Alam mo ba kung bakit kadalasan at karamihan ng magtataho ay pinapasan lang ang paninda nila? Ang binatog nakabisikleta, ang fishball at ice cream may cart, pero ang magtataho, kahit matanda na "carry lang".
Tinanong namin ang suking "manong taho" namin at simple lang ang sagot nya.
Oo nga naman.
Thank you manong taho. Ikaw ang superstar namin tuwing hapon!
...ang galing mo naman.
Pano mo nalaman kung anong iniisip nila?
Banesa: Ah sige, ano ba yun mare?
Linda: Tungkol sa asawa ko. Natatakot ako kasi kutob ko bading sya.
Banesa: Whaaat! ano ka ba?! hahaha! natawa naman ako dun mare!
Banesa: Ha? e bakit naman?
Linda: Eh kasi nung isang araw may mantsa ng lipstick yung kwelyo nya..
Banesa: hmm e hindi ka dapat maghinala na bading si kumpare.. Maghinala ka baka may chicks yan dear!
Linda: Hindi mare. Pagtingin ko kasi sa labi nya, nakalipstick sya.
Banesa: Ohh? eh baka naman gusto lang nya na mejo mapulapula ang lips nya.
Linda: Eh eto pa.. magpagupit daw ako ng maiksi..
Banesa: oh ano naman ngayon? Uso naman ang boy cut.
Linda: Alam ko.. kaso ang gusto nyang gupit ko barber's cut.
Linda: Eh hindi lang yun mare..
Banesa: Oh? Ano pa?
Linda: Ah eh.. gusto nya akong magpahair transplant...
Banesa: Eh bat ka kukutuban na bading si kumpare eh mejo manipis naman talaga ang buhok mo. Saan banda naman daw nya gusto yung hair transplan mo? Sa tuktok, sa batok, o sa bangs?
Linda: Sa dibdib.
1st Place: Efren "Bata" Reyes
2nd Place: Brandon Shuff
3rd Place: Francisco “Django” Bustamante
Billiards [bil-yerdz] : any of several games played with hard balls of ivory or of a similar material that are driven with a cue on a cloth-covered table enclosed by a raised rim of rubber, where Filipinos are expected to win every tournament and other countries compete for the 2nd place.
Mga divers, dahil mas mataas ang score ng bawat dive kapag konti lang ang talsik ng tubig. Mas malaking "splash" ang nagagawa kapag mas malaki ang kasuotan. Kaya kung diver ka... OK lang mag trunks.
Mga wrestlers, dahil costume lang nila yun. Kaya kung wrestler ka... OK lang mag trunks.
Mga bodybuilders, dahil kailangan makita ng mga judges ang mga muscles nila para mahusgahan kung sino ang pinaka maskulado. Kaya kung body builder ka... OK lang mag trunks... wag lang habang nagbubuhat sa gym.
Mga MMA fighters, dahil kailangan nila ng kasuotan na hindi makakahadlang sa kanilang full range of motion... at dahil kaya nilang saktan ang mga taong pagtatawanan sila pag nakasuot sila ng trunks. Kaya kung MMA fighter ka... OK lang mag trunks.
Kung hindi ka swimmer, diver, wrestler, bodybuilder o MMA fighter, walang araw sa buhay mo na pwede kang mag trunks kung more than 11 years old ka na. Wala kaming pakialam kahit sabihin mong yan ang uso sa Europe.. pumunta ka sa Europe at dun ka magsuot ng spandex na brip.
Pinaghugutan
Yung nasa ulo ni Marian pangbiker. Yung nasa ulo ni Angel pangswimming.
Yung dalawang star ni Angel pangmagic (STAR Magic ABS-CBN). Yung dalawang star ni Marian pangdream, pangbelieve, pangsurvive (STARstruck GMA).
Yung emblem sa ulo ni Angel pampaswerte (LUCKY Manzano). Yung emblem sa ulo ni Marian doorbell (DINGDONG Dantes)
Yung armband ni Marian Egyptian inspired. Si Angel walang armband, hindi inspired?
Yung nakaipit sa brip ni Angel pamunas ng pawis pagkatapos makipaglaban. Yung nakaipit sa brip ni Marian pamunas ng bibig pagkatapos kumain.
Magpalaman ng tasty sa pandesal.
Umalis ng bahay ng suot tsinelas sa isang paa, at sapatos sa kabilang paa.
Humingi ng autograph ng hindi mo kakilala, at hindi naman sikat na tao.
Tawaran ang presyo ng kakainin mo sa fastfood restaurant.
Pumili ng kanta sa videoke pero babasahin mo ang lyrics sa songhits. (may songhits pa ba?)
Kapag may binili ka at may sukli ka pa: Tanggaping ang sukli mo nang nakasahod ang dalawang kamay. At nakayuko ka pa.
Paglabanin ng bato-bato-pic ang kaliwa at kanang kamay mo.
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Mara. Ang pamilya namin ang pinaka mahirap sa aming lugar, at minsan hindi ko matanggap ang naging kapalaran namin. Bakit kaya kung sino pa ang mahirap, sya pang lalong pinahihirapan. Halos lahat ng kapitbahay namin sa Barangay Forbes Park ay alam ang aming katayuan. Minsan nga ay iniisip ko nang maging working student para sa pamilya ko, pero nakakatamad. Humingi ako ng dagdag sa allowance ko kay ama, pero sapat na daw ang 15,000 pesos per week. Hindi nya alam na at least twice a week dapat magshopping, kahit sa Hong Kong lang. Natuto din akong pagkasyahin ang 15,000 sa loob ng pitong araw, pero hindi sya naging madali. Dahil sa kalagayan namin, kinakailangang magtayo ng tatlong negosyo ni ama, at naiintindihan ko na minsan ay mainit ang ulo nya pag dating sa bahay. Ngunit hindi ko inaasahan na sarili kong ama ang magdudulot ng matinding hinanakit sa akin.
Linggo nun, at magshoshopping ako with all my single ladies. Kasalukuyang kumakain ako ng frozen yogurt nun nang maalala ko na max out na ang credit card ko. Ang hirap talagang maging mahirap Kuya Chico. Dalidali akong tumakbo papunta sa kwarto ni ama para humingi ng money. Habang tumatakbo ako papunta sa kwarto nya, naalala ko na nag-gogolf nga pala si ama tuwing Linggo, pero sana hindi pa sya nakakaalis. Makaraan ang 20 minutes narating ko din ang kwarto ni ama. Nakita ko ang golf bag nya kaya natuwa ako. Ibig sabihin ay hindi pa sya nakakaalis. Pero hindi ko sya makita sa kwarto nya. Pinasok ko na ang lahat ng walk-in closet pero wala talaga sya. Nang palabas na ako ng kwarto nya, may narinig akong humahagikhik, parang pinipigil na tawa. Nang hanapin ko kung saan nanggaling ang hagikhik, nakita ko si ama na nakatago sa likod ng kurtina. "Anjan ka lang pala eh!" ang naiinis na sabi ko sakanya. Sinabi nya sa akin na nagtago sya dahil alam nya na max out na ang credit card ko at alam nya na hihingi ako ng money. Akala siguro nya makakaisa sya.
Sinabi ko kay ama na kahit 8,000 lang ay ok na pangshopping, titipirin ko nalang. Pagkatapos ng matagal na diskusyon ay binigyan din nya ako ng money. Naisip ko na magandang oportunidad na din yun para sabihin sakanya na napagusapan namin ng best friend ko na magbakasyon sa Paris pagdating ng summer. Binangit ko kay ama ang plano namin ng bestfriend ko pero naging malupit si ama. Sinabi nya na ok lang basta pagipunan ko daw. Nabigla ako sa sinabi ni ama! Pagipunan?! Alam kong mahirap kami, pero nun ko lang nasabi sa sarili ko na "kawawa... naman... ako." Umapila ako kay ama, ngunit hindi daw talaga sya magbibigay para matuto daw ako. Akala ko ay hanggang dun lang ang kalupitan na matatanggap ko nung araw na yun, pero nagulat ako ng sabihin ni ama na "Bakit hindi mo nalang ibenta yung kotse mo anak?" Kinukurot ko ang sarili ko para magising ako, at umaasa na isang bangungot lang ang lahat, pero totoo talaga ang mga pangyayari. Ang sarili kong ama, ang sarili kong dugo't laman na inaasahan kong makakaintindi sa akin, ang sya pang nagsabi ng masasakit na salita sa akin.
Matagal kong pinagisipan ang sinabi ni ama, at ngayon na malapit na ang summer, wala na akong ibang magagawa kundi ibenta ang kotse ko. Sabi nga nila, kapit sa patalim na. May isang bagay lang na gumugulo sa utak ko, at sana ay mabigyan mo ako ng karapatdapat na payo.. aling kotse ko ba ang ibebenta ko, yung apple green, burgandy, o yung pink?
Lubos na gumagalang,
Mara
"Gamitin mo ang rear-view mirror."
Sa American prinsons puro rambulan ng magkakalaban na gang. Sa Panama nagbabarilan mismo sa loob ng kulungan.... Sa Pilipinas, ganito ang aksyon!
Hindi rin!
Cause we don't just JUMP, and we're not just BAKAL
And we ain't just GAGO, we ain't just SOSYAL
Cause we do FANCY THINGS, while we ihi sa KANAL
Easy ka lang dahil may dadating na song
Manggugulo ang MgaEpal.com
Apir.
Vincent: Mommy, ano yung habulan, taguan, at patintero?
Mommy: Bakit mo natanong?
Vincent: Eh sabi sa nabasa ko yun daw yung nilalaro ng mga ninuno natin dati.
Mommy: Saang libro mo naman nabasa yan?
Vincent: Sa internet ko nabasa. ... Ano yung libro?
Mommy: Umm, parang internet din sya pero... mahirap i-explain anak, i-google mo nalang.
Huy bat hindi ka pa nakabihis? Ngayon yung sale, madami akong bibilihin wala akong taga bitbit. Hindi ka ba sasama?
"Hinde."
Eh sabi mo noon sasamahan moko diba?
"Noon yun."
Akala ko sasama ka?
"Maraming namamatay sa maling akala."
Sabi mo sasamahan moko eh.
"Wag kang masyadong naniniwala sa sabi-sabi."
Eh nagpromise ka ah!
"Promises are meant to be broken."
Sabi mo sasamahan moko mamatay ka man!
"Lahat naman tayo mamamatay."
Wala ka palang isang salita eh!!!
"Eh ano ngayon?"
Ang larong "bato bato pik" ay tinawag na "bato bato pik" dahil ang unang bagsak ay bato. Ang pangalawang bagsak ay bato ulit. At sa panghuling bagsak ay pipili ka kung bato, gunting, o papel kaya pick.
Bru!,
Aaang cuuute!,
OMG!,
I love it!,
Whatever!,
Ipiiiis!,
Grabe!,
Omigash!,
My goodness!,
tsk! Ang tabatabataba ko na!,
Mga sinisigaw ng lalake:
Take it off!.. Take it off!
Wala! Anong foul??! Bola eh!,
Extra rice!
Sino jan?: "Boss Chip"
Gender: Lalakeng lalake. Mas lalake pa kay Derek Ramsey at John Hall combined.
Ugali: May takot sa Diyos pero walang religion, Makabayan, Malakas ang loob, Malakas din ang labas, Malinaw ang pakay, Malabo ang utak
Motto: Ok lang hindi sumikat, hindi naman malalaos.
Statistics: 4 websites, 2 injuries, 1 battle scar, 1 kaha ng yosi a day,.. zero-tolerance sa bobong may pinag-aralan naman
Special Ninja Skill: Suggestive-subliminal mind manipulation. (lagot ka na!)
MgaEpal.com Position: Head writer, Editor-in-chief, Taga luto ng pulutan
Next Attraction: "Bunso" MgaEpal.com Profile
Coming Soon: "Manong Guard" MgaEpal.com Profile
Coming Soon: "Kulturantado" MgaEpal.com Profile
Epal: Alam mo, kahit madalas tayong nagbabangayan, ikaw parin ang BFF ko.
Mas Epal: ...
Epal: Bat hindi ka nagsasalita?
Mas Epal: Ano ba yung BFF???
Epal: Best Friends Forever.
Mas Epal: ...
Epal: Oh bat hindi ka na naman nagsasalita?
Mas Epal: Umayos ayos ka ha... wag na wag moko tatawagin ng BFF sa harap ng ibang tao kundi pipitikin ko eyeballs mo!
Ano ang pinaka malaking disyerto sa buong mundo?
Pangalawa lang sa pinaka malaki ang Sahara. Antarctica ang pinaka malaking desert sa mundo.
(Ngayon mo lang nalaman yan no? Wag ka mag-alala hindi ka bobo, hindi common knowledge yan.)
Antarctica, on average, is the coldest, driest, and windiest continent, and has the highest average elevation of all the continents.[2] Antarctica is considered a desert, with annual precipitation of only 200 mm (8 inches) along the coast and far less inland.[3] There are no permanent human residents but anywhere from 1,000 to 5,000 people reside throughout the year at the research stations scattered across the continent. Only cold-adapted plants and animals survive there, including penguins, seals, nematodes, Tardigrades, mites, many types of algae and other microorganisms, and tundra vegetation.
dito galing yan
Likas sa mga Pilipino ang manuod... ng kahit ano.
Manuod ng T.V.
Manuod ng sine.
Manuod sa Youtube.
Manuod ng mga inter-barangay "Liga" ng basketbol.
Manuod ng nagsasayaw na babae.
Manuod ng magagandang babaeng dumadaan. (sabay sabay pa kayong tatahimik hanggang makalagpas sila)
Manuod ng DVD.
Manuod sa ipod video.
Manuod ng scandal sa cellphone.
Manuod ng eroplanong dumadaan hanggang sa matakpan na sya ng clouds.
Minsan habang nanunuod tayo ng may kasama.. tinitingnan pa natin ang kasama natin ng pasimple, at pinanunuod natin silang manuod... Tama?... Tama.
Kahit nga yung naghahalo lang ng simento... pinanunod mo... Diba?
???
Payong kaibigan mula sa MgaEpal.com
Just don't edit anything on/away from the design.
Kung saan nyo gusto gamitin bahala na kayo. Eto na din ang "thank you" namin sa mga "Apir" na binigay nyo mula pa nung New Year! Apir!
CLICK ON THE IMAGE YOU WANT TO USE AND SAVE IT ON YOUR COMPUTER
Partida.. nagkataon lang na nagkatabitabi yang tatlo... hindi talaga magkakakilala yang mga yan.
Itapon nyo na ang mga pantalon nyong "Elepants". Hindi sya maganda tingnan nung nauso sya at hindi parin sya maganda tingnan ngayon!! Tapon nyo na.. wag nyo ibibigay sa charity kawawa naman sila.
Isang araw.. habang nagbabasa ng mga blog ng mga tao at walang magawa...
"21 Random things about me" ni Feil-kun sa Feil-kun's thought at ang aming mga naging comment.
1. Apat kaming magkakapatid sa pamilya. Two boys, two girls. Pangalawa ako sa panganay. Dalawang babae na yung sumunod sa akin.
buti sinabi mong apat kayo, hindi na kami nahirapan bilangin kung ilan ang 2 boys and 2 girls.
2. Asthmatic ako noong bata pa ako kaya madalas akong dinadala ng father ko sa Luneta, particularly dun sa may break waters sa Manila Bay. Ang paniwala kase nya, nakakagaling ng hika ang fresh sea breeze (noon yun, mga early 90's - nung hindi pa polluted ang Manila Bay lols) Awa ng Diyos, gumaling naman ako.
Props sa erpat mo! at props kay God!
3. Hindi talaga ako magaling sa subject na Math. Greatest weakness ko na siya talaga kahit noon pa man. Hindi ko nga alam kung paano ako naging Fourth Honor nung Grade 6 eh lols.
sayang, siguro kung naging magaling ka sa math 3rd honor ka nung grade six.
4. Lahat ng pinasukan kong Schools ay laging malapit sa ilog. Banaba Elementary School - nakaharap siya sa Nangka River (boundary ng Marikina at San Mateo). Roosevelt College San Mateo - San Mateo river naman ang nasa likod ng school. PUP Sta. Mesa - Pasig river naman ang nasa likod nito.
isip namin sinasadya mo yun.
5.Nakarating na rin ako sa Camp Tecson [First Scout Ranger Regimen] sa San Miguel, Bulacan as part of my ROTC training class nung college. Malawak at napaganda nung buong lugar. Medyo nakakaintimidate yung mga sundalo at scout rangers na nagte-training dito. Di ko din malilimutan ang sakit ng katawan na dinanas ko dito while doing some military excercises. First time ko din maexperience mag "Slide for life" dito. Todo kaba pa ako nung una dahil ang taas nung cliff sa gilid ng ilog. Pero nagawa ko naman. Success! Ang sarap sa pakiramdam.
hindi pa kami nakapunta dun pero nakakaintimidate talaga ang mga sundalo. pero "cute" din sila dahil parang mga boyscout sila na may baril.
6. May pagka-nerbyoso ako. Hindi lang halata. lol.
hindi nga din namin nahalata.
7. May pagka-OC ako. Gusto ko laging malinis sa katawan at sa paligid ko.
OC din kami sa kalinisan... pero once a month lang.
8. love seafoods. Gustong-gusto ko ang shrimps. I also love fruits and veggies. Paborito ko ang pakwan at melon. Kumakain din ako ng kahit anong klaseng gulay - talbos ng kamote, amplaya, okra, kangkong etc. Di ko lang gaano trip ang lasa ng asparagus.
Ang takaw mo.
9. Hindi ako mahilig sa ma"Sauce" na mga pagkain. Paksiw na galunggong, pritong tuyo or itlog na maalat lang solve na ako.
"Sauce" (sosyal) na pagkain na ang galunggong dahil sa taas ng presyo nito ngayon.
10. Isa sa pinaka favorite kong classic tagalog movie ang "Kumander Bawang" ni Herbert Bautista. Sana may makaisip na gawan ng remake ang pelikulang ito.
Sana si Herbert parin ang artista sa remake.
11. I'm a hopeless romantic [period]
Hopeless romantik din kami [question mark]
12. Gustong-gusto kong nakikinig sa original sound tracks ng mga pelikula at tv dramas, local man ito or foreign made.
Kami din. Tulad ng Voltes V at Teenage Mutant Ninja Turtles The Movie Part Two (the revenge of Shredder)
13.Mahilig din akong magbasa ng libro. Si Bob Ong ang favorite pinoy author ko. Siguro, pareho kaming may tinatagong mga kalokohan sa buhay. Sa lahat ng librong kanyang isinulat, naging paborito ko ang "ABNKKBSNPLako?" at ang "Alamat ng Gubat".
Props kay Bob Ong.
14. I am also a huge Harry Potter fan. Nabasa ko na yung seven book series about "...the boy who lived" ni Ms. JK Rowling. Medyo nagkaproblema pa ako nung una dahil medyo malalalim na British English ang ginamit nya sa pagsusulat na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Kaya kinailangan ko pang magdala lagi ng English Dictionary tuwing magbabasa ako nito. Malaki pala talaga ang differences ng American English sa British English.
Nabasa din namin ang 7 books. Parang "Pringles" kasi sha.. once you pop, you can't stop.
15. I'm a huge Anime fan! Kulang siguro ang espasyo ng pahinang ito kung ililista ko lahat-lahat ang mga paborito at napanood ko nang mga animes sa tv at sa internet, mula noon at ngayon.
Hindi kami masyado mahilig jan, La Blue Girl lang ang nakikita namin sa Greenhills madalas.
16. I am also a gamer at heart. Ang Final Fantasy series for the PS game console ang all time favorite game ko.
Ang salitang "Chokobo" lang ang tumatak sa utak namin tungkol sa Final Fantasy, matagal na yun. as in years.
17. I love watching Korean, Japanese, and Taiwanese dramas.
Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan.
18. Mahilig din akong makinig sa JPOP at KPOP. Kahit hindi ko gaano nauunawaan ang lingguwaheng ginagamit sa mga awiting ito, go go go pa din!
pag dito sa Pilipinas nauso yan tatawagin ba ng ibang bansa na PPOP yun? magiging PPOPers ba ang tawag satin?
19. Hindi ko pa nararanasan ang malasing ng todo. I mean, yung tipong gumagapang ka na pauwi sa inyo. Umiinom ako pero laging in control lang. Hindi rin ako nagyoyosi.
Ayos lang yan, MINSAN hindi totoo ang "try EVERYTHING at least once" kung SIGURADO na makakasama naman. Pero hindi pa din namin naranasan gumapang pauwi.. o baka hindi lang namin natatandaan.
20. Gustong-gusto kong subukan mag Taekwondo. Dream ko na talaga to simula pa nung bata pa ako. Feeling ko ang astig-astig sa pakiramdam habang suot mo yung white robe with matching black belt... at syempre, for self-defense reason na rin.
Gusto din namin bumili nung "Gi" (karate uniform) o ng "Dobak" (Taekwondo uniform) tapos maglakadlakad lang sa mall.
21. First time ko din maranasan ang isang grabe at malawakang pagbaha dito sa aming lugar noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Mabuti na lang at hanggang lagpas tuhod lang umabot ang tubig baha sa loob ng bahay namin. Sa ibang part ng Baranggay at ng bayan namin, lagpas tao yung tubig. Grabe talaga, total devastation ang nangyari. Nang humupa ang tubig baha, nalantad ang kalunos-lunos na sinapit ng aming lugar. Magulong-magulo. Parang may gera. Tambak ang putik at basura sa paligid. Marami ang nawalan ng tirahan. Pero laking pagpapasalamat pa rin namin kay Bro dahil hindi niya kami pinabayaan during those dark times. Then three months later, fully recovered na rin ang lugar namin ngayon.
Marami kang kasama jan sa random fact na yan. Random fact about us din yan at sana hindi na maulit yung random fact na yun sa future. "Gago ka talaga Ondoy!"
Thank you Feil-kun for letting us comment on your post.
Ang pag-ibig parang Lotto... mas madami ang natatalo kesa sa nananalo... pero tumama ka lang ng ilang numero masaya ka na, kahit balik taya lang.... at minsan...
Masasabi mo lang na tunay kang bum, kung ang suot mo buong araw ay sya ring gamit mo na pang tulog sa gabi, at sya ring suot mo buong araw kinabukasan.
"Wala yun, wag mo na pagselosan yun. Inaamin ko madami kayong babae sa buhay ko pero... in the end, there can be only one, at ikaw yun :) " -Duncan Macleud
Sorry na!
Sorry na talaga!!!
Froilan: 1,400?!
Froilan: Hindi binigay?
Michael Joe: Oo, Pero pag tagal binigay din.
Froilan: Binigay din?!
Michael Joe: Oo, so ang iniisip ko ngayon 'e kung saan ako kukuha ng pera pang date.. eh napambili ko ng sapatos yung pera ko.
Froilan: Napambili mo ng sapatos yung pera mo??
Michael Joe: Oo. Eh last money ko na yun.
Froilan: Last money mo na yun?!? tsk tsk
Michael Joe: Oo, last money ko na tapos next week ko pa makukuha yung sweldo ko.
Froilan: Next week mo pa makukuha yung sweldo mo?!!
Michael Joe: Oo eh. Ironic nga, kasi nakilala ko sha at nayaya magdate dahil bumili ako ng sapatos sakanya, kaso wala na akong pang date dahil pinangbili ko ng sapatos.
Froilan: Pinangbili mo ng sapatos?!!
Michael Joe: Oo, hindi ka ba nakikinig sa kwento ko?!
Froilan: Sa kwento mo?
Michael Joe: Oo! Yung kinikwento ko kanina pa!!
Froilan: Kanina pa?!!
Froilan: Uwi ka na?
Michael Joe: Oo! Uwi nako!!
Froilan: Uwi ka na?
Michael Joe: ...
Kung ganyang klaseng tao lang din naman ang kausap mo, na itatanong lang sayo kung ano yung huling sinabi mo, umuwi ka na lang din.
Onga pala sorry ulit para dun sa video na nasa taas.
Sino ang ganyan? taas ang kamay.
Sino jan?: "Bunso"
Gender: Lalakeng lalake. Mas lalake pa kay Dingdong Dantes at Robin Padilla combined.
Ugali: Tahimik pero "palag", Makabayan, Spiritual, Walang pakialam: Walang paki at walang alam.
Motto: When in the Philippines, do as the Filipinos do.
Statistics: (pets): 47 colorful parakeets, 7 thrashing Mega-fishes, 4 loyal dogs, 3 useless turtles, 2 cuddly rabbits, 1 affectionate cat, 1 angry fighting cock
Special Ninja Skill: Teleportation from one spot... to the same spot
MgaEpal.com Position: Writer, Artist, Tanggero
Next Attraction: "Manong Guard" MgaEpal.com Profile
Coming soon : "Kulturantado" MgaEpal.com Profile
May kumakalat sa internet na hermaphrodite daw si Lady Gaga.
Ang sabi DAW ni Lady Gaga ay Hermaphrodite nga sha na may reproductive organ ng lalake at babae, pero babae daw ang puso nya. Well kung ano man ang totoo, walang masama kung hermaphrodite nga sya. Kung san sya masaya pabayaan na natin.
Natanong lang namin sa sarili namin na pano kung lalake si Lady Gaga, ano kaya ang pangalan nya? Gentleman Gaga? o Lady Gago? o kaya Gentleman Gago?
Pwede din Gentlewoman Gaga o kaya... Tama na! Korni na!!!
Tingnan muna ang SARILI....
Umunlad sa SARILING sikap...
Alam mo na kung sino ang simula.
Apir!
Hindi na nakakatawa ang hirit na "Bahala na si Batman". Paki tigil na ang pagsasabi nyan. Concern lang kami.
Paki basa na lang mga Ginang at Ginoong teachers para hindi kayo murahin ni Rosanna Roces. Sinunod namin ang sabi ni Rosanna Roces at "Winikipija" pa namin ang sagot... pagkatapos namin "Iyuchub"and video nya. I-wikipija daw eh, edi i-wikipija!
Governor-General Narciso Claveria ordered all native families in the Philippines to choose new surnames from a list of Spanish family names. José's father Francisco[8] adopted the surname "Rizal" (originally Ricial, the green of young growth or green fields), which was suggested to him by a provincial governor, or as José had described him, "a friend of the family". However, the name change caused confusion in the business affairs of Francisco, most of which were begun under the old name. After a few years, he settled on the name "Rizal Mercado" as a compromise, but usually just used the original surname "Mercado". Upon enrolling at the Ateneo Municipal de Manila, José dropped the last three names that make up his full name, at the advice of his brother, Paciano Rizal Mercado, and the Rizal Mercado family, thus rendering his name as "José Protasio Rizal". Of this, Rizal writes: "My family never paid much attention [to our second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of an illegitimate child!"[10] This was to enable him to travel freely and disassociate him from his brother, who had gained notoriety with his earlier links with native priests who were sentenced to death as subversives.
Dito galing yan
Dear Kuya Chico,
Itago mo na lang ako sa pangalang Darwin. Ako ay isang body builder slash bouncer sa isang club slash cashier sa sari-sari store. Meron akong dalawang cute na cute na anak, si Greg 25 years old, at si John 25 years old din... kambal sila.
Masaya ang aming pamilya kahit na tatlo lang kami. Iniwan kami ng ina ng mga anak ko noong mga bata pa lang ang kambal. 12 years old lang si Greg nang iwanan kami ng asawa ko, hindi ko na matandaan kung ilang taon si John nun. Hindi ko parin matanggap na pinagpalit ako ng misis ko sa ibang babae. Kung sinabi lang nya noon na tomboy sha hindi naman ako magagalit. Ok lang naman sakin kung mag-uuwi sha ng ibang babae... basta maganda.
Isang tahimik na gabi, habang natutulog kami ng matiwasay ay nagising ako sa tunog ng maliliit na pakpak. Noong una ay naisip ko na baka mga mumunting fairies ang naririnig kong lumilipad-lipad sa kwarto namin pero naalala ko na matanda na nga pala ako para maniwala pa sa fairies. Matagal kong hinanap kung ano ang lumilipad-lipad sa kwarto namin. Ayaw ko namang buksan ang ilaw dahil baka magising ang mga baby ko.
Makalipas ang ilan pang minuto ay nakita ko din ang pinanggagalingan ng tunog. Noong una ay hindi ako makapaniwala.. Tinanong ko ang sarili ko "Totoo ba ito?" at sumagot din ang sarili ko "Totoo nga!" ..Isang brown, chubby, at kadiring flying ipis! Dahan-dahan kong kinuha ang sandals ni John, ay ni Greg pala! Sorry magkamuka kasi sila. At nung lumanding yung ipis sa dingding ay hinanda ko na ang sarili ko. Papaluin ko na sana ang ipis nang biglang...
Lumipad ang ipis at lumanding sa muka ni Greg! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pababayaan ko bang tapak-tapakan ng ipis na yun ang muka ng baby ko? O hahampasin ko ba ng sandals ang ipis sa muka ni Grag kahit masaktan sha? Sana ay mapayuhan mo ako bago magising si Greg.
Lubos na gumagalang,
Darwin
Kawawa naman ang mga artistang may pangalan na nagsisipula sa letter "P".
Inangkin na ni Piolo Pascual ang letter "P" at hindi na pwedeng maging "Papa P" ang ibang artista na sa "P" din nagsisimula ang pangalan, tulad nila Paolo Paraiso, Polo Ravales, Paolo Contis, , Pericho Rosales, Pichard Gutierrez, at Pingpong Dantes.
Hinde..
God doesn't close a door, period!
Yun lang! Wala nang window window pa!
"God doesn't close a door."
...dahil insulto sa gay community ang isali sya sa pederasyon nila.
Kung kilala mo si Ate Shena, Kuya Ching, at ang makwentong si Kuya Bodjie... batang Batibot ka nga.
At ibig sabihin ay matanda ka na ngayon. Matandang Batibot ka na.
...edi sandon't.
Ilan kaya ang nagalit dahil sa joke na 'to?
Epal: Tira na! ang bagal eh! Kanina ka pa nagiisp ah! sabihin mo na lang kung suko ka na.
Mas Epal: Teka...................................... Oh ayan! Check mate! !! wahaha!!! booyah!! yeah boiii! who's your daddy?! who's your daddy?! whooot whooot!! panis! oh yeah!.. oh yeah!.. oh yeah!.. oh yeah!...
Epal: Ha??? .. Dama 'to eh! bobo!
Mas Epal: .......................... I hate you.
Sino jan?: "Manong Guard"
Gender: Lalakeng lalake. Mas lalake pa kay "Boss Chip" at "Bunso" combined!
Ugali: Prangka magsalita, Makabayan, Rumerespeto lang sa taong marunong rumespeto, Tamad sipagin, Masipag tamarin.
Motto: Wag magsisinungaling, kung bobo ka magimbento ng kwento.
Statistics: 3 extra rice, 3 bisyo, 2 websites, 2 freelance gig, 1 office job, (zero) silbi sa bahay
Special Ninja Skill: Sub-intentional Object Distortion (madalas makasira ng gamit)
MgaEpal.com Position: Writer, Audio arranger, Taga balasa
Next Attraction: "Kulturantado" MgaEpal.com Profile
Tuwing birthday mo (from age 1 to 12) : Malakas na pag kanta ng "Happy Birthday To You" na may kasunod na "Oh, blow the candle na.."
Kapag may pagsasalo at pasasayawin o pakekembotin ka ng mga tao (from age 2 to 4) : "I-kembot mo"
Sa ibang mga eskwelahan na hindi ko alam kung bakit araw-araw may Flag ceremony kaya nawawalan ng special na kahulugan sa mga bata ang Philippine National Anthem (age 5-15) : "Lupang Hinirang" na isa sa pinaka magandang National Anthem sa buong mundo.
Kinakanta kapag makapal ang muka ng teacher at walang pakialam kahit nagring na ang dismissal bell. Pwede din sa office kung makapal din ang muka ng boss na magpa-overtime ng walang bayad! (age 7 onwards) : "Uwiii-an na"
Pag birthday mo (age 15 onwards) : Malakas na simula ng "Happy Birthday To You" na dahan-dahan humihina at minsan hindi pa tinatapos. O kaya "Happy happy happy birthday, sayo ang inumin sayo ang pulutan" na kinakanta ng mga taong akala ay nakakatuwa ang kanta na yan!
Pag nagiinuman (age 15 onwards) : "Laklak" na ang tanging kanta na hindi mo kailangan ng magandang boses para maging maganda pakinggan.
High school graduation (age 16, or 17, or 18, or 19... depende kung ilang beses ka nag-repeat) : "Friends Forever" na nagpapaiyak ng kahit na sa pinaka bruskong epal sa classroom nyo. O kaya "High school life" na patago pag may napapaiyak.
Sa mga nagdurog at naghimay (from age kung kelan ka tinamaan to age kung kailan nawala ang tama mo) : "Bawal na Gamot" sa mga nagsisisi, O kaya "Because I Got High" sa mga hindi.
College graduation (from age 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, etc... depende kung nakailang shift ka na, o kung sosyal ka at Med. o Law student ka, o kung second course mo na ang nursing dahil ito lang ang course sa Pilipinas ngayon!): Ang local song na "Farewell" na maski mga taga ibang bansa ay ginagamit sa graduation nila.
Inuman na hindi lasingan (from age 1 onwards!): "Kaleidoscope World" na sinulat ng isang di-pangkaraniwang nilalang.
Nagchampion ang team mo sa PBA (age 12 at panghabangbuhay!) : "We Are The Champions" at wala nang kakailanganin pang ibang kanta kaya ok lang kahit anim na beses ulit-ulitin hanggang sa awarding ceremony.
Sa kasal nyo (from age 18 to age kung kelan man kayo nakapag ipon) : "Here comes the BRIDE" dahil ang kasal ay special na araw naman talaga nung babae at walang "Here comes the groom" kaya walang karapatan ang mga lalake na mag-inarte sa kasal. Sakanila na ang Wedding.. wag kayo mag-alala satin ang Honeymoon!
Eto na!... Honeymoon. (from age kung kelan ka kinasal to age kung kelan ka kinasal nanaman) : Kahit na ginago ng isang lalake ang kanta sa isang escandalo (Gago ka talaga! Bobo ka pa sa cinematography at camera angles!) ang "Careless Whisper" ay babalik ulit para sa mga honeymoon ng mga Pilipino. Pero sa ngayon ay mag "Let's Go" muna kayo by Trick Daddy, o kaya "Let's Get It On" by Marvin Gaye.
Kapag nalasing sa videoke bar (from age kung kelan ka naging tatay hanggang age kung kelan ka napaaway dahil sa kanta na 'to) : "My Way" na hindi din namin alam kung baket nagpapainit ng ulo ng ibang lasing.
Kapag may asim ka parin kahit lola ka na o kung maanghang ka pa kahit lolo ka na (from age may apo na kayo to age na naaalala nyo pa kung sino ang asawa nyo) : "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na dapat gawing basis ng mga nasa relationship ngyon para hindi kayo puro FUBUs! Pero hindi din namin kayo pipilitin magpakatino dahil hindi kami mga nanay nyo!
May kulang? Oo may kulang alam namin, matalino kami diba?! Ayaw lang namin pagusapan dito dahil buzzkill.
"awww.. ang twit twit naman nya" -girlfriend
@employee sorry but your incompetence is unacceptable, you're fired!
@kim hoy iha! utang na loob layuan mo na ang anak ko! hindi ka karapatdapat kay @dondi! ambisyosa ka! hindi ka nababagay sa pamilya namin!!
"Dondi! Twit ng ina mo!!" -kim
Sino jan?: "Kulturantado"
Gender: Lalakeng lalake. mas lalake pa kay Ben Tulfo at Lolit Solis combined.
Ugali: Malakas mang asar, Galit sa pikon, Makabayan, Madasalin kahit walang kailangan, Sweet lover kahit hindi driver.
Motto: Mas may silbi ang gago kesa bobo.
Statistics: 1,680 movise in collection, 718 NBA cards in collection, 352 Pog in collection, 272 Comics in collection, 288 Coins in collection, 208 Books in collection, 83 Keychains in collection, and a partridge in a pear tree.
Special Ninja Skill: Rapid Libido Regeneration
MgaEpal.com Position: Writer, Project Coordinator, Taga salo ng tagay.