Sabi ng ABS-CBN, wala daw kinalaman sa pagtapat ng "Willing Willie" sa TV Patrol ang revision/REINFORCEMENT ng anchors sa TV Patrol.
Onga naman, nagkataon lang siguro na after 2 weeks mula nung inere ang Willing Willie, dun naisip i-announce ng ABS-CBN ang gagawin nilang pagbabago sa show nila na tinapatan ni Willie Revillame.
Lahat ng mista ng coincidences na yan ay sinindihan ni Jobert Sucaldito.
Ilalabs na namin lahat ng komento namin sa bagay na 'to... Nabilib kami sa innovative na diskarte ng TV5. Natuwa kami sa revamp ng ABS-CBN 2 sa TV Patrol (May kinalaman man talaga o wala sa Willing Willie). At inaabangan namin ang pang-counter ng GMA 7. Parang chess 'no? Kaso dalawa lang ang naglalaban sa chess. Ang tanong, kaninong "king" ang matitirang nakatayo? Sino ang walang "queen" at nahihirapan dumiskarte. At kanino ang unang "check mate".
Oswald: Pare lasing ka na, pagewang-gewang na lakad mo 'e.
Conrad: Pare, ikaw ang lasing... nakaupo ako 'e.
Sabi ni Lee Da Hea, ang binanggit daw nya ay Southeast Asia at hndi specifically Philippines or Filipino. Hindi din daw nya alam na Philippines ang nilagay sa subtitle. Humihingi daw sya ng tawad sa misunderstanding na nangyare.
Kung May dapat humingi tawad, hindi ba dapat yung producers o kung sino mang Koryano na nag-edit nung video? Pero wag naman ayong magpakasensitive. Simpleng bagay lang yan. Ugali din naman mismo natin ang asarin ang sarili natin pag nag-e-english tayo o ibang kakilala natin. Pero kung gusto mo talaga gumanti, edi asarin mo din kung papano mag-english ang mga Koryano.
Parang ganito...
Oo, kailangan magmukang tanga at mag-aerobics ng mga Koryano habang nag-e-english.
Quits na.
Bilang anak, obligado tayong magkaron ng kapani-paniwalang fake na tawa sa lahat ng korning joke nila.
(Kung mahal mo ang magulang mo, titingin-tingin ka sa paligid, at pag sigurado kang walang makakarinig sayo,
magpapractice kang tumawa ng peke ngayon.)
tututol din ba sila sa pagpapakasal ng mga baog?
Subscribe to:
Posts (Atom)