANT TO FIGHT MANNY



Floyd Mayweather Jr.
May tunay na lasa ng real CHICKEN.

Right mistake...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


"Ok na sana, nag-apology-apology pa, booyset..." -George

Old School Bolahan

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Lolo: Mining, na-heart attack ako.

Lola: Hoy Lucio wag kang nagbibiro ng ganyan! Ayaw ko ng ganyan!

Lolo: E' anong magagawa ko? Totoo namang inatake mo ang puso ko. Binihag mo pa for 53 years.

Lola: Korni!

Lolo: E' ba't ka naka ngiti?

Lola: E' baket ba? Anong pakelam mo?

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 11

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Dear kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ambet. May tatlong taon na mula nung grumadweyt ako ng college. Nagtapos ako ng course na nursing sa isang hospital na naki-uso at naging nursing school para pagkakitaan ang mga taong tulad ko na nag-akala na magiging in demand ang mga nurse hanggang sa ibang planeta. Nung grumadweyt ako, naghanap agad ako ng trabaho dahil agawan sa bakanteng spot ang mga bagong nurses. Sa kabutihang palad, napasama ako agad sa listahan ng mga under consideration para maging resident nurse sa isang hospital. Pang 472 daw ako sa listahan at tatawagan daw nila ako agad pag nagkaron ng opening. Pag siniswerte ka nga naman.

Habang nag-aantay ako na matawagan, hindi ako lumalabas ng bahay. Iniisip ko kasi na baka magkaron ng opening dun sa hospital, at pag tinawagan nila yung 471 na nauna sa akin baka busy lahat ng land line nila, at sana low bat ang cellphone nilang lahat. Pero makaraan ang 2 days, nawalan na ako ng pag-asa. Sinubukan kong maghanap ng trabaho sa internet. May mga opening na nursing position sa ibang bansa kaso ang gusto nila ay yung may 2 years experience. Naisip ko tuloy maging volunteer nurse sa mga hospital na nang-e-exploit ng mga nurse na nangangailangan ng experience para makapagtrabaho sa ibang bansa. Sinuwerte naman ako dahil ok ang napasukan kong hospital bilang volunteer nurse. May libreng bananacue tuwing Thursday, at walang bayad gumamit ng CR.

Isang araw, habang on duty ako sa hospital, tumawag ang mama ko. Ibebenta na daw nila ang bahay at lupa namin sa Laguna at gagamitin nila ang pera sa pagreretiro. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy ang buhay. Naging mabait at mapagmahal ang mama at papa ko. Nag-iisa akong anak kaya spoiled ako. Ngayon na malaki na ako, panahon na siguro na sila naman ang magpasarap. Kaso wala akong mamanahn, badtrip.

Every month, nagpapadala ang mama at papa ko ng mga postcard kung saan na sila nagbabakasyon. May post card galing Mexico, Australia, Jamaica, Quiapo, London at iba pang lugar. Kahit naiinggit ako sa kanila, natutuwa din ako dahil muka silang masaya. Hinihiling ko gabi-gabi ang kaligtasan nila at pinagdarasal ko na sana ay pinagdadasal din nila ako.

Nung makuha ko ang 2 years experience na kailangan para makapag-nurse sa ibang bansa, akala ko madali na. Pero dahil hindi na ganon ka in demand ang nurses at madami na din ang bansa na nagmamanufacture ng nurses lumipas ang isang taon na wala akong ginagawa. Napagpasyahan ko na magtrabaho sa call center para matustusan ang pangangailangan kong magpost sa Facebook ng pictures na nagbabakasyon ako at gumigimik. Akala ko magiging routine na ang buhay ko at wala na akong ibang gagawin kundi magtrabaho nang biglang...

Tumawag si mama. May promo daw ang susunod nilang bakasyon. Buy 2 tickets get 1 free. Baka may kilala daw ako na gustong sumama sa kanila. Muntik ko nang murahin si mama. Sinabi ko na ako na lang ang sasama. Natuwa si mama at sinabing bukas na bukas din ay ipapadala nya ang ticket. Nung dumating ang ticket, nakita ko na sa Tibet pala kami pupunta. Nag-empake ako agad at nagpaalam sa opisina.

Pagdating sa Tibet, sinalubong ako ni mama ng yakap, si papa, apir lang daw dahil ayaw daw nya ng affection in public. Pero hindi ako nakatiis at niyakap ko si papa. Niyakap din naman nya ako bago nya ako sinikmurahan. Doon sa Tibet, enjoy lang kami. Kain sa labas. Kuhaan ng picture para sa Facebook. Punta sa mga tourist spots. Sa huling araw ko sa Tibet, niyaya ako nila papa sa isang temple. Madaming turista sa temple, at sa labas ay may nakita akong matandang nagbebenta ng mga lumang libro. Mga libro daw ito ng self awakening at realizations. Binili ko agad dahil libre naman ni papa.

Pag-uwi ko sa Pilipinas, balik trabaho na naman ako. Isang madaling araw, kararating ko lang sa inuupahan kong condo, nakaramdam ako ng gutom. Pandesal lang ang nakita ko at para mapasarap, nagtimpla ako ng kape. Nung matapos akong kumain, naalala ko na hindi pala ako dapat uminom ng kape dahil hindi ako makakatulog. Naisip kong magpaantok muna sa may terrace. Nagyosi muna ako, at para mapasarap, nagtimpla ulit ako ng kape. Lumipas ang dalawang oras at hindi parin ako inaantok. Naalala ko yung librong binili ko sa Tibet. Inisip ko na sana boring yung libro para antukin ako. Pero mali pala ang ginawa ko dahil sobrang nagustuhan ko ang pagbasa nung libro. Sinimulan ko sa simula, at natapos ako nung nasa katapusan na. Madami akong natutunan sa libro. Pero ang pinaka tumatak sa utak ko ay ang pagiging praktikal. Hindi daw mabubuhay ang tao kung pura materyal na bagay lang ang gugustuhin nya.

Lumipas ang ilang araw Kuya Chico. Pinag-iisipan ko parin ang mga nabasa ko. Naisip ko na ang dami kong ginagastosan na hindi ko naman kailangan. Naisip ko din na yung mga sinaunang tao naman ay hindi naman maluho pero kinaya naman nila mabuhay. Alam kong kaya ko din mamuhay ng simple kaya nagkaron ako ng idea para sa isang life-changing experience. Magiging caveman ako.

Hindi na ako magtatrabaho at manghuhuli na lang ako ng hayop para kainin. Mamimitas na lang ako ng mga prutas at gulay. Hindi na din ako bibili ng mga damit, at bahag o kaya balat ng hayop na lang ang isusuot ko. Pwede kong gawing damit ang balat ng wolf, cow, lion, bear, o kaya bangus. At titira lang ako sa cave. Madami na ang nagsabi na kalokohan ang kagustuhan kong maging caveman, pero sigurado na ako na ito ang gusto ko. Kailangan ko lang ng tulong mo Kuya Chico. Saan ba merong pwedeng upahan na kweba? Kahit 2 bedroom lang, basta may parking. Sana ay mabigyan mo ako ng sagot sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang,
Ambet


Title: Tibet

Welding

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang." -MgaEpal.com


Sige, i-marinate mo muna ang utak mo jan.

Marunong umintindi.

By mgaepals on 10:26

comments (0)

Filed Under:




Kahit mukang pangteleserye ang delivery nya sa message na 'to, it's the thought that counts.




May talent si boyband.

10AM

By mgaepals on 09:05

comments (0)

Filed Under:

Loid: 'O pare mukang stressed ka 'a.

Henry: Namumrublema kasi ako pare...

Loid: Ano bang problema mo? Baka makatulong ako.

Henry: Tuwing 10:00AM kasi napapaginipan ko na nakasakay ako sa kabayong lumilipad.

Loid: Anong problema dun?

Henry: Hindi lang yun. Sa panaginip ko, nililibot namin ang buong mundo. Tapos kumakain kami sa ulap ng cotton candy.

Loid: Ang ganda naman nun... Tuwing 10:00AM yan ang panaginip mo?

Henry: Oo.

Loid: Ano namang masama don?

Henry: Pare 8:00AM pa lang, gising na ako.

MgaEpal.com True Stories : Human Grease

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Ito ay galing lang sa isa sa amin dahil sya lang ang nagkaron ng PERSONAL na encounter sa "taong grasa". Ito ay mula kay "Boss Chip"...

Kwento ito. Pasensya na. Nangyare years ago nung magpapapicture ako sa studio malapit dito sa amin, dahil akala ko kailangan magdala ng picture sa LTO pag kukuha ng lisensya (Mga 17 years old siguro ako non.) Tapos na akong kunan ng picture at antayin ko na lang daw. Nagyosi muna ako sa labas. Sa tabi ng studio, may kiosk na nagbebenta ng mga balls (fishballs, squidballs, chickenballs, kikiamball at samalamigballs) . May umupong taong grasa sa may tabi ng kiosk...

Tahimik lang yung taong grasa na nakaupo sa sahig. Mukang nagpapahinga lang dahil pagod sa kakalakad.

Tindera sa kiosk: Hoy! Umalis ka nga dito! May mga customer na kumakain!

Hindi ako makapaniwala na sinigawan nya yung taong grasa. Nasa sahig lang naman yung tao at walang ginugulo. Hindi din naman sya mabaho dahil mejo malapit ako sa kanya, wala naman akong naaamoy.

Sumigaw ulit yung tindera...

"Hoy! Ano ba! Wag ka dito!"

Naaawa na ako dun sa taong grasa. Hindi ko na nahihithit yung yosi ko dahil natulala na lang ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung baket, pero naramdaman ko na bumibilis yung tibok ng puso ko. Mukang sumisipa yung adrenaline ng katawan ko dahil naiinis ako sa tindera nung kiosk. Nakatingin ako nun sa tindera pero wala akong magawa. Pero nung nakita ko yung muka nung taong grasa na nahihiya at mukang nag-iisip kung saan sya pwedeng magpahinga na hindi sya mapapahiya, hindi na umandar yung utak ko. Bigla na lang ako napatayo.

"Boss Chip": Miss dalawang kikiam para sa kanya.

Kasya lang para sa dalawang kikiam yung pera ko non, sukli lang sa bayad ng pagpapicture ko. Alam kong hindi sya mabubusog sa dalawang kikiam. Binilihan ko lang sya ng kikiam para hindi na nya kailangan tumayo ay lumipat ng pwesto para pakapagpahinga. Hindi na sya pwedeng paalisin nung gagong tindera dahil customer na sya.

Hindi ko na alam kung ano yung naging reaksyon nung tindera at nung ibang customer dahil hindi ko na sila tiningnan. Nagsindi ako ulit ng yosi tapos inantay ko lang umalis yung taong grasa. Hindi sya nag-thank you, tinapik lang nya yung tuhod ko nung aalis na sya tapos tumungo lang. Tumungo lang din ako, hindi ko kailangan ng thank you, madami nang nasabi ang tunguan namin na yon. Umalis na din ako agad sa tapat ng kiosk dahil ayaw ko ng mga eksenang pabida. Tapos kinuha ko yung pictures ko para sa LTO na hindi naman pala kailangan.

Tuwing nakakakita ako ngayon ng mga taong grasa, minsan nag-aabot ako ng barya, minsan hindi. Sa tingin ko, ang pinaka masarap na tulong na pwede nating ibigay sakanila ay ang hindi sila pandirihan... hindi sila tingnan na mukang takot tayo... IPARAMDAM NA NAIINTINDIHAN NATIN YUNG KALAGAYAN NILA. Hindi na siguro natin kailangan ng matabang bulsa para magawa yan.

Kung iisipin ko ngayon, mali pala yung ginawa ko nung pinapaalis yung taong grasa sa may kiosk. Hindi ko na pala dapat inantay na sigawan sya ng pangalawang beses.


Ang pabasang 'to ay naging response dito

Pakikiramay at pag-intindi.

By mgaepals on 23:19

comments (0)

Filed Under:



Sana ay mapaabot ang mga mensahe ng mga Pilipinong nakikiramay sa Hong Kong. Ang nangyari ay nagdulot ng kawalan para sa Pilipinas at Hong Kong pero mas higit sa panig nila. Isipin mo kung Pilipino ang napahamak dahil sa kabobohan ng mga pulis sa ibang bansa, malamang matinding galit din ang mararamdaman ng Pilipinas. Kung makarinig man tayo ng masasakit na salita mula sa kanila sa mga susunod na araw, linggo, o buwan, wag na natin patulan. Intindihin natin ang galit na nararamdaman nila sa gobyerno natin. At subukan natin ipaintindi sa kanila na hindi lahat ng Pilipino ay gago at marami ang marunong makiramay.

Ito lang ang maliit naming parana para maintindihan at hindi madamay ang mga Pilipinong naninirahan/nagtatrabaho sa Hong Kong.

Help the world forgive... Our Overseas Filipino Workers (especially in Hong Kong) needs to be understood. It's a small start with huge expectations. Help our people regain the trust of the world which was tarnished with the past unfortunate event. THIS IS A TIME TO SET OUR DIFFERENCES ASIDE. May this simple effort be a footing to show the world the elements of REAL Filipino values.

To support the Philippines, we sympathize with Hong Kong.
["The Filipino people mourns with Hong Kong." Facebook Page]

Estupido lahat ng bata...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Likas na mabait ang mga bata. Kahit may kapilyuhan yang mga yan, natural ang purity ng mga utak nila. Kaso istupido sila. Karamihan sa atin ay nagkaron ng kaklaseng "annoying" o yung kinaiinisan ng buong klase. Ok lang sana kung naiinis tayo sa kanya noon dahil sinasaktan nya tayo, o inaasar. Kaso kadalasan, tayo ang nananakit sa kaklase nating yun. Sinasaktan natin sila emotionally. Alam mo kung ano ang sinasabi namin. Ito yung bata noong elementary tayo na sapilitang naging "iba".

Wala syang kadikit sa classroom. Hindi tayo nahihiyang humiram sa kanya ng school supplies (lapis, papel, liquid paper, etc.) pero pag sya ang nangangailangan manghiram, walang nagpapahiram. Eto yung batang hindi sinasali sa mga laro, at pag sya ang nag-umpisa ng laro at sinabi ng "cool" na kaklase nyo na wag na kayong sumali sa laro nya, wala nang nakikipaglaro sa kanya. Walang gustong makipagkaibigan sa kanila dahil natatakot ang iba na baka asarin din sila kapag kinaibigan nila ang batang yun. "Peer pressure" ang umiiral, at kung ano ang gawin nung "popular kid" sa classroom nyo, yun din ang gagawin ng lahat.

Kawawa ang mga batang nagiging target ng pang-aasar na 'to dahil lang may nagpauso ng pang-asar sakanila. Estupido talaga ang mga bata dahil kabobohan ang maling pakikisama, katangahan ang magpaapekto sa peer pressure, kaignorantehan ang awayin o ayawan ang isang tao dahil lang sabi ng iba. Ganon talaga pag bata, hindi na yata maiiwasan yan. Lahat tayo ay naging estupidong bata, pero nasa sayo na kung gugustuhin mong maging estupidong matanda.

Favorite

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Misis: Hun, baket hindi mo sinusuot yung regalo ko sayong t-shirt?

Mister: Anong t-shirt?

Misis: Yung pink na may heart sa likod. Yung may flower sa may kwelyo.

Mister: Ahhh yun ba? Ano kasi 'e.... ahh..

Misis: Ayaw mo yung regalo ko?

Mister: Hindi ah! Baket ko naman aayawan ang pink na polo shirt na may heart sa likod at butterfly sa kwelyo?

Misis: Flower yun hun, hindi butterfly...

Mister: Oo nga, flower sa kwelyo. Baket ko naman aayawan yun diba?

Misis: 'E baket hindi ko nakikitang sinusuot mo?

Mister: Ahh ano kasi... ahh favorite ko yun. Hindi ko sinusuot para hindi agad maluma.

Misis: Awwwww... sweet naman.

Mister: Ay syempre. Sino ba namang lalake ang hindi matutuwa sa pink na polo na may heart sa likod at flower sa kwelyo.

Misis: Sige hayaan mo, ibibili kita ng madaming ganon para kahit maluma ang isa, meron ka pa.

Mister: Wow! Talaga?! Bibilihan mo ako ng madaming pink na polo na may heart sa likod at flower sa kwelyo?! Bibilihan mo din ba ako ng makeup at high heels? Baket hindi mo na lang ako bilihan ng dress? Tapos ipatanggal mo na din itong itlog ko.

Misis: Hun, are you being sarcastic?

Mister: Ay hindeee.

Bastusan.

By mgaepals on 04:55

comments (0)

Filed Under:

Kung taga Hong Kong ka, ano ang mararamdaman mo?



Kung kamag-anak mo ang biktimang pumanaw, ano ang mararamdaman mo???


Kung sa pakapalan ng muka, walang tatalo dito sa mga 'to.

Kumakalat sa internet ngayon ang mga pictures na yan.
Sa tingin nyo ba walang internet sa Hong Kong???
Adding insult to injury yan! Mga gago talaga kayo!

Nakakahiya put*ng ina. Nakakahiya.


Salamat kay Daniel sa information na 'to.

MgaEpal.com Dictionary

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

MORALISTANGA - Mga taong nagagalit sa joke kapag sinabi ng religious leader nila na masyadong bastos, bulgar, o mapanglait yung joke, kahit alam naman nila sa sarili nila na hindi.


Kung sa tingin mo, hindi alam ni Lord pag nagbibiro ka,
minamaliit mo ang kakayahan nyang umintindi.

Masaya na sa pagkapasok sa huling lima.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Sa Binibining Pilipinas Contest pa lang, umangat na ang exotic na ganda nitong si Venus Raj. Hindi lang namin alam sa ibang portion kung magaling sya dahil hindi namin pinanuod, pero dito sa swimsuit category, panalong panalo ang hubog nitong si Venus.



Abangan, contestant number 10 si Venus pero sama-sama na tayong magkaron ng kasalanan sa panunuod ng buong video.





Alam namin na malaki ang chansa ng Philippines na makuha ang korona.
Pero pagkatapos panuorin itong susunod na video, nagpapasalamat na lang kami at nadala ng looks at appeal ni Venus ang sarili nya sa top 5 ng Miss Universe pageant.



Hindi lang siguro alam ni Venus na dapat may kinalaman ang sagot nya sa tanong ng judge.
Siraulo kasing William Baldwin yan tatanong-tanong pa.


Major-major Congratulations Venus Raj.
Mag-FHM ka na.

picture hugot dito

"Pop" corn.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Para sa mga taong may pantasya na isexual harassment ang sarili gamit ang mais.

Mukang masarap nga namang isabay ang mais sa tahong.

Sisihan.

By mgaepals on 12:12

comments (0)

Filed Under:


Ang image sa taas ang front page ng CNN.com nung binisita namin ito kanina. Click mo yung image kung gusto mong makita ang kabobohan na nagpasikat sa Pilipinas ngayon.

Put*ng ina, umiksena na naman ang Pilipinas sa mundo. Sikat na naman tayo sa pagiging inutil. Salamat sa mga pulis.

Kung hindi ka self absorbed na bobo, alam mo na nagkaron ng hostage situation dito sa Pilipinas involving a tourist bus, a dismissed former police, at madaming inutil na pulis. Ayaw sana naming lahatin ang mga pulis, pero dahil walang umapila sa kanila para i-handle ang situation ng mas ligtas para sa hostages, damay-damay na. Dating PULIS ang nanghostage na si Rolando Mendoza. Mga PULIS ang gumawa ng eskandalo sa pag aresto sa kapatid ni Mendoza. PULIS din ang inarestong kapatid ni Mendoza. mga PULIS din ang umatake sa bus kahit hindi nila alam kung may buhay pa na hostages o wala na. Kaya wag nyong sasabihin na wag isisi sa mga PULIS ang kadiring kabobohan na 'to.

Isa pa, walang bystander na tatamaan ng ligaw na bala kung hindi pinayagan ng mga PULIS na magkaron ng mga bystander sa area.

Hindi na namin kailangan idiin na ang nagpainit ng ulo ni Mendoza ay ang nakita nyang pag-aresto sa utol nya. May TV sa loob ng tour bus, at pinakita ng media ang footage na dinadampot ng mga pulis ang kapatid ni Mendoza at pumapalag ito. Alam nyo na yan. Hindi nyo dapat sisihin ang media dahil trabaho nila yon. Kung may gusto kayong murahin tunkol dun, murahin nyo yung mga hindi pumigil sa media.

Tinimbang nila...
Option 1: Mag-news blackout tayo para hindi makita ng hostage taker ang mga plano natin at ang mga gagawin natin.

Option 2: Wag tayong mag-news blackout dahil baka magtampo ang media at magalit sa atin.

Pinili nila ang option 2... para makisama sa media. Baket hindi nila pinakisamahan ang buhay ng mga hostage?

May mga sinisisi din ang driver ng tour bus dahil nagsisigaw daw ito ng "Patay na lahat!" nung makatakas ito. Hindi namin alam kung gusto lang magmarunong nung bus driver o na-troma sya pero hindi nya kasalanan na umatake ang mga pulis. Baket hindi muna nag-confirm ang mga pulis kung wala na nga bang natitirang buhay na hostage sa bus?

Kung susumahin, mahirap husgahan ang mga pangyayari. Nakakabur*t dahil napahiran na naman ng tae ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. Nakakapang-init ng ulo dahil kawawa ang mga kamag-anak ng mga biktimang pumanaw. Pero kung ang mga kamag-anak ng mga nakaligtas ang tatanungin, malamang pasasalamat ang nararamdaman nila para sa mga PULIS.

Nangyare na ang hindi dapat nangyare. Tingnan ang mga kabobohan na nangyare, at utang na loob, wag nang pabayaan mangyare ulit. Sisantehin ang mga dapat sisantehin. Pwedeng matuto ang mga pulis. Pwedeng mapagsabihan ang media. Pwedeng maging mas effective ang sistema. Pero ang mahalaga ngayon ay maimbistigahan kung ano ang pinagmulan ng lahat. Ugat ang tutukan. Alamin ang TOTOONG DAHILAN kung baket nanghostage si Rolando Mendoza.

Heart to Heart

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Mommy: Ron-Ron anak, iligpit mo na yang mga laruan mo.

Ron-Ron: Si yaya na lang...

Mommy: Baket, yaya mo ba ang naglaro nyang mga yan?

Ron-Ron: Hinde...

Mommy: So ikaw ang magligpit nyang lahat. Tapos you bring your plate sa kitchen ha. Bilisan mo, baka langgamin pa dito sa room yan.

Ron-Ron: Si yaya na lang...

Mommy: Baket? Si yaya ba ang nag-mirienda ng cookies dyan?

Ron-Ron: Hinde...

Mommy: So ikaw ang magdala ng plato mo dun. And then wash mo yang slippers mo, ang dumi-dumi na. Ayaw ko ng may putik sa floor ok?

Ron-Ron: Si yaya na lang...

Mommy: Baket, si yaya ba ang nagsuot nyan?

Ron-Ron: Hinde...

Mommy: So ikaw ang maghugas nyang tsinelas mo. After that, ilagay mo sa labahan yung towel na ginagamit nyo ni daddy pag pinapaliguan ka.

Ron-Ron: Si yaya na lang...

Mommy: Baket? Si yaya ba ang pinapaliguan ng daddy mo?

Ron-Ron: Yayaaaa! Tawag ka ni mommy! Ilagay mo daw sa labahan yung towel.

Nagtipid lang naman sila sa translator para mas madaming mabigay na donasyon...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:



Ang difficult talaga ng buhay ngayon.

"Like a virgin, touched for the very 2,378th time." -Madonna

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Fruit ng ina mo."

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Ang mga prutas ay uso sa mga gustong magpapayat dahil mataas ang vitamin content nito at mababa sa calories. Pero hindi naman dapat mga nagpapapayat lang ang kumain ng iba-ibang prutas dahil nakakatulong din ang mga yan sa pagpapaganda ng balat, pagregulate ng digestive track, at may mga anti-oxidants ang mga prutas na kailangan ng katawan para makaiwas sa sakit. Kaya ugaliin kumuha ng sustansya sa mga prutas tulad ng...


Mangga at Saging...


Orange at Mansanas...


Kamatis at Melon.


Bobo Alert: Oo prutas ang kamatis.

By mgaepals on 14:02

comments (0)

Filed Under:

[Play Other Games]




CONTROLS:
press space bar to select, start game, and fire
up/down/left/right arrows to move tank

Filipino Ninjas

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Tunay na ninja lang ang may lakas ng loob na mag-racing pababa ng Banaue, Ifugao gamit lang ang scooter na yari sa kahoy, at hindi nakukuhaan ng lisensya kahit walang helmet.


Tungkol sa mga "Ifugao Bikers" basahin DITO
Video DITO


Wala na sigurong kapares ang pakiramdam ng pag-i-iscooter habang nakabahag.

Ifugao Bikers: Scooter Ninja


picture hugot dito

"Liberated"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Sandy: Alam mo Tristan paprangkahin na kita. Matagal na kitang type. Kung sasabihin mo sa akin na gusto mo din ako, hindi mo na kailangang manligaw. Magiging girlfriend mo ako agad.

Tristan: Paprangkahin din kita Sandy. Maganda ka at sexy, kaso hindi kita type.

Sandy: Dahil ba liberated ako? Gusto mo ba yung tipong mahinhin?!

Tristan: Hindi naman. Liberated din naman kase ako.

Sandy:
Liberated ka. Liberated din ako. So ano pa bang kailangan kong gawin para gustuhin moko???

Tristan: Maging tall, dark, and handsome.

Situational...

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Magic Room

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:



Hindi peke ang magic ng kwartong yan.
Lahat ng pumapasok jan, nagiging retarded talaga.

Malas sa her, swerte sa him.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Ayon sa feng Shui (Pungsoy), malas daw ang maglagay ng salamin sa may paahan o kaya sa gilid ng kama nyo. Mag-a-attract daw ito ng third party sa relationship ninyo.

Pero kung pantasya mo ang threesome,
alam mo na kung saan ipupwesto ang mga salamin sa kwarto.

Lahat ng tao ay bading sa paningin ng mga nag-aalok ng DVD.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Kaya nila tinatawag ng "Ma'am-sir" lahat ng tao.

Singkwenta sentimos lang, magic atmosphere ka na... san ka pa?

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Gilbert: Arnel! Bilisan mo jan sa CR! Kanina pako namamagic atmosphere!

Arnel: Tangina wag kang maingay hindi ako maka-concentrate! Nagmamagic atmosphere ako!

Dagdag kaalaman para sa mga kaibigan nating mga Chinese na naninirahan sa Pilipinas. Hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay may family business.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Hindi na siguro kasalanan ng ibang Chinese dito sa Pilipinas kung hindi sila sanay makakilala ng taong walang family business. Kapag may bago kang nakilala sa school, office, o kung saan man, ang mga normalna palitan ng informations ay...

"Anong pangalan mo?"

"Taga saan ka?"

"Anong ginagawa mo? / Anong trabaho mo?"

Pero sa maniwala kayo o hindi, sa mundo ng mga Chinese schools sa Pilipinas, ang mga palitan ng information ay ganito...

"Anong pangalan mo?"

"Taga saan ka?"

"Anong family business nyo?"

Ang dalawang manunulat ng MgaEpal.com na si "Bunso" at "Boss Chip" ay may kaintsikan din sa dugo nila (Erpat ni "Bunso", Chinese. Ermat ni "Boss Chip" Chinese.) at sila ay patunay sa karanasan na matanong kung ano ang family business nila. Hindi naman lagi, pero madalas kapag parehong Chinese ang nagkakilala, ganon ang nangyayare. Hindi naman mali ang ganitong pangyayare, naisip lang namin na ipaalam ang "trivia" na 'to sa mga Pilipino. At maipaabot sa susunod ng henerasyon ng Chinese-Filipinos na hindi lahat ng tao ay pinanganak na may hardware, mall, junk shop, paupahang bahay, pawnshop, palaisdaan, pabrika ng unan, repair shop ng tao, factory ng bahay, pagawaan ng good morning towels, etc.

Anti-hunters... Pro-tanga.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Oo nga naman.
Dahil ang mga karneng nabibili sa store ay galing sa mga hayop na manhid.

The winning bid...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Jerome: Amanda, sagutin mo lang ako, ibibgay ko sayo ang buwan at mga bituin sa langit...

Amanda: Ano naman ang gagawin ko sa buwan at mga bituin???

Jerome: Ha? Ah eh.. ano.. ahhh benta mo sa Ebay. Madami namang siraulong bumibili ng kahit ano sa ebay. Tulad ng...


clickable links:
Pangalan ng magiging anak nila
Doritos na hugis sumbrero ng Pope
Imaginary friend
Buong buhay nila

Amanda: Sige, sinasagot na kita. Dalhin mo bukas yung buwan sa bahay namin. Yung mga bituin, sa susunod nalang pag nabenta ko na yung buwan.

Share to inspire. (Mahabang-mahaba ito. Mag CR na muna bago magbasa.)

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

A story of growing up

I used to not care about anybody but myself. I had close friends and a fun/quirky family that I loved, but I didn't let anyone penetrate my personal life deep enough to make me care if they (God forbid) disappeared from my life. I never knew how I became like that. It was just the way I was.

I had a habit of just suddenly "hibernating" in my room. Not to sleep, but to get away from other people. It was my way of recharging myself. It usually lasts about 2 to 3 months. Just going outside my room to eat. I would watch TV and DVDs, write compositions, and beef up my portfolio designing sample print ads. When I want the feel of having company, I "trip" on chatters on the net. When I say "trip" on chatters, what I mean is play stupid when talking with them. I wasn't a real chatter, I did it for the stupid reason of amusing myself. Yes, I know, I was a jerk. Little did I know that being a jerk would win me a good friend online.

It started out like every tripping session. They say "hi", I say "hi". They type in "ASL", I play stupid and ask "What's ASL?". They tell me "Age, Sex, and Location.", and I say "Ohhh, ok." and so on. They didn't get a single serious answer from me. I didn't want to flirt, and I wasn't interested on having a real conversation with anyone. But there was this one girl who was firing back at my sarcasm and stupid comments, and she just won't quit. I don't know how it happened but i found myself smiling at her remarks and comebacks. Eventually we got to know each other more and we told our real names to one another, but still no flirting or real serious talks. Just bantering and sharing opinions, almost a fun debate. There were no moments of silence since I would just say "BOOM!" whenever there was dead air during our talk. It was a first time for me to enjoy talking with someone on the net. There was a moment that I wondered what that girl looked like but the thought just went away. We didn't exchange pictures like the typical chatter did. It just seemed inappropriate at the time. She found out that I write compositions, and asked if she could see one. I told her I'll show her one the following day because I didn't have my files on the computer that I was using. She didn't believe me, but I told her "May isang salita ako." (A phrase that would bite me on the butt later on) Our conversation ended very platonic. I told her it was surprisingly pleasant talking to her. She told me I was an OK person but still a jerk, then we said our goodbyes. Even though it was obvious that we enjoyed talking with each other, there were no exchange of email addresses, phone numbers, or any contact infos. It was just left like that. I didn't go back online to chat again after that time.

Two months went by and I ended my "hibernation ". I went out with friends again, almost every night. I had 2 not-so-serious girlfriends that knew about each other at the time (Naks feeling pogi) but with my way of thinking, I didn't care if both of them left me, and at times that I was out with friend, I still "met" other women. We were still students then, and when the school year ended, so did our nightly evening gatherings.

I spent more time at home during that summer. It was humid and boring. One summer day, just to do something, I decided to "trip" again on chatters. I never used my real name and I don't remember what nickname I used that time. Still being a jerk, nobody talked to me for more than 5 minutes. I was about to turn off the computer when someone said "Hi". I went about my A-hole ways and played stupid. The girl was playing along. 5 minutes went by and we were still talking, then 10 minutes. After about a hundred stupid comments and 20 minutes of sarcasm, the person I was talking with asked, "Do you know anyone named (my real name)?"... I was puzzled. How come she knows my name? Then she followed that with "Or are you him?) I was laughing in disbelief! How does she know my name??? Who is this? Is my name showing somewhere on a chat window type thing? More questions was still popping in my head while I was laughing and I was actually telling her that I was literally laughing my head off, but I still didn't say that I was the guy she was asking about. And I still could figure out who she was. Then she typed... "May isang salita pala ha!" It was her. After more than 5 months, it was again, the witty girl that chewed up my stupid comments and spat it back at me with sarcastic remarks of her own. All I could say was... "BOOM!" and she laughed. It was like meeting an old friend.

It was a very nice surprise to cross paths again with the witty girl on the net. We talked for a couple of hours maybe. She mentioned that her friends were participating in a bazaar event of some sort, and I told her we had some stuff at home that might be "sellable" at the bazaar. I told her she just needed to give me 100 pesos for each and the rest of the profit was theirs to keep. She told me to drop the items off at their house and gave me their address. I came to their house on a Monday afternoon. I didn't know why, but I had a bit of anxiety going on. Maybe it was the unfamiliar experience of seeing someone that I only met online. I didn't ring the doorbell. I just texted her that I was already outside their house. Maybe I was just being a guy, but I was hopping that a pretty girl wearing a tank top and short shorts would open the gate. When she opened the gate, I saw beauty in it's purest form. She wasn't wearing any makeup. No powder, no lip gloss, no nothing. The down side for me... she was wearing jogging pants and a long shirt. That time, all I could think about was how good she would have looked in a pair of tight jeans. I greeted her with "Boom." She smiled and invited me in. I showed her the stuff I had for her friend's bazaar, then we played pool (they had a pool table at home) I won, but early in the game, she thought I was letting her win. I was seriously playing my best, and she really was a decent billiards player. I left after about 2 hours and went strait to a friend's house.

Months went by. I didn't see her again, although we texted sometimes. She told me the stuff I brought for the bazaar were sold and that I can get the money anytime. I told her to just hang on to it. I liked her in a semi-platonic way. I was then single and not looking to commit, so I didn't think about courting her. Actually it was the thought that someone like her wouldn't be interested in someone like me that pushed me away from the idea of courting her. She was a nice girl. I was a trouble maker. She graduated magna cum laude, while I was retained in high school once, dropped my course in college twice, and was someone who thought a passing grade was heaven sent. She never had a boyfriend, while came from a 21 failed relationship streak. She was your all-around nice girl, and I was a guy who have done at least 8 illegal things in the past (Nothing that can or would harm others in any way.) I just didn't think of us being together in a romantic way.

One night, I received a text message from her, telling me that she would be going to the States in 2 days, and that I should get my money from her because she would be staying there for good. I told her we should hang out before she leaves. Not a date though, just hang out with my friends. We went out, she brought a friend with her, a girl, and they came with me and my friends to have a couple of drinks. She was leaving in the morning the next day. It was already 5AM when we dropped her and and her friend at their house, and there was only hours left before her flight. I wished her a safe trip, then I... shook her hand.

A friend went to live in the States. Life went on. She and I still texted sometimes. Her, using the free online texting service, and me, using a 5,000 pesos free text on a sim card that my friend, "Manong Guard" gave me (That's a different story)

One lazy afternoon, while having soda with friends. I overheard a couple arguing. The guy seemed to be running late on his evening plans for their date, and the girl was having a tantrum because she was hungry. The guy was trying his best to make the girl ease up a bit, but the girl was already snubbing him. All that time, what was running through my head was I didn't want a girl like that. I didn't want a "girly" girl that acts like a spoiled toddler. I wanted a girl that could run with the boys, a girl that would be happy just to sit and talk on the street gutter, someone who could be funny by telling corny jokes. Then it hit me. I know someone like that. I know someone EXACTLY like that. But she left.

It was a bitter-sweet feeling, knowing who can make you happy and while knowing she's halfway across the globe. At that moment, I took out my phone and texted her... "Pu*ang i*ang States yan." I acted on impulse. I didn't hate the U.S. and I only cursed the place where she went to live for good. If she left for the moon, I would have cursed the moon. She replied "Ano?" I then said, "Sorry, wrong send." knowing that nothing good would come if I told her how I felt. True to the fact that some things are appreciated when they're gone. When I got home, while lying on my bed, out of nowhere, I just texted her again, "Oist! Kung niligawan kita noon, pano moko babastedin?" she then answered, "Baket, sino bang nagsabing babastedin kita?" Time stopped, and I felt something that I very rarely feel. I was sad. Words were being dealt in unraveling ways. True feelings were flying back and forth. She asked me the reason why I waited for her to leave before telling her how I felt. I told her the truth... I wasn't aware before. I knew that I had to let her be, and not to confuse her with my stupidity. Weeks would pass and I eventually came to accept the fact that the "witty girl" was not for me to hold, that I wasn't the one who would make her happy, that it wasn't me who would take care of her. Then the time came when she texted, "BOOM." and the number she was using was her old phone number. She was back!

When she came back to the Philippines. Realizations came to me. I never had a relationship that lasted for more than 4 months. For the first time, I wanted to be a part of somebody else's life, and for someone to share mine. I told her we couldn't see each other yet. I badly wanted to see her but I knew that if I didn't start things with us the right way, I might end up losing her. I told her to wait. For almost 2 weeks, I tried to right the wrongs and end the hanging issues I had. I disposed my old sim card, the one that had the numbers of girls that I was with (past, present... And future?) I met with some of my ex-girlfriends to tell them that we can't see each other anymore. I told them I met someone and that I really wanted things to work out between me and the girl. When I went to meet my the witty girl, I knew I was ready. I had someone who was tailor made for me by God and I wouldn't do anything to risk losing her. She told me she came back for me. We have been together now for more than five years. Starting out as friends gave us the foundation of trust, and it helped me to open up and let her settle in my heart. When I opened up for her, something in me became more appreciative for my family, friends, and even the simplest things. I began thinking of the future, when before, it was too much of living for the moment. Some people in the past said they never saw decisiveness in me. When I think about it, I say there has always been decisiveness in everything I did. I just wasn't doing it passionately. I think growing up isn't just knowing about more things in life. Maybe it's knowing what you have to do, and doing it. God gave us all a purpose. A special woman helped me find mine.


A true story from one of the authors of MgaEpal.com

Heart to Heart

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Papa: Reggie, baket bagsak ang grade mo dito sa test paper?!

Reggie: E' kasi papa hindi po ako naka-aral.

Papa: Nako naman Reggie, hindi pwedeng pa-easy-easy ka lang sa school. 6 years old ka na, next year grade 1 ka na. Gusto mo ba patigilin ka nalang namin ni mama mo mag-aral?

Reggie: Ayaw.

Papa: Yun naman pala 'e. Alam mo anak, matalino ka naman. Kailangan mo lang maging masipag. Naiintindihan mo ba?

Reggie: Opo.

Papa: Kasi alam mo anak, kung magiging masipag ka sa buhay, pwede kang maging kahit anong gusto mong maging. Kung gusto mong maging doctor, kailangan masipag kang magmemorize. Kung gusto mong maging basketball player, kailangan masipag kang magpractice. Kung gusto mong maging biologist , kailangan masipag kang magresearch... Ikaw ba, ano bang gusto mong maging?

Reggie: Dragon.

Pataas presyo ng usok.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

May pinapausong kalokohan ang DOH (Department Of Health) na taasan daw ang tax ng yosi. Mula sa estimated price na 27pesos per pack, papalo ng mga 9opesos ang isang kaha. Ginawa ito sa U.S. at dahil tamad mag-isip ng sariling solusyon at walang originality ang DOH gusto nilang gayahin ito.

Hindi na dapat idebate kung mali ang pagyoyosi. Oo, masama ang sigarilyo sa kalusugan. Pero kung sa tingin nila ang pagpresyo ng 90pesos per pack ay magiging sagot sa pagpapatigil sa mga adik sa yosi, think again mofos.

Dahil ang galing-galing namin sobra, naisip na namin ang mangyayari. Imbis na tumigil sa pagyoyosi ang mga tao, babawasan nila ang budget nila sa pagkain, kuryente, at kung ano-ano pang necessities para lang matustusan ang pambili ng yosi. Hindi na nila pag-aaralin ang mga anak nila para lang makapagyosi. Magiging status symbol ang yosi at malulugi ang mga coffee shops dahil magyoyosi nalang ang mga gustong magpasosyal at hindi na bibili ng overpriced na kape. Mas dadami ang nagma-marijuana dahil papatak na halos kapresyo na ito ng yosi.

Hindi makatarungan para sa mga mahirap ang pagtataas ng presyo ng sigarilyo. Kapag nagkataon, nanakawin ng DOH ang karapatan ng mga mahirap sa simpleng palipas oras. Ang pagyoyosi ay parang fishing (hobby ng pangingisda), parang may ginagawa ka, pero kung tutuusin wala naman, at ito lang ang "hobby"ng iba.

Hindi ba masyadong pangmayaman ang diskarte ng DOH na yan?!! Makakabili parin naman ng yosi ang mga bilyonaryo na tulad namin. Kawawa naman kaming mga sobrang yaman, magiging unhealthy kami! Baket hindi nila gawing 8 billion pesos per pack ang mga yosi para patas???

Sa balanseng husgahan, masyado lang talaga anti-mahirap ang cigarette tax increase na gustong itulak ng DOH. Gawin mo kung ano ang maisip mong paraan para umabot ang mensaheng ito sa DOH, at sa Noynoy.

Abra kadabra magmumukang tanga ka!

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Hindi lahat ng ngipin mo ay abot ng dila mo.
Totoo o hindi?

Ayan na, magmumuka ka nang tanga.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Nasa San Miguel ang Best Import at Best Player of the Conference. Kung papano nakasilat si Tim Cone, wala na kaming pakialam. Congratulations ulit, Alaska.

Himay sa "Bekimon"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Nung una naming marinig ang salitang "bekimon" napamura kami dahil akala namin upgraded lang na "jejemon" yang mga yan. Pero hindi kami bumibira sa mga bagay na hindi namin naiintindihan. Kaso lang sa bagay na 'to, mukang hindi talaga namin maiintindihan 'to ng buo dahil ang hirap i-decode ng mga "bekimon".

Ang salitang "bekimon" ay pinaghalong salita na "beki" (bading sa salitang bading) at "mon" na hugot sa mapanirang peste sa palayan ng I.Q. na mga "jejemon"

Madami ang naaaliw sa mga "bekimon" at meron ding naaasar. Sinasabi ng iba na parang bading na "jejemon" lang daw itong mga 'to. Sa tingin namin, hindi.

Ang ka-jejemonan ay sa typing, samantalang ang ka-bekimonan ay more on speech.
Ang mga "jejemon" ay talamak sa pagpapa-arte ng mga salita na nagpapahirap sa nagbabasa, at ang mga biktima ng mga "jejemon" ay mga inosenteng tao. Samantalang ang mga "bekimon" ay nagbibigay ng option na hindi ka makinig dahil hindi mo naman sila kakayaning intindihin, lalo na kung nasa normal to high speed ang bilis ng pagsasalita nila. Ang jejemon ay naimbento ng mga taong gustong magpacool, at bobo sa spelling. Samantalang ang "bekimon" ay naimbento ng mga bading na walang magawa sa parlor.

Sa unang husga, mukang kagaguhan ang mga pinag-gagagawa ng mga "bekimon", pero sa mas malalim na paghihimay, maiisip mo na utak din ang puhunan ng mga nag-iimbento ng salita nila. Mukang hindi kakayanin makaisip ng taong mababa ang I.Q. ng mga terminology para i-substitute sa normal na salita. Mga salita at substitute terminologies tulad ng:

beki: bading

nanay: mudra

karma: Carmi Marin

tatay: fudra

tayo: jotons

securuty guard: guardo versosa

dito: diteshiwa

baduy: abby

lalake: otoko

nawala: na-lost in space

Bern Josep Persia : Isa sa pundasyon ng "bekimon phenomena"




Hindi natanggap ng mga tao ang "jejemon" dahil trying hard ang dating. Nagmama-angas na wala namang ipuputok. Sa tingin namin, mas kayang sikmurahin ang mga "bekimon" dahil muka lang silang masayang mga bading.

May mga taong naiirita dahil hindi daw nila maintindihan magsalita ang mga "bekimon". Pero maiirita ka ba sa mga taga China dahil lang hindi ka makaintindi ng Chinese? Maiirita ka ba sa mga taga America kung hindi ka makaintindi ng English? At maiirita ka ba kung hindi mo maintindihan ang tahol ng aso? Hindi porke hindi mo naiintindihan, pwede mo nang kasuklaman.


Boy Honest

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Christine: Boy, may problema ako 'e. Pwede bang makahingi ng payo?

Boy Honest: Hinde.

Christine: Ganito kasi yun... May type akong lalake, tapos minsan nakikita kong tumitingin sya sa akin. Pero pag ngumiti ako, inaalis naman nya yung tingin nya saken. Pano ko ba malalaman kung may gusto sakin yung lalake?

Boy Honest: Titigan mo sya. Lapitan mo habang nakatitig ka sa mata nya. Kapag magkalapit na kayo, tanungin mo... "Hoy, may gusto ka ba saken?"

Christine: Hindi ko yata kaya gawin yun!

Boy Honest: Wala torpe ka pala 'e. Sige na umalis ka na, mangungulangot pa ako, rude naman kung gagawin ko sa harap mo.

"Doktora Kontrobersyal"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Gustong i-boycott ni political activist Argee Guevarra ang cosmetic surgeon na si Vicki Belo dahil pagiging irisponsable daw ang ginawang pag-Botox ni Vicky kay Charice Pempengco. Dapat daw magalit ang mga Pilipino dahil insulto ang pagreretoke ng natural na bilugang muka ni Charice. Nagmumuka daw hindi katanggap-tanggap sa mundo ang bilugang muka.




Nagalit si Vicky Belo at isa siguro sa dahilan ay ang mga "shoutouts" ni Guevarra sa Facebook.

Sinabi DAW ni Argee Guevarra ang mga ito:

“Reyna ng Kaplastikan, Reyna ng Kapalpakan” “A wannabe mortician masquerading as a cosmetic surgeon will never be able to stitch up the difference between formalin or botox, between free speech or slander when suing for libel a Facebook user for his shoutouts and status updates. Such surgical stupidity results in mistaking Facebook for Erasebook.”

Nag-file ng libel ang kampo ni Belo dahil mali at walang basehan daw ang mga sinasabi ng lawyer na si Argee Guevarra. Siguro para kay Vicky Belo ito ay hiting "Belo" the belt. Ang korni non. Walang naman yatang dapat ikabahala si Vicky Belo kahit i-boycott sya ng mga tao dahil karamihan naman ng clients nya ay mga babae. Matakot sya kapag binantaan sya ng girlcott. Ang korni ulit.


picture hugot dito

Luck You!

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Mamaya na ang game 6 sa Finals ng 2010 PBA Fiesta Conference. Alaska kontra San Miguel. Nanalo ang San Miguel nung Sunday (Game 5) para hindi makapagbasaan ng champagne sa locker room ang Alaska. Sa panunuod namin ng laro nung game 5, napansin namin na hindi si Siot Tanquincen ang nagcoach sa San Miguel. Si assistant coach Gee Abanilla ang tumayong coach ng San Miguel. Nagtaka kami kung ano ang nangyari kay Siot. May lagnat ba sya? Nainjured ba sya? Baka na-traffic. Hindi namin alam kung binanggit na ba ni Quinito Henson kung bakit wala si Siot dahil 3rd quarter na nung nagsimula kaming manuod. Nakalimutan kasi naming sipatin yung schedule dito. Nabalitaan nalang namin na isa sa dahilan kung bakit hindi si Siot ang nagcoach ay dahil sa "paswerte". Hindi naman pwedeng sabihin na malas si Siot Tanquincen dahil sya ang nagdala sa San Miguel sa Finals, pero pwedeng swerte nga ang dala ni Gee Abanilla dahil nanalo sila. Pwede ding nangapa ang Alaska dahil kahit papano iba ang diskarte ni Gee kay Siot, at hindi nila ito napaghandaan.


Mamaya manunuod ulit kami. Mukang interesting abangan kung ano ang gagawing adjustments ng Alaska at San Miguel. Si Gee Abanilla ba ulit ang mag-cocoach? Magpapa pungsoy (feng shui) ba si Siot para lalong swertihin ang San Miguel? Kukunin bang player ng Alaska si Chris Bolado para kontrahin ang swerte ng San Miguel? Sa basketball hindi mananalo ang puro swerte lang. Tulad ng marathon, patibayan din ang labanan. Parang chess, pagalingan din ng diskarte ang mga coaches. At parang low budget na game show, may pagalingan din ito ng cheer. Pero hindi talaga maiaalis ang factor ng kaswertehan, dahil sabi nga ni Atoy Co "The ball is AROUND."

Chris "Lucky/Laki" Bolado

Ang susunod na pabasa namin dito tungkol sa kasalukuyang PBA Fiesta Conference ay magiging Congratulatory post lang para sa kung sino man ang maging champion sa gitna ng Alaska at San Miguel. Sino kaya ang maco-congratulate? Sino ang hindi makakatanggap ng pangpalubag loob na 2nd place trophy na hindi naman nakakalubag ng loob. Sino ang paulit-ulit na kakantahan ng "We are the champions."... Para kanino babagsak ang mga balloon?


picture hugot dito at dito

"Madali lang ipaglaban ang taong mahal mo. Nagiging mahirap lang kung sya mismo ang kumakalaban sayo." -MgaEpal.com

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Eto ang napapala ng mga bobong walang originality na gusto magpasweet.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:




"Sucks to be you."

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Kababalaghan o Kathang isip lang?

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Naniniwala na kami na malas ang Friday the 13th. Dati, hindi kami naniniwala na malas ang araw ng Biyernes kapag tumapat ito sa ika labing tatlong araw ng kahit anong buwan. Pero nung nakaraang Friady, habang nag-iinuman, hindi namin alam kung pano, kailan, at baket, pero bigla na lang namin napansin na ang palabas sa TV ay "Ang Titser Kong Pogi." Nung matapos yung pilikula, napaisip kami kung baket namin pinanuod yun? Wala kaming ibang maisip na dahilan kundi ang kamalasan na dala ng Friday the 13th.


"Yodeleyheyhey, yodeleyhoohoo, umawit tayo, umawit tayo."




Kung gusto mo ding malasin, i-search mo sa Youtube ang "Ang Titser Kong Pogi"