Kahapon nasa may bilihan ng furniture kami tumitingin ng laptop table. Biglang umulan kaya napatambay kami sa malapit na burger station. Mukang masarap yung cheeseburger at foot long nila kaya bumili kami ng ham and egg. Medyo matagal lutuin yung ham and egg kaya naisip muna naming bumili ng soft drinks. Tinanong namin kung anong soft drinks nila ang malamig. Biglang naglabas yung tindera ng Mountain Dew at kulay blue na soft drinks. Dahil usisero kami pero ayaw naming magmukang ignorante, inorder namin yung kulay blue na soft drinks. Pag abot nung tindera, tiningnan naming mabuti... Pepsi! Pero baket mukang dish washing liquid? Panis na Pepsi ba 'to? Tinikman namin... masarap. Parang Pepsi pero blue. Inisip namin kung may ganon ba talaga. Baka peke. Pagkaubos ng ham and egg at Pepsi na kulay blue, umalis na kami nang hindi parin alam kung ano ang alamat nung Pepsi na kulay blue.
Nung nagche-check na kami ng Tip Box, akalain mong merong nagpadala nito...
tinimbre ni om sa Tip Box
Dear Pepsi Company, dahil sa pabasa na 'to, umaasa kami na bigyan nyo kami ng Pepsi Pinas.
Apat na bote lang, baka hindi kasi namin maubos. Paki samahan na rin ng ham and egg.
Apat na bote lang, baka hindi kasi namin maubos. Paki samahan na rin ng ham and egg.
Para sa celebration ng Araw ng Kalayaan nitong darating na June 12, may magandang project ang Yahoo! Philippines. Naghahanap sila ng pitong Filipino na gumawa, at patuloy na gumagawa, ng kahit anong bagay na positibo.
Para sa mga detalye, eto ang part ng pabasa na hugot sa Yahoo! Philippines:

Para sa mga detalye, eto ang part ng pabasa na hugot sa Yahoo! Philippines:

Sa panahon ngayon kung saan uso ang pambasag araw na mga issues at balita,
ang gandang inspirational project nito. Apir sa Yahoo! Philippines.
"Wisdom is for all. Self-teaching can be done by anyone.
But learning is a pesonal choice." -MgaEpal.com
banana que vendor with a thousand words
banana que vendor with a thousand words
tinimbre ni bulate sa Tip Box
We met this vendor in mega station in pampanga while having our 2nd educational trip. At first we thought he was only trying to impress us that he also know how to speak in english, as time goes by, the true identity of this guy came out. one thing about this guy is he fears God's words, he is telling us stories that touch our hearts, personally my heart.
I hope his video will help him to get a good education since that he only finish first grade in school.
Note from MgaEpal.com authors:
May simple kaming pakiusap sa lahat. Paki kalat ang video na 'to. May potensyal yang taong yan. Sa totoo lang, pwede talaga syang maging tour guide, o sales agent dahil sa self confidence na natural dumadaloy sa pagkatao nya. Pwede maging personality sa radyo 'to. Kaya pakiusap lang, tulungan nyo kaming ipaabot sa mga taong pwedeng magbigay ng tulong sa kanya ang video na 'to. Sayang 'e. Andyan na ang potensyal, kailangan lang ng pagkakataon. Pwede nyong i-share yang video na yan. Kung may twitter ka, ipaabot mo sa mga sikat. Kung may blog ka, paki gawan ng pabasa. O kung ikaw mismo, may kakayahan kang bigyan sya ng trabaho kung san magagamit nya ang maaliwalas na personality nya, gawin mo.Bihira kami mag-endorse ng tao, pero kung may karapatdapat mabigyan ng opportunity, yan 'e yung mga taong handa matuto. Yung may pagkukusa, at yung may natural na abilidad.
Subscribe to:
Posts (Atom)