Diskarteng abusado.

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Sumikat ang issue na bawal na gumamit ng "wang wang" ang mga private/government vehicles. Simula nung pinagbawal ni Pres. Noynoy ang pag-gamit ng "wang wang" madami na ang nahuli at nagsuko ng mga sirena nila. Kahit mga government officials ay nahiya na gumamit nito dahil mismong ang presidente ng Pilipinas ay hindi gumagamit ng "wang wang" SA NGAYON. Pero nadiskartehan ng ibang politiko ang "no wang wang law" at nakaisip sila ng paraan para makaiwas sa traffic. Makikita sila ngayon na may mga escort vehicles na humaharang sa mga intersection na dadaanan nila. Minsan iistorbohin ka pa sa lane mo at patatabihin ka ng mga abusadong 'to para maangkin nila ang buong kahabaan ng lane na kailangan nila. Tinatawag ngayong "traffic sweepers" ang mga escort na 'to dahil winawalis nila patabi ang ibang sasakyan sa kalye. Winawalis natin ang basura, pero sa ginagawa nitong mga politiko na 'to, BASURA ANG NAGWAWALIS. Yan ang diskarte... kung gano kakapal ang traffic, ganun din kakapal ang muka.

0 comments for this post

Post a Comment