Tanong galing kay Kenneth Sigue:
Bakit ang Pilipinas "Kulelat" in terms of Technology, Music, etc?
MgaEpal.com Answers:
Salamat sa tanong. Madaming dahilan kung baket "kulelat" tayo MADALAS (Madalas lang, hindi lagi) sa kung ano-anong bagay.
Kulelat sa technology?
Iba-iba ang dahilan nyan. Una dahil hindi masyadong nagko-concentrate sa tech development ang Philippine government. Pangalawa, wala din namang masyadong local manufacturers ng gadgets dito. Kung meron mang magkaron ng makabagong idea sa technology sa atin, kulang sa pondo at hindi nasosoportahan ng gobyerno. Mas inuuna kasi ang mga projects para sa mga mahirap dahil mas madaming mahirap dito. Matagal na proseso kasi ang pagdedevelop ng bagong technolohiya, at ang gustong ibigay ng gobyerno sa mga tao ay instant tulong, para bida sila agad kahit nangbubulsa sila ng pera ng bayan.
Kulelat sa music?
Ngayon na lang nangyare yan. Kung internationaly, oo kulelat tayo lagi sa music dahil ang mga mas maimpluwensyang bansa ang nagdidikta ng uso. Syempre una sila, at sa panahon ngayon, kung hindi ikaw ang nauna, ma-late ka lang ng isang araw, kulelat ka na. Pero kung sa lokal na music scene, nagkaron din naman ng mga panahon na buhay ang music industry dito saten. Nagkataon lang na garapalan ang piracy dito. Nandyan din ang fact na pwede nang i-download ang mga kanta ng libre. Yan ang mga dahilan kung baket nawawalan ng gana mag-produce ng mga bagong kanta dito sa atin. Wala na kasi masyadong kita sa album sales, mas kumikita sa gigs at concerts ang mga artists. Kulang din tayo sa international exposure. Kaya kahit may ibubuga, hindi natin mapasikat internationally kung walang tulong ng ibang bansa.
Kulelat sa etc.?
Kung sa pagiging mas huli (hindi naman kulelat, mas huli lang) sa iba pang bagay, ang sagot ay ang kakulangan sa originality. Hindi naman tayo mabagal. Kung tutuusin mabilis nga tayo. Mabilis tayong mang-gaya. Pag uso sa ibang bansa, gusto na din nating pausuhin dito. Syempre nauna sila, edi ano tayo? Nagmumukang kulelat. Kung tayo ang magpapauso, edi hindi na tayo pwedeng mangulelat. Kaso masyadong malaki ang impluwensya ng Cable T.V., Magazenes, at Internet, kung saan hawak ng international pop culture ang dinidikta ng kung ano ang uso.
Kahit naman siguro mahawakan natin ang dikta ng kung ano ang uso, at magkaron tayo ng bagay na pwedeng ipa-uso, hindi naman natin kayang pausuhin. Kulang tayo sa pondo, kulang tayo sa soporta, kulang tayo sa kaalaman, at kulang tayo sa lakas ng loob.
Madami na ang bagay na Pilipinas sana ang nanguna, o bagay na Pilipino ang naka imbento. Kaso dahil sa pagkukulang, ibang bansa ang nagpapa-uso at hindi sa atin napupunta ang full credit. Tulad ng fluorescent lamp, Incubator, Moon Buggy, at Karaoke Machine.

Scam Exposed
Kadalasan, nagiging dahilan ng pagkalumpo ng iba ang mga kotche na may gagong driver.
Pero sa pagkakataon na 'to, isang kotche na may gagong driver
ang nagpalakad sa mas gagong "lumpo".
Himala.
file tinimbre ni
Arien Perez sa Tip Box
Tumatanda na ang anak nya, at gusto nyang itigil nung bata ang pag-gamit ng pacifier para magmature? Pwede namang i-explain sa bata ang totoo, na pag lumalaki na dapat itigil na yon dahil baka pagtawanan sya ng iba. Baket kailangan pang sobrang palungkutin yung bata? Kapag nalaman nya ang totoo, bahala na syang tanggapin yon. Dun papasok ang tunay na maturity. So ngayon hindi na nagpapacifier yung bata, congratulations. Naniniwala na lang sya na may "Passy Heaven" (pacifier heaven) at napupunta ang mga pacifier sa mga angels. Wow mas mature nga naman yan.
video pinalipad ni
megz_kie sa Tip Box
Sa laban ng Smart-Gilas Philippine team sa Malaysia, nanggigil si Asi Taulava sa muka ng Malaysian player. na si Kwaan Yoong Jing. Hindi dahil cute si gago, kundi dahil uminit ang ulo ni Asi dahil nacute-tan din yung Malaysian sa itlog ni Taulava.
Sinasabi ng commentator na mukang hindi naman daw sinadya ang nangyare. Sa tingin namin, hindi nga sinadya ni Kwaan Yoong Jing na pisilin, lapirutin, at saltikin ang itlog ni Taulava. Gago ka ba? Pano mo hindi sasadyain yan?
Humingi ng sorry si Asi sa mga tao gamit ang Twitter account nya...
"Would like to apologize to everybody that watched the game today for
losing my cool, No excuses for my actions, and I’m sorry.”-Asi Taulava
Public figure si Taulava, at dahil sa moralistang paniniwala na dapat maging role model ang mga public figures, kaya siguro sya nag-sorry sa mga tao. Pero sa totoo lang, walang dapat ihingi ng tawad si Asi. Bilang lalake, sobrang nakakagago pag nilapirot ang itlog mo. Acceptable ang ginawa ni Asi. Totally understandable.
Mukang trade mark move na ni Kwaan Yoong Jing ang low blow, dahil nung kalaban naman ng Malaysia ang Philippine Patriots noon, eto ang ginawa nya...
. Yan ang mix martial art ni Kwaan Yoong Jing. Pinaghalong Karatesticle at Jujitlog.
Subscribe to:
Posts (Atom)