Eto ang pinakacomment sa lahat ng ginawa naming comment sa history ng pagcocomment namin.
By mgaepals on 08:21
Filed Under:
Isang araw.. habang nagbabasa ng mga blog ng mga tao at walang magawa...
"21 Random things about me" ni Feil-kun sa Feil-kun's thought at ang aming mga naging comment.
1. Apat kaming magkakapatid sa pamilya. Two boys, two girls. Pangalawa ako sa panganay. Dalawang babae na yung sumunod sa akin.
buti sinabi mong apat kayo, hindi na kami nahirapan bilangin kung ilan ang 2 boys and 2 girls.
2. Asthmatic ako noong bata pa ako kaya madalas akong dinadala ng father ko sa Luneta, particularly dun sa may break waters sa Manila Bay. Ang paniwala kase nya, nakakagaling ng hika ang fresh sea breeze (noon yun, mga early 90's - nung hindi pa polluted ang Manila Bay lols) Awa ng Diyos, gumaling naman ako.
Props sa erpat mo! at props kay God!
3. Hindi talaga ako magaling sa subject na Math. Greatest weakness ko na siya talaga kahit noon pa man. Hindi ko nga alam kung paano ako naging Fourth Honor nung Grade 6 eh lols.
sayang, siguro kung naging magaling ka sa math 3rd honor ka nung grade six.
4. Lahat ng pinasukan kong Schools ay laging malapit sa ilog. Banaba Elementary School - nakaharap siya sa Nangka River (boundary ng Marikina at San Mateo). Roosevelt College San Mateo - San Mateo river naman ang nasa likod ng school. PUP Sta. Mesa - Pasig river naman ang nasa likod nito.
isip namin sinasadya mo yun.
5.Nakarating na rin ako sa Camp Tecson [First Scout Ranger Regimen] sa San Miguel, Bulacan as part of my ROTC training class nung college. Malawak at napaganda nung buong lugar. Medyo nakakaintimidate yung mga sundalo at scout rangers na nagte-training dito. Di ko din malilimutan ang sakit ng katawan na dinanas ko dito while doing some military excercises. First time ko din maexperience mag "Slide for life" dito. Todo kaba pa ako nung una dahil ang taas nung cliff sa gilid ng ilog. Pero nagawa ko naman. Success! Ang sarap sa pakiramdam.
hindi pa kami nakapunta dun pero nakakaintimidate talaga ang mga sundalo. pero "cute" din sila dahil parang mga boyscout sila na may baril.
6. May pagka-nerbyoso ako. Hindi lang halata. lol.
hindi nga din namin nahalata.
7. May pagka-OC ako. Gusto ko laging malinis sa katawan at sa paligid ko.
OC din kami sa kalinisan... pero once a month lang.
8. love seafoods. Gustong-gusto ko ang shrimps. I also love fruits and veggies. Paborito ko ang pakwan at melon. Kumakain din ako ng kahit anong klaseng gulay - talbos ng kamote, amplaya, okra, kangkong etc. Di ko lang gaano trip ang lasa ng asparagus.
Ang takaw mo.
9. Hindi ako mahilig sa ma"Sauce" na mga pagkain. Paksiw na galunggong, pritong tuyo or itlog na maalat lang solve na ako.
"Sauce" (sosyal) na pagkain na ang galunggong dahil sa taas ng presyo nito ngayon.
10. Isa sa pinaka favorite kong classic tagalog movie ang "Kumander Bawang" ni Herbert Bautista. Sana may makaisip na gawan ng remake ang pelikulang ito.
Sana si Herbert parin ang artista sa remake.
11. I'm a hopeless romantic [period]
Hopeless romantik din kami [question mark]
12. Gustong-gusto kong nakikinig sa original sound tracks ng mga pelikula at tv dramas, local man ito or foreign made.
Kami din. Tulad ng Voltes V at Teenage Mutant Ninja Turtles The Movie Part Two (the revenge of Shredder)
13.Mahilig din akong magbasa ng libro. Si Bob Ong ang favorite pinoy author ko. Siguro, pareho kaming may tinatagong mga kalokohan sa buhay. Sa lahat ng librong kanyang isinulat, naging paborito ko ang "ABNKKBSNPLako?" at ang "Alamat ng Gubat".
Props kay Bob Ong.
14. I am also a huge Harry Potter fan. Nabasa ko na yung seven book series about "...the boy who lived" ni Ms. JK Rowling. Medyo nagkaproblema pa ako nung una dahil medyo malalalim na British English ang ginamit nya sa pagsusulat na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Kaya kinailangan ko pang magdala lagi ng English Dictionary tuwing magbabasa ako nito. Malaki pala talaga ang differences ng American English sa British English.
Nabasa din namin ang 7 books. Parang "Pringles" kasi sha.. once you pop, you can't stop.
15. I'm a huge Anime fan! Kulang siguro ang espasyo ng pahinang ito kung ililista ko lahat-lahat ang mga paborito at napanood ko nang mga animes sa tv at sa internet, mula noon at ngayon.
Hindi kami masyado mahilig jan, La Blue Girl lang ang nakikita namin sa Greenhills madalas.
16. I am also a gamer at heart. Ang Final Fantasy series for the PS game console ang all time favorite game ko.
Ang salitang "Chokobo" lang ang tumatak sa utak namin tungkol sa Final Fantasy, matagal na yun. as in years.
17. I love watching Korean, Japanese, and Taiwanese dramas.
Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan.
18. Mahilig din akong makinig sa JPOP at KPOP. Kahit hindi ko gaano nauunawaan ang lingguwaheng ginagamit sa mga awiting ito, go go go pa din!
pag dito sa Pilipinas nauso yan tatawagin ba ng ibang bansa na PPOP yun? magiging PPOPers ba ang tawag satin?
19. Hindi ko pa nararanasan ang malasing ng todo. I mean, yung tipong gumagapang ka na pauwi sa inyo. Umiinom ako pero laging in control lang. Hindi rin ako nagyoyosi.
Ayos lang yan, MINSAN hindi totoo ang "try EVERYTHING at least once" kung SIGURADO na makakasama naman. Pero hindi pa din namin naranasan gumapang pauwi.. o baka hindi lang namin natatandaan.
20. Gustong-gusto kong subukan mag Taekwondo. Dream ko na talaga to simula pa nung bata pa ako. Feeling ko ang astig-astig sa pakiramdam habang suot mo yung white robe with matching black belt... at syempre, for self-defense reason na rin.
Gusto din namin bumili nung "Gi" (karate uniform) o ng "Dobak" (Taekwondo uniform) tapos maglakadlakad lang sa mall.
21. First time ko din maranasan ang isang grabe at malawakang pagbaha dito sa aming lugar noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Mabuti na lang at hanggang lagpas tuhod lang umabot ang tubig baha sa loob ng bahay namin. Sa ibang part ng Baranggay at ng bayan namin, lagpas tao yung tubig. Grabe talaga, total devastation ang nangyari. Nang humupa ang tubig baha, nalantad ang kalunos-lunos na sinapit ng aming lugar. Magulong-magulo. Parang may gera. Tambak ang putik at basura sa paligid. Marami ang nawalan ng tirahan. Pero laking pagpapasalamat pa rin namin kay Bro dahil hindi niya kami pinabayaan during those dark times. Then three months later, fully recovered na rin ang lugar namin ngayon.
Marami kang kasama jan sa random fact na yan. Random fact about us din yan at sana hindi na maulit yung random fact na yun sa future. "Gago ka talaga Ondoy!"
Thank you Feil-kun for letting us comment on your post.
0 comments for this post