"PUGA" (Relasyonship)

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

4:45PM... sa loob ng selda...

Delfin: Mukang masaya ka 'a.

Tonyo: Ha? Hindi naman...

Gaston: "Hindi naman", pero nakangiti!

Brando: Oo nga. Share mo naman yan, para masaya tayo lahat.

Tonyo: Hindi, wala.. hehe

Brando: Parang gago 'to, magsisikreto ka pa ba samin?

Gaston: Oo nga. Ano na kasi yon?

Tonyo: Wala may naalala lang ako. (sabay ngiti ulit)

Delfin: 'O ano na nga yun? Kwento naman...

Tonyo: Naalala ko lang nung may nagkiss sakin...

Brando: Wushuuu!

Delfin: Hahaha! Hayup naman chickboy pala 'to 'e!

Tonyo: Syeeemps! Pogi 'e!

Gaston: Ulul! Kapal ng muka mo gago! Bulag ba yung babae? O panget? Nyahaha!

Tonyo: O' bahala kayo, hindi ko na ikukwento.

Delfin: Hahaha! Hindi na, hindi na. Ok game kwento.

Tonyo: Wala nung una kase hindi ko naman sya napapansin. Unang beses ko syang nakausap nung tumabi sya sakin. Hindi ko alam kung baket sya tumabi sakin nun, pero napansin ko na tumitingin sya sakin habang magkatabi kami.

Brando: Naks naman! Parang teenager ang dating ah! 'O tapos?

Tonyo: Tapos tumingin na din ako sakanya. Mejo nahihiya pa ako nung una, pero una naman syang nagsalita kaya nagkwentuhan na kami. Pagkatapos ng mga halos isang oras ng pag-uusap, niyaya nya ako.

Gaston: Saan?

Tonyo: Kahit saan daw na wala masyadong tao. Magkaholding hands na nga kami nung naglalakad. Tapos nung makahanap kami ng mejo madilim na pwesto, dun na kami umupo ulit.

Delfin: Teka, teka. May nangyari ba sainyo???

Brando: Patapusin mo kasi magkwento! Nakarinig ka lang ng madilim na pwesto na-excite ka na!

Delfin: E' syempre, hindi naman kayo pupwesto sa dilim kung wala kayong gagawin diba? O' sige na tuloy mo yung kwento!

Tonyo: Yun nga. Naisip ko makakaiskor ako, ayos! Nilapit nya yung muka nya sa pisngi ko, tapos hinimas yung dibdib ko. Tapos dun na nya ako hinalikan.

Gaston: Torrid ba?

Tonyo: Gago sa pisngi nga lang 'e. Masarap bang mahalikan ng torrid yung pisngi mo?!

Brando: O' tapos? Ano na?

Tonyo: Basta tapos nun, naramdaman kong bumababa yung kamay nya. Inisip ko, eto na!

Delfin: O' tapos? Tapos?!

Tonyo: Tapos may mga dumating na tao. Booyset!

Brando: Tang*na bitin! Hahaha!

Delfin: Walang kwenta!

Gaston: Hahaha! Badtrip yun a'! Edi paglaya mo dito tsaka mo lang matutuloy yung romansahan nyo? Matagal-tagal ka pang mag-iimagin! hahaha!

Brando: Gagu, pag laya ni Tonyo dito malamang may ibang dibdib na yun na hinihimas hahaha!

Tonyo: Mga gago! Baket ko kailangan lumaya para makita sya ulit??? Abnormal ba kayo?! Mamaya nga magkikita kami sa CR, buti nga wala tayong plano ngayon pumuga.

Delfin: Magkikita sa CR???

Gaston: CR dito sa loob ng bilibid??? San mo ba nakilala yang chick mo???

Tonyo: Nakilala ko kanina sa may field. Inmate din dito. Sabi ko nga sakanya, sa susunod na plano nating tumakas, itatanong ko sainyo kung pwede syang sumama. Sya na kasi ang pinaka magandang babaeng nakilala ko.

Gaston: Inmate din dito?!! Pinaka magandang babaeng nakilala mo??? Babae???

Tonyo: Oo.

Gaston: BABAE???

Tonyo: Oo nga! Baket ba?

Brando: Ehem... Ahhh Tonyo... May tanong ako sayo...

Tonyo: Ano yun?

Brando: Napansin mo ba na walang pangbabaeng CR dito sa bilibid?

Tonyo: Hmm Hindi. Pero kung iisipin ko ngayon, oo nga parang walang pangbabaeng CR dito... Ano ngayon?

Brando: Ahhh... wala lang.

Delfin: Tonyo, mahilig ka pala sa hotdog 'no? Hahaha!

Tonyo: Sa hotdog? Ok lang, hindi naman masyado.

Brando: Hindi mo parin ba magets?

Tonyo: Ang alin ba??

Gaston: Wala, wala. Anong oras ba kayo magkikita nung "chicks" mo? Puntahan mo na sa CR para maumpisahan nyo na ang "sabong."

Tonyo: Baket sabong??? Leche! Makaalis na nga! Iskor na 'to haha! Kwento ko nalang sainyo mamaya. Mamatay kayo sa inggit!


After 5 minutes...


Brando: 'O, bat nandito ka na ulit?

Tonyo: Ah eh ano kase... ahhh inantok ako bigla. Sige tulog nako. Good night.

Delfin: Tonyo...

Tonyo: ...Baket?

Delfin: ...Umiiyak ka ba?

Tonyo: Hinde! Leave me alone!!!


To be continued... 

0 comments for this post

Post a Comment