Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 14:29

Filed Under:

Epal: Dami kong nakolektang aginaldo nung pasko. 6,000 pesos.

Mas Epal: Ahh.. ako 6,050 pesos e.

Epal: Tumaba nga ako e, andami ko kasing pinuntahan na kainan, 5 pounds ata binigat ko.

Mas Epal: Onga e, ako 10 pounds binigat ko, mas madami siguro akong pinuntahan na kainan.

Epal: Nakakatuwa nga andaming nag-text at bumati ng "Merry Christmas". Napuno yung inbox ko.

Mas Epal: Onga, napuno din yung inbox ko. E tatlo yung cellphone ko.. lahat puno.

Epal: Pati nung New Year ang dami din bumati. 10:00PM pa lang andami nang bumati. Mga excited sa New Year.

Mas Epal: Sakin 9:45PM pa lang andami nang bumati. Mga mas excited siguro sa New Year.

Epal: Lahat ng sinabi ko sinasapawan mo ah! Ayoko na!! Sige panalo ka na! Uwi nako!

Mas Epal: Mas ayoko na! Mas panalo ka! At mas uuwi nako!

0 comments for this post

Post a Comment