May kilala ka bang ganito?

By mgaepals on 08:13

Filed Under:

Michael Joe: Uy alam mo ba nung isang araw, bumili ako ng sapatos.. akalain mong from 2,000 pesos natawaran ko hanggang 1,400.

Froilan: 1,400?!

Michael Joe: Oo, tapos ang ganda pa nung nagtitinda. Kinuha ko nga yung number nya. Nung una hindi binigay.

Froilan: Hindi binigay?

Michael Joe: Oo, Pero pag tagal binigay din.

Froilan: Binigay din?!

Michael Joe: Oo, so ang iniisip ko ngayon 'e kung saan ako kukuha ng pera pang date.. eh napambili ko ng sapatos yung pera ko.

Froilan: Napambili mo ng sapatos yung pera mo??

Michael Joe: Oo. Eh last money ko na yun.

Froilan: Last money mo na yun?!? tsk tsk

Michael Joe: Oo, last money ko na tapos next week ko pa makukuha yung sweldo ko.

Froilan: Next week mo pa makukuha yung sweldo mo?!!

Michael Joe: Oo eh. Ironic nga, kasi nakilala ko sha at nayaya magdate dahil bumili ako ng sapatos sakanya, kaso wala na akong pang date dahil pinangbili ko ng sapatos.

Froilan: Pinangbili mo ng sapatos?!!

Michael Joe: Oo, hindi ka ba nakikinig sa kwento ko?!

Froilan: Sa kwento mo?

Michael Joe: Oo! Yung kinikwento ko kanina pa!!

Froilan: Kanina pa?!!

Michael Joe: Ewan ko sayo bahal ka jan, uwi nako!

Froilan: Uwi ka na?

Michael Joe: Oo! Uwi nako!!

Froilan: Uwi ka na?

Michael Joe: ...

Kung ganyang klaseng tao lang din naman ang kausap mo, na itatanong lang sayo kung ano yung huling sinabi mo, umuwi ka na lang din.

Onga pala sorry ulit para dun sa video na nasa taas.


0 comments for this post

Post a Comment