Madami ang umaapila dahil sabi daw ni Kris Aquino, hindi na sya magiging host ng kahit anong show na malaya nyang maipapahayag ang mga opinion nya.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Makikita ngayon sa "Pilipinas Win Na Win" na nagbibigay ng opinion si Kris Aquino tungkol sa mga maliliit na issue. Kontra ang iba sa ginagawa ni Kris dahil hindi daw sya tumupad sa sinabi nyang pagtigil sa paghohost. Hindi namin maintindihan kung baket nagpapaapekto ang ibang tao sa trip ni Kris Aquino. Kung tutuusin, tumupad naman sya sa sinabi nya. Ang concern lang naman nya ay madamay ang pangalan ng utol nyang si Noynoy kung sakaling may magawa syang kahiya-hiya. Kaya nga kontrolado nya ang mga binibitawan nyang salita sa bago nilang show at sa twitter nalang nya pinangangalandakan ang mga nangyayari sa buhay nya.

May mga tao din na nagsasabing dapat daw ay hindi lang sa paghohost tumigil si Kris Aquino habang presidente si Noynoy. Pati daw sa pag-arte, dapat daw tumigil muna si Kris.

Una sa lahat, matanda na si Kris, at hindi na sya magpapakontrol sa mga taong pumapatol sa issue na yan.

Pangalawa, hindi na tayo dapat makisali sa apila na tumigil si Kris sa paghohost dahil isa sya sa pinaka-totoo magtanong at magreact sa mga interview.

Pangatlo, kung patitigilin nyo si Kris sa pag-arte, wag nyo sya patigilin dahil lang kapatid nya ang presidente ng Pilipinas. Patigilin nyo sya umarte dahil hindi sya marunong.

0 comments for this post

Post a Comment